ZAHARA'S POV
"H-Hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi, Matt." Naguguluhan kong pahayag.
"Anong alamat ba ang iyong tinutukoy?" Muli kong sambit na naging dahilan upang lahat sila'y magkatinginan.
"Don't say that you don't know anything about the legend that originated on Mount Culumos, Hara."
Mas lalo namang nangunot ang aking noo sa mga salitang isinambit ni Kiel.
"Ano ba talaga ang alamat na nais ninyong ipabatid sa akin? Maaari bang ipaliwanag ninyo sa akin at nang sa gayon ay may ideya man lang ako sa inyong mga sinasalaysay?" Puna ko sa kanila na agad naman nilang ikinatahimik.
Ilang saglit pa ang naglaon ay binasag ng isang baritonong boses ang katahimikang bumabalot sa amin na walang iba kung hindi ang nagmamay-ari ng dalawang kulay asul na mga busilig.
Si Kairus.
"Many years ago, a huge explosion occurred at Mount Culumos scaring the residents of the town. Many people who witnessed that incident said that there was this thing that came out of the sky and landed rapidly on Mount Culumos. And because Mount Culomos had been known as one of the most dangerous places in the land of Zahea, no one dared to go up there and check what it is. Up to this day, no one really knows what exactly that thing is." Mahabang litanya nito na siyang nagpamaang sa akin.
"And from that day forward, people started calling it a folklore, a tale, a legend." Dugtong ni Blake.
"Isang alamat na siyang nababalot ng hiwaga."
Naibaling ko naman patungo kay Alice ang aking atensyon nang sandaling banggitin niya iyon.
"Hindi ako makapaniwala na hindi mo alam ang tungkol sa bagay na 'yon, I mean, halos lahat ay alam ang tungkol sa nasabing alamat na 'yon, Hara." Dagdag pa ni Thalia.
Dahil sa kanilang mga binitawang salita'y lubhang nalito ang aking isipan.
"Hindi ko rin inakalang may ganoong klaseng kaganapan ang nangyari sa bundok na aking pinanggalingan," Wika ko at pagkuwa'y tumingin sa gawi ni Vishna.
"Walang binanggit na kahit na anuman sina Ama't Ina tungkol sa bagay na iyan sa akin kung kaya't wala talaga akong ideya tungkol sa sinasabi ninyong alamat." Pagtatapos ko sa aking mga sinasabi.
Napatango naman sila sa aking isinatinig.
"That's okay, it happened a very long time ago so it doesn't really matter anymore. We're just curious about it that's why we're asking if you have any idea about that legend." Saad ni Blake.
Hindi na ako nagsalita pa't tanging pagtango na lamang aking ginawa bilang tugon sa kaniyang mga isinalaysay.
"Zahara!"
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bigla na lamang may sumigaw mula sa aming likuran at nang lingunin namin kung sino iyon ay doon namin nakita si Maddison na nagpupuyos sa galit.
Mabilis itong naglalakad kasama ang dalawa niyang mga kaibigan na sina Blaire at Amber.
"You snitch! How dare you to do that to us!" Malakas nitong sigaw at walang-atubili akong tinulak sanhi upang marahas akong mapaatras.
Agad namang nagsipuntahan papunta sa aking unahan ang aking mga kasamahan at magkasalubong ang kilay na hinarap sina Maddison.
"Maddison! What is wrong with you?!" Nanggagalaiting tanong sa kaniya ni Levi.
"That girl! Dahil sa ginawa niya kanina muntik na kaming mapatalsik sa Academy!" Nanlilisik ang mga matang sigaw nito't dinuro ako.
"Stop this nonsense, Maddie."
Bahagya ko namang naibaling patungo sa mahina ngunit may maamong tinig ang aking paningin at doon ko nasilayang muli ang kabuuan ni Yzair. Nandoon pa rin ang pagkamaginoo sa kaniyang wangis, kagaya na lamang nang aming unang pagtatagpo.
"No Yzair! She should pay for what she have done!"
"Ano ba ang ikinagagalit mo, Mad? Ikaw naman ang naunang nanakit kay Alice hindi ba? Dapat lang ang ginawa ni Hara. Dapat lang na malaman ni Headmaster ang mga ginagawa ninyo." Usal ni Thalia na marahas nitong ikinasinghal.
"Ha! I can't believe this. All of you are taking her side over us? Blaire, Amber and I were your friends!"
"Maddison, tama na 'yan." Pag-aawat sa kaniya ni Ryker ngunit ngumisi lamang ito.
"Not until this girl came." Nakangising sambit nito at mas lalo pang nagsalubong ang magkabilang kilay nito.
"You ruined everything!"
"Maddison!"
Mapakla itong napaiwas ng tingin at ilang saglit pa ang nagdaan bago ito muling magsalita't tumingin sa akin.
"You know what? I regretted that I've regret for what I have done to you when we fought back then! Pero mas nagsisisi akong hindi pa kita tinapos 'nun! I should've burned you with my lightning! I should've burned you into ashes!"
Napatingin ako sa aming paligid nang magsimulang magsikumpulan sa aming kinaroroonan ang maraming estudyante't mag-umpisang magsibulungan.
"Maddison, stop. As long as I'm still calm, stop this."
Marahang nagsitindigan ang mga balahibo sa aking katawan nang dumagundong sa magkabila kong tenga ang malalim at malamig na tinig na iyon ni Kairus na siyang panandaliang nakapagptikom ng labi ni Maddison.
Bagamat hindi iyon nagtagal nang walang ano-ano'y humalakhak ito na wari ba'y isang biro ang kaniyang narinig.
"Pati ba naman ikaw, Kairus? Kakampihan mo ang babaeng 'to?" Mapang-uyam nitong sambit habang nakaturo sa aking gawi.
"Hindi ko alam kung bakit lahat kayo ay nagpapauto sa babaeng 'yan. It is too obvious that she's hiding something, did you all forget?" Unti-unting kumurba sa isang guhit ang kaniyang labi bago tuluyang dugtungan ang kaniyang mga sinasabi.
"She possessed dark magic."
Natahimik ang lahat sa binitawan niyang mga salita. Maging ako'y hindi magawang makapagsalita't maipagtanggol ang aking sarili.
Subalit hindi ko na kailangan pang ipagtanggol ang aking sarili sapagkat naunahan na ako ng aking kapatid.
Si Vishna.
"Ipapakita ko sa'yo ang totoong itim na mahika sa oras na hindi ka pa tumigil sa walang pakundawan mong mga salita." Malamig ang ekspresyong saad nito at bahagyang iniangat ang kaniyang kanang kamay kung saan nakapaloob sa isang itim na guwantes.
Dahil roon ay agad na napahakbang paatras si Maddison na wari ba'y nakaramdam ng takot.
Ngunit ilang saglit pa'y iniwas lamang niya ang kaniyang paningin kay Vishna at muli itong itinuon sa akin at tiim-bagang na muling nagsalita.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo at nauuto mo ang lahat, pero sinasabi ko sa'yo, Hara. Nagawa mo mang paikutin ang lahat ay hinding-hindi mo ako mapapaikot. Mark my words, Princess. I am watching you."
Hindi na ako nakapagtimpi pa.
Agad akong humakbang papunta sa harapan dahilan upang magsihawian ang aking mga kasamahan hanggang sa marating ko ang kaniyang kinatatayuan.
Walang emosyon ko siyang pinakatitigan na naging resulta upang agad na manginig ang kaniyang labi't mamutla ang kaniyang mukha.
Ilang segundo pa ang lumipas ay dahan-dahan kong ibinaling ang aking mga mata sa dalawa niyang mga kasama na naging sanhi upang sila'y mapaatras ng wala sa oras.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo't minuto at dagliang inilapit ang aking labi sa gilid ng kaniyang tenga at ibinulong ang mga katagang lubhang nagyanig ng kaniyang sistema.
"Maaaring tama ka, Maddison. Marahil nga'y tama ang lahat ng iyong mga sinabi hinggil sa aking katauhan kung kaya't naisip ko'y marami ka ng nalalaman." Unti-unting bumalatay sa manipis kong labi ang isang ngisi kasabay ng dahan-dahang pag-iiba ng kulay ng aking mga mata na tiyak kong tanging siya lamang ang makakakita.
"Masyadong marami ka ng nalalaman, sa tingin ko'y oras na upang ikaw ay patahimikin." May diin sa tinig na sambit ko na naging dahilan upang manginig ang kaniyang tuhod at pagkuwa'y mapaluhod sa damuhan at mapaluha ng tuluyan na lubhang ikinabigla ng buong sangkatauhan.
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...