Kabanata 73: Inimicus

823 43 5
                                    

ZAHARA'S POV

"K-Kuya Caleb."

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa damuhan nang sandaling siya ay aking masilayan. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa aming gawi at ng mga sandaling iyon ay nakita ko kung paanong magsimulang manginig ang mga kamay ni Alice na ngayon ay nakatayo na sa aking gilid at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaking papalapit na ng papalapit sa aming kinasasadlakan.

Nais ko mang paniwalaan ang kaniyang mga isinalaysay sa akin hinggil kay Kuya Caleb ay hindi ko magawa sapagkat hindi ko kayang paghinalaan ang pagkatao ni Kuya, lalo na't sa loob ng maikling panahon ng aming pagsasama'y wala siyang ibang ipinakita sa akin kung hindi ay purong kabaitan. Hindi ko magawang limiin na magagawa iyon ni Kuya, at kung totoo man ang mga ipinaparatang sa kaniya ni Alice ay hindi ko lubhang matarok kung ano ang dahilan upang gawin niya ang bagay na iyon.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang pamilyar ngunit seryoso na tinig ni  Kuya Caleb na lingid sa aking kaalaman na ngayon ay nasa amin ng harapan. Subalit ganoon na lamang ang pagsapantahang dagliang lumukob sa aking isipan nang mapagtanto kong hindi siya sa akin nakatingin kung hindi ay kay Alice.

"Kuya?" Kunot-noong anas ko dahilan upang unti-unti niyang ibaling sa akin ang kaniyang paningin at walang ano-ano'y biglang mapangiti.

"Hara, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala..." Pag-uulit nito sa kaniyang iminungkahi't muli na namang itinuon ang kaniyang mga mata sa aking kasama.

"Kasama ni Alice."

Hindi ko matiyak subalit may kung anong nilalaman ang bawat salitang ibinibigkas ni Kuya, hindi ako sigurado kung dahil lamang ba ito sa mga sinabi sa akin ni Alice o talagang may ibang kahulugan ang bawat mga salitang kaniyang isinasalaysay.

"Oo nga pala Hara, nahatid ko na sa iyong silid ang iyong mga kagamitan. Kumpleto na ang lahat ng iyon at kung may kakailanganin ka pang iba ay sabihin mo lamang sa mga kawal. Narito rin ako upang personal ng magpaalam sa iyo sapagkat kinakailangan ko ng bumalik sa kaharian lalo na't baka kinakailangan na ako ng Hari at Reyna." Mahabang litanya nito na matulin kong ikinaangal.

"Subalit Kuya, kinakailangan mo na ba talagang lumisan? Hindi ba maaaring dumito ka na lamang muna?" Mababahiran ng lungkot ang tinig na sambit ko dahilan upang muli siyang humakbang papalapit sa akin at bahagyang guluhin ang aking buhok.

"Naisin ko man ay hindi maaari, Hara. Batid mong mas higit akong kinakailangan ng iyong mga magulang lalong-lalo na ng kaharian." Puna nito na tinugunan ko lamang ng isang matamlay na pagtango.

"Naiintindihan ko, Kuya." Tipid kong saad na marahan niyang ikinatawa.

"Huwag ka ng magtampo pa, Hara. Tinitiyak ko sa iyo na dadalasan ko ang pagdalaw ko sa iyo rito sa Akademiya at nang sa ganon ay hindi ka masyadong mangulila sa aking presensya. Pangako."

Dahil sa kaniyang mga sinabi ay sumilay sa  aking labi ang munting ngiti at naging sanhi upang siya'y aking hilahin sa isang mahigpit na yakap.

"Aasahan ko iyan, Kuya Caleb. Wala ng bawian ah?" Naninigurong wika ko na muli niyang ikinatawa.

"Oo na, Hara. Pangako."

Nagtagal pa kami sa ganoong sitwasyon ng ilang segundo bago kami tuluyang naghiwalay mula sa pagkakayakap sa bawat isa.

"Sige na, Hara. Kinakailangan ko ng lumisan, magpakabait at mag-iingat ka rito. Pag may nangyaring kaguluhan o hindi kaya'y sa orasna may magtangkang muli sa iyong buhay ay hayaan mong ang mga kawal ang siyang lumaban para sa iyo. Higit na mas importante ang iyong kaligtasan kkumpara sa lahat." Mariin at may awtoridad sa boses na habilin niya sa akin.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now