Kabanata 47: Keepers X Alphas

2K 146 12
                                    

ZAHARA'S POV

"Hara!"

Mahigpit na yakap mula kay Thalia ang siyang bumungad sa akin nang sandaling buksan ko ang pintuan ng aming silid.

"Mabuti naman at gising kana, pupuntahan pa sana kita 'don para tingnan ang kalagayan mo."

Dahan-dahan siyang bumitaw mula sa pagkakayakap sa'kin at pagkuwa'y tinitigan ang aking mukha.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" May bahid ng pag-alala ang boses na tanong niya sa'kin na siyang sinagot ko lamang ng pagtango.

"Ayos na ang aking pakiramdam, Thalia."

Lumamlam naman ang kaniyang mga mata nang sandaling sinuri niya ang aking kabuuan na agad ko namang tiningnan.

"It's been two days, pero ang mga paso at sugat na natamo mo ay hindi pa rin tuluyang nawawala."

Agad naman akong ngumiti sa kaniya upang ipabatid na ayos lamang ang aking kalagayan.

"Huwag kang mag-alala Thalia, wala na akong dinaramdam pang sakit at kirot sa aking katawan, ayos na ako."

"I'm sorry Hara, kung dumating lang sana kami ng mas maaga ay nagawa pa naming pigilan si Stacy. It's our fault, I'm sorry-"

"Thalia, wala kayong kasalanan. Pakiusap, huwag mong sisihin ang iyong sarili, ang inyong mga sarili, sapagkat wala kayong ginagawang masama." Wika ko't hinawakan siya sa kaniyang balikat.

"Ayos na ako, nandito na'ko. Wala ka ng dapat na ipangamba pa."

***

"Nakasalubong mo ba si Vishna?" Mabilis akong napatigil sa aking pagkain nang marinig ang sinabi ni Thalia.

Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag-kainan nang walang ano-ano'y magsalita siya.

"Nakita ko siya, ngunit hindi na ako nag-abala pang kausapin siya." Sagot ko't agad ng bumalik sa pagsubo ng pagkain.

Nakita ko naman siyang napatango-tango at uminom ng tubig bago muling iangat sa akin ang kaniyang paningin.

"Sigurado ka bang papasok kana? Baka makakasama lang sa katawan mo, magpahinga ka nalang kaya muna?"

Kumuha ako ng isang basong tubig at agad itong ininom bago siya'y balingan ng aking atensyon.

"Kagaya nga ng aking sinabi ay ayos na ang aking pakiramdam, Thalia. Isa pa'y dalawang araw na akong nagpapahinga sa silid-pagamutan kung kaya't mas mainam na rin na pumasok na ako sa ating klase lalo na't marami na akong hindi naaabutang leksyon."

"Sige, kung 'yan ang desisyon mo. Basta kung biglang sumama ang pakiramdam mo sabihan mo lang agad ako. Okay?"

Tumango lamang ako sa kaniyang tinuran at agad ng tinapos ang aming pagkain at nang sa gayon ay makapaghanda na kami sa aming pagpasok.

Ilang oras pa ang lumipas ay natapos na kami sa aming paghahanda't kinuha na ang aming mga kakailanganin sa aming pagpasok at hindi nagtagal ay tuluyan na kaming lumabas sa aming silid.

Akmang maglalakad na kami patungo sa napakahahabang pasilyo ng dormitoryo nang sa isang iglap ay dumagundong sa buong paligid ang isang napakapamilyar na tinig.

"Hara?!"

Matulin akong napahinto sa aking paglalakad at gayundin ang aking kasamang si Thalia at sabay kaming napalingon kay Alice.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang