ZAHARA'S POV
"Have you ever heard the story of the Cursed Child?"
Isang iling ang iginawad ko sa kaniya bilang sagot sa kaniyang katanungan.
"Midea and Victor Redferne perfect life turned upside down the moment their one and only daugther born,"
"Ano ang ibig mong sabihin? N-Nagkaanak sina Ama't Ina? M-May totoong anak sila? B-Bakit, bakit hindi ko alam ang lahat ng ito?"
Halos sumabog na ang aking utak sa napakaraming bagay na aking napag-alaman tungkol sa nakaraan ng aking mga magulang.
Wari ay natauhan naman siya sa kaniyang kinaroroonaan at dagliang napakurap-kurap ng kaniyang mga mata.
"Zahara, I-I... I think it'll be best if you go back to the infarmary. It's too late, you need to rest." Wika niya't dagliang tumayo mula sa taboreteng aming kinauupuan. Ilang saglit pa ang nagdaan ay akmang maglalakad na siya paalis nang bigla kong hawakan ang kaniyang braso na agaran niyang ikinahinto.
"Pakiusap, sabihin mo sa akin ang lahat."
Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang ginawa't muli akong tinitigan.
"I don't think that I have the rights to tell you this. Even them, Midea and Victor didn't bother to tell you about their past. So forgive me, forgive me for telling you what I shouldn't tell."
"Yzair..."
"Let's go, I'll escort you back to the infarmary."
Wala na akong nagawa pa nang magsimula na siyang humakbang paalis. Tanging paghilot na lamang sa aking sintido ang aking nagawa bago siya ay tuluyang sundan.
Kung hindi niya sasabihin sa akin ang nakaraan nina Ama't Ina ay ako mismo ang aalam ng katotohanan hinggil sa tunay na nangyari noon.
"Yzair, saglit-"
Mabilis akong napatigil sa akma kong paghabol sa aking kasama nang sa isang iglap ay biglang nanumbalik sa aking isipan ang mga isinatinig ng taong kanina lamang ay nagpakilala sa akin bilang aking kapatid.
Hindi kaya ay siya? Maaaring siya nga ba talaga ang anak nina Ama at Ina? Kaya ba ganoon na lamang ang poot at galit niya tungo sa akin?
Dahil inangkin ko ang kaniyang mga magulang?
Dahil inagaw ko ang kaniyang buhay?
Dahil kinuha ko ang kaniyang pagkatao?
***
Kasalukuyan naming binabagtas ang madilim na pasilyo ni Yzair at tanging banayad na pag-ihip ng hangin lamang ang siyang maririnig sa buong paligid.
Tahimik lamang ang aking kalampi at maging ako ay ganoon rin. Gulong-gulo na ang aking isipan sa labis-labis na mga impormasyon na aking natuklasan.
Habang tumatagal ng tumatagal ang pananatili ko sa paaralang ito ay wari ba'y mas dumadami ang mga misteryo't sikretong natutuklasan ko hindi lamang tungkol sa aking pagkatao kung hindi maging tungkol sa mga magulang ko.
"Are you okay?" Walang ano-ano'y wika ng aking kasama dahilan upang tingnan ko siya.
"Ayos lamang ako, hindi ko lang inaasahan ang mga bagay na napag-alaman ko." Sagot ko sa kaniya, agad naman niyang ibinaling sa akin ang kaniyang mga mata na siyang naging resulta upang muling magtagpo ang aming mga busilig.
"Everything happens for a reason, maybe they just don't want to involve you about their past."
Isang pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kaniya at marahang tumango.
YOU ARE READING
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...