Kabanata 98: Ang Paghihinuha

819 51 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

"H-Hara?"

Mula sa tahimik na paligid ay nabasag iyon ng isang malamyos at nagugulumihanang tinig.

Dahan-dahang napalingon ang dalaga sa kaibigang si Alice dahilan upang masilayan nila ang tila'y wala sa sarili nitong wisyo.

"A-Alice..." Wala itong ibang sinabi kung hindi ang pangalan ng kaibigan. Makikitaan ng labis-labis na pagkabahag ang wangis nito't maging ang mga buliga nitong nababalot ng laksa-laksang katanungan.

Hindi nakatugon si Alice, nanatili lamang itong nakatingin sa kaniyang dagap na wari ba'y may kung anong naiisip. Nang sandaling din iyon ay mas lalo pang nakaramdam ng matinding pagkabahala si Zahara, sapagkat sa mga oras na ito'y nanatiling nasa kaniya pa rin ang paningin ng lahat. Hindi lamang ng kaniyang mga kaibigan kung hindi maging ng iba pang mga estudyante, mga guro at higit sa lahat ay ng punong-guro na animo ba'y siya'y pinaghuhusgahan.

Subalit dagliang nalihis mula roon ang kaniyang pansin at napako iyon sa isang tao nang sandaling magsalita ito.

"W-Who are you?"

Nakita niya ang panghuhusga sa mga mata ni Stacy habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Maging ang iba ay hindi nakapagsalita, tila ba'y hindi nila mahagilap ang kanilang mga boses, nanatili lamang na nasa dalaga ang kani-kanilang mga atensyon.

"What... What are you?"

Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi na nakapagpigil pa ang isang binatilyo at agaran nang humakbang papalapit kay Zahara at taimtim siyang tinitigan sa mga mata.

"Let's go." Maikli at walang emosyon nitong saad bago hawakan sa palapulsuhan ang dalaga.

"K-Kairus."

Akmang hihilahin na siya paalis ng binata nang muli na namang magsalita si Stacy.

"You can manipulate the air, the wind... after that you also manipulated the dark magic. A-And now? And now you can also manipulate the fire? You... You are not just a mere Keeper, are you? Y-You... what are you?"

"Stacy." Isang nagbabantang tinig mula sa binatilyo ang nakapagpatahimik sa huli.

Muling ibinalik ng binata ang paningin sa dalaga ngunit agad siyang nagtaka nang mabilis lamang nitong binitawan ang kamay niya.

"Zahara..."

Natigilan siya nang masilayan niyang nakatingin na ito sa mga kaibigan nila gayundin sa mga kamag-aral nila. Kitang-kita niya sa mga busilig nito na lubha itong nasasaktan sa paraan ng mga titig nila na wari ba'y pinagdududahan siya.

Ilang saglit pa'y walang pasabi-sabi itong  naglakad, subalit agad siyang napagitla nang magsimulang magsihawian ang ibang mga estudyante papalayo sa kaniya. Mabilis na nangilid ang luha sa magkabila niyang mga mata. Paglaon pa ng ilang sandali ay tuluyan na siyang napatakbo ng mabilis at nilisan ang lugar iyon.

"H-Hara, sandali!"

Doon lamang tuluyang natauhan ang kanilang mga kasamahan na animo'y nabalik sa kanilang mga diwa.

"Zahara!"

"B-Binibini!"

"Hara!"

Akmang susundan na nila ang dalaga sa pangunguna ng binatang si Kairus kasunod ang iba pa nang bigla silang pigilan ni Alice.

"Hayaan ninyong ako muna ang kumausap sa kaniya." Mahinahong pahayag nito sa mga kaibigan. Hindi naman sila nakasagot pa, wala na silang ibang nagawa pa kung hindi ang pumayag na lamang at tanawin ang papalayong pigura ng dalaga na ngayon ay unti-unti nang naglalaho sa mga paningin nila.





Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now