Kabanata 76: Pagtapat ng Damdamin

887 54 6
                                    

ZAHARA'S POV

"Hara!"

"Hara!"

"Hintayin mo kami, Hara!"

Matulin akong huminto mula sa aking paglalakad nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtawag sa akin ng kung sinong mga kalalakihan.

Nang sandaling lumingon ako upang malaman kung sino ang mga ito ay doon ko nakita sina Blake, Ryker at si Matt.

Hindi ko man lang namalayan na sinundan na pala nila ako.

"Hara, saan ka pupunta?" Agad na tanong ni Ryker nang marating nila ang aking kinaroroonan.

"Hindi ko alam, siguro'y papanhik na lamang muna ako sa aming dormitoryo upang magpahinga." Tugon ko sa kaniya. Nasilayan ko naman ang pagbalatay ng pag-alala sa mga mata nilang tatlo.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo ihatid kana namin?" Alok niya sa mahinang tono na agaran ko lamang ikinailing.

"Ayos lamang ako, Ryker. Kaya ko na ang aking sarili, salamat." Sagot ko at tipid na ngumiti.

"Are you sure that you're okay, Hara?" Paninigurado pa ni Blake na ikinatango ko lamang.

"Pasensyahan mo na si Maddison, hindi naman siya gano'n dati eh. Yes, she's maybe a brat sometimes but not this, she's acting so immature, she's too much."

"Ayos lang, Blake. Naiintindihan ko, isa pa'y natitiyak ko na hinding-hindi na niya ako gagambalain pa o ang kahit na sino pa sa mga kaibigan ko, sa inyo."

Nakita ko naman ang dagliang pagguhit ng tatlong linya sa mga noo nila nang isinatinig ko ang mga salitang iyon.

"Paano ka naman nakakatiyak, Hara? At saka oo nga pala, nagtataka kami kung ano ang mga sinabi mo kanina kay Maddison at nagkagano'n nalang siya bigla na parang nakakita ng halimaw, ano ba ang mga sinabi mo at parang takot na takot siya?" Gipalpal ng kuryusidad na tanong ni Ryker na agaran ko namang binigyan ng sagot.

"Wala, tinakot ko lamang siya at nang sa gayon ay hindi na niya uulitin pa ang mga kalapastanganang pinaggagawa niya."

Umawang naman ang kaniyang labi at pagkuwa'y sumipol na tila ba'y namangha sa aking iniusal.

"Grabe, ibang klase ka talaga, Hara! Alam mo bang ikaw pa lang ang nakapagpaiyak do'n kay Maddison? Ngayon ko pa lang din siya nakita na matakot ng gano'n. Well, deserve din naman niya 'yon." Wika niya at walang ano-ano'y humagikgik ng tawa.

Napapailing na napangit na lamang kaming dalawa ni Blake sa kaniyang mga sinasabi.

Bagamat ilang saglit pa ang naglaon ay bahagya akong natauhan nang sandaling maramdaman ko ang isang pares ng mga mata na animo'y nakapako't nakatingin sa akin at nang sandaling ibaling ko ang aking paningin sa kanang bahagi ay agad kong nasilayan si Matt na tahimik at tulirong nakatitig sa akin.

"Matt?"

Tila'y agad naman siyang nabalik sa kaniyang diwa nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. Mabilis siyang napakurap-kurap ng kaniyang mga mata kasabay ng biglaang pamumula ng magkabilang pisngi niya.

"H-Hara."

Hindi ko alam kung magtataka o matatawa ako sa ekspresyon na ngayon ay nakapaskil sa mukha niya sa saloy na ito.

Hindi ko rin lubusang maunawaan kung bakit sa tuwing tatawagin niya ako sa aking pangalan ay nauutal siya na wari ba'y nahihiya siya sa aking presensya.

"H-Hara, m-maaari ba kitang makausap?" Utal niyang usal.

Tumango naman ako sa kaniyang sinabi at masinsinan siyang pinakatitigan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now