Kabanata 132: Omnikinesis

779 48 15
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakaupo sa kaniyang trono ang reynang may kakaibang ngisi sa labi habang marahang ipinapalandas ang mahahaba't matutulis nitong mga kuko sa ulo ng dragon na nasa gilid nito.

"Malapit na, malapit na malapit ko nang matamasa ang tagumpay! Sa nalalapit na pagsapit ng pulang buwan, madugong digmaan ay siyang maisasakatuparan! Dugo ay dadanak sa lupaing kanilang pinakainiingat-ingatan!"

Muling umalingawngaw sa napakalawak na bulwagan ang nakakatakot at nakakahilakbot nitong halakhak.

"Malapit mo nang maisakatuparan ang iyong mga adhikain, mahal kong reyna."

Mas lalong napalawak ang ngising nakapaskil sa mapaglaro nitong mga labi dahil sa iminungkahi ng kanang kamay nito.

"Darating na ang pinakahinihintay kong sandali. Maisasakatuparan na ang matagal kong iminimithi!"

"Kailan mo balak maghasik ng lagim, aking panginoon?"

Naging seryoso ang mga mata nito at pagkuwa'y tumingin sa durungawan kung saan makikita ang bilog at maliwanag na buwan.

"Sa gaganaping pagdiriwang ng mga dugong-bughaw at maharlika sa pagpapakilala sa tunay na tagapangalaga at prinsesa. Sa pagsapit ng dugong buwan. Bukas. . . bukas tayo lulusob! Bukas natin sila sisingilin! Bukas natin sila tatapusin!"

Dahil sa mga isinatinig nito'y mababahiran rin nang labis na pagkasaya ang nangangalit na itim na mga mata ng lalaki.

"Subalit iisang bagay lamang ang naglalaro sa aking isipan, aking panginoon. Kung magagawa ninyo ang inyong adhikain, ano na ang susunod ninyong gagawin? Ano na ang susunod ninyong plano?"

"Ang matagal ko ng dapat ginawa. Ang kunin siya. Siya ang makakatulong sa akin upang tuluyan ko nang masakop ang buong lupain ng Zahea. Siya ang magiging susi upang tuluyan ko nang maangkin ang mundo na dapat ay sa akin! Gamit siya at ng kaniyang napakalakas na kapangyarihan ay magagawa ko na ang aking gusto! Siya ang magiging daan upang ako ang magwagi. Ang tanging kailangan ko lamang gawin ay ang gawin siyang kabilang sa atin. At sa oras na mangyari na ang bagay na iyon ay wala ng sinuman ang makakapigil sa akin. Wala na!"

* * * * *

Sa kabilang banda, ang lahat ng mga mag-aaral ay abala't balisa sa paghahanda sa darating na pagdiriwang kinabukasan.

Laksa-laksang mga estudyante ang pumaparoon at pumaparito sa bayan upang maghanap ng kanilang mga kasuotan para sa gaganaping piging. Inaanyayahan ang lahat na magsuot ng kulay puting kasuotan bilang simbolo ng kapayapaan, kapayapaan sa gitna ng digmaan. Liwanag sa gitna ng kadiliman.

At kabilang na sa mga estudyanteng iyon ang mga magkakaibigan na kakarating lamang mula sa kani-kanilang mga kaharian at ang iba'y mula sa nasabing bayan.

"Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras na pwedeng magdiwang ay ngayon pa na nasa kalagitnaan tayo ng digmaan. Samo't saring problema na ang kinakaharap natin, nawawala si Alice, hindi natin alam kung ano ang nangyayari kay binibini, at higit sa lahat ay nag-iwan ng banta ang mga kalaban na babalik sila. I just don't get it why it has to be right now. I mean, why? Why all of a sudden?"

Napatingin ang mga kasamahan ng binatilyo sa mga sinabi nito.

"Levi, hindi naman pwedeng habang buhay tayong matakot sa mga kalaban hindi ba? We just can't let them scare us with their threats. We're Keepers and Alphas, we can fight them."

Nanghuhusga naman ang mga matang napabaling ng tingin ang mga ito sa lalaking nagsalita niyon.

"Himala't nakapagsalita ka ata ng may punto at hindi puro isip-batang mga salita, Elliot!" tukso pa ni Ryker dahilan upang samaan siya ng tingin nito.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now