Kabanata 121: Marka ng Prinsesa

466 35 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pigil ang hininga ng lahat sa kaganapang iyon. Halos mawalan sila ng lakas sa panganib na kanilang kinakaharap.

Nanlalaki pa rin ang kanilang mga mata habang gulantang na nakatitig kay Zahara na kasalukuyan pa ring nababutan ng salamangka.

"Prince Lazaros! You have to make her stop or this island will be gone!"

Napatingin ang prinsipe ng mga bampira sa lalaking katabi nito na si Vlad. Seryoso niya itong pinakatitigan sa kaniyang mga buliga't pagkuwa'y mariing nagsalita.

"I did not expect this. I didn't expect her to be this extremely strong. She's indeed so powerful, a powerful princess."

Matapos niyang sambitin iyon ay agad niyang itinipon ang kaniyang lakas at seryosong inilihis ang atensyon pabalik sa dalaga.

"I don't know how and why, I don't have any idea how she manage to control and manipulate the four powerful elements. All I know is that she won't be needing us, not anymore. Our help is nothing compare with her power." usal pa nito sa mahinang tinig bago panandaliang huminto't pagmasdan ang kinahinatnan ng kanilang isla.

"This show has to end now. She convinced me, she's worthy enough."

Hindi kalaunan ay nagsimula siyang lumutang pabalik sa himpapawid.

Pumaibabaw siya hanggang sa tuluyan na silang magpantay ng dalaga. At nang sandaling magpantay ang lipad nilang dalawa'y bahagya niyang pinakatitigan ang wangis ni Zahara. Masusi niyang sinuri't kinilatis ang kabuuan nito, at ng mga oras na iyon ay hindi niya napigilang humanga sa karilagang tinataglay nito.

"Your beauty never scares me, mi lady." at kasabay nang pagbitaw niya sa mga salitang iyon ay ang matulin niyang paglapit sa kinaroroonan ng huli.

Lumiwanag ang pula niyang mga mata habang tinititigan ang itim na mga buliga ng dalaga.

Ilang sandali pa ay unti-unting tumigil sa pag-ikot ang ipo-ipong gawa sa tubig na nasa paligid nila. Naglaho ang apoy na nakapalibot sa kanila. Sunod-sunod na nagsibagsakan paibaba ang mga bato't buhangin na nakalutang sa paligid ni Zahara.

Wari ba'y hinihipnotismo ng binata ang dalaga't nagtatagumpay ito sa ginagawa nito. Ilang minuto pa ang naglaon at unti-unti nang bumabalik sa dati ang mga mata ni Zahara. Unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat.

Subalit nang inaakala ng lahat ng naroroon na magiging maayos na ang kaganapang iyon ay ganoon na lamang ang sigawan kanilang napakawalan nang bigla na lamang manlisik ang muling naging itim na mga busilig ng babae at walang pag-aalinlangang nagpakawala ng bolang apoy na siyang naglalagablab dahilan upang agad na manlaki ang mga mata ng lalaki, lubos na hindi inaasahan ang ginawa ng katunggali.

Bagamat hindi siya natinag sa atakeng iyon.

Marahan niyang pinawi ang apoy na ilang dipa na lamang ang layo sa kaniya sa pamamagitan nang napakabilis niyang pagwasiwas rito.

Ngunit hindi pa man din siya tuluyang nakakabawi ay isa na namang panibagong atake ang siyang bumubulusok papalapit sa direksyon niya hanggang sa ito'y naging sunod-sunod na.

Dahil sa dami ng bolang apoy na rumaragasa sa kaniya'y hindi na niya nagawang maiwasan ang lahat ng ito dahilan upang siya'y matamaan at agad-agad na napabagsak sa lupa.

"Hara, stop this!"

Mula sa kung saan ay agad na sumulpot ang binatilyong si Kairus.

Nag-aalala ang mga mata nitong nakatingala sa dalagang nananatiling nakalutang sa itaas habang nakatingin sa kawalan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now