Kabanata 67: Ang Banta

1K 77 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nanlalaki ang mga matang nakatingala ang lahat sa dalagang nagngangalang Zahara na walang iba kung hindi ang prinsesa na si Aviara.

Ito na ang ikalawang beses na masaksihan at masilayan ng lahat kung paanong maging kulay itim ang mga mata ng dalaga.

Ang mga matang nangangahulugang...

"K-Kalaban! I-Isa kang kalaban!"

Isang tinig ang bumasag sa katahimikan sa buong paligid, nang sandaling sundan iyon ng paningin ng lahat ay doon nila namataan ang isang babae sa gitna ng nagkukumpulang mga mamayanan na walang iba kung hindi si Stacy.

Nakaduro ang daliri nito sa dalaga't nanlalaki ang mga mata.

Bagamat hindi siya pinagtuunan ng pansin ni Zahara bagkus ay nananatili lamang ang mga mata nito sa Reyna ng mga kalaban na ngayon ay kasalukuyan ring nakatingala sa kaniyang kinaroroonan.

"A-Aviara, a-anak."

Sa pagkakataong ito ay ang reyna ng Kahariang Aeros na siyang Ina ng Prinsesang si Zahara naman ang nagsalita. Kagaya ng iba pang Hari't Reyna ay gulat na gulat siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniyang anak na kasalukuyang nakalutang sa ere at nababalot ng kung anong itim na enerhiya.

Subalit hindi tumugon ang dalaga, panandalian lamang siya nitong pinakatitigan at dagliang ibinalik ang atensyon nito sa Reynang si Clantania.

Pinasadahan ng itim niyang mga mata ang dagap ng Reyna at dahil roon ay napagtanto niyang hindi na sa kaniya nakatuon ang paningin nito kung hindi sa isang dalagang naroroon sa labas ng bilog na kalasag na kanilang kinasasadlakan, at nang sandaling makilala niya ang dalagang iyon ay doon niya napag-alaman na ito ay ang kaniyang kapatid na si Vishna, ang anak ng yumaong niyang Ina't Ama.

Unti-unting gumuhit sa labi ni Clantania ang isang ngisi na wari ba'y may kung anong naiisip.

"Ang akala ko'y ikaw ang nilalang na kumokontrol at gumagamit sa katawan ng Prinsesa't nangahas na ako'y kalabanin," Usal nito't saglit na huminto.

"Subalit ako ay nagkamali. Hindi ikaw ang nilalang na iyon bagkus ikaw ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Redferne, ang anak ng dalawang kahuli-hulihang puting mangkukulam sa buong lupain ng Zahea. Ang isinumpang anak na siyang isinumpa ng kalangitan na siyang tanging nag-iisang may kakayahang magpalabas ng itim na salamangka." Dugtong nito dahilan upang sunod-sunod na umugong ang singhapan at malalakas na bulungan sanhi upang maiwang tulala't hindi makapaniwala ang dalagang si Vishna.

Ngayon ay nasa kaniya na ang lunduyang atensyon ng lahat.

Hindi siya makapaniwala na sa tagal na panahon niyang itinago ang kaniyang pagkatao ay maisasaliwalat lamang iyon ng basta-basta.

At iyon ay dahil lamang sa iisang nilalang na nasa kaniyang harapan.

Si Clantania.

"A-Ano ang sinasabi mo? H-Hindi kita maunawaan." Namumutla't utal-utal at napapatingin sa kaniyang paligid na usal ng dalaga.

Datapwat tanging isang halakhak lamang ang itinugon sa kaniya ng Reyna ng kadiliman na animo'y napagtanto ang kaniyang sikreto.

"Kung gayon ay hindi pa alam ng mga lapastangang ito ang iyong tunay na pagkatao?" Mapaglarong uyam nito't dahan-dahang ibinaling ang atensyon sa buong mamamayanan at pagkuwa'y ngumisi na wari ba'y may kung anong ibinabalak.

"Hayaan ninyong ipakilala ko sa inyong lahat ang pagkatao ng babaeng ito."

"Huwag!"

Binalot ng matinding kaba at takot ang sistema ng dalaga kasabay ng pangingilid ng mga luha sa kaniyang mga mata.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now