Kabanata 65: Reyna Clantania

1.2K 84 10
                                    

THIRD PERSON'S POV

Halo-halong emosyon ang nanaig sa sistema ng prinsesa, ng dalagang walang iba kung hindi si Zahara.

Hindi niya matatap ang kaniyang tunay na nadarama habang kaharap ang reyna ng kasamaan at ng kadiliman.

Ang Reynang si Clantania.

"Mas mainam na sumama ka na lamang sa amin, prinsesa. Hinding-hindi mo nanaisin na galitin ang aming Reyna."

Isang malalim na tinig mula sa kung saan ang umagaw sa atensyon ng lahat. Ilang saglit pa ang naglaon ay unti-unting lumitaw sa harap ng lahat ang lalaking nakasuot rin ng itim na salakot na siyang nagmula sa kawalan.

Dahil roon ay agad na nagsalubong ang magkabilang kilay ng dalaga't malunod sa labis na pag-iisip nang sandaling siya ay may mapagtanto.

Sumisigaw ng labis na pagkapamilyaridad ang presensya ng nilalang na iyon.

Tila'y pamilyar rin sa kaniya ang tinig na iyon, ang tinig ng ginoong iyon.

At wari ba'y naliwanagan siya nang muli niyang maalala ang ginoong lumusob sa kaniya sa bayan maging ang ginoong nagtangka sa kaniyang buhay sa paaralan.

Agad na tumiim ang kaniyang bagang nang sandaling maanalisa niya ang bagay na iyon maging ang mga salitang iminungkahi nito.

Isang nakakamatay na tingin ang ipinakita niya sa ginoong iyon na ngayon ay nasa tabi na ng reyna ng mga kalaban at wari ba'y siya'y mariin na pinagmamasdan.

"Sino ka para utusan ako?"

Isang napakalamig na simoy ng hangin ang malakas na umihip sa loob ng napakalawak na bulwagan nang sandaling banggitin iyon ng prinsesang si Zahara na dagliang ikinagitla ng lahat.

"Sino kayo upang sundin ko? Diyos ba kayo na dapat kong katakutan?"

Kasabay ng pagbitaw niya ng mga salitang iyon ay ang pagsigalawan ng mga kagamitan na siyang naglipana sa buong silid na kanilang kinaroroonan.

Dahil sa kaniyang mga isinatinig ay agad na lumawak ang guhit sa labi ng nakakatakot na nilalang na siyang nagnganglang Reyna Clantania. Lubha itong nasisiyahan sa ipinapakita ng babaeng nasa kaniyang harapan sapagkat ito ang kaniyang nais, ito ang kaniyang nais na masilayan.

Ang masilayan ang tunay na kapangyarihan ng tagapangalaga ng elemento ng hangin.

Ang tunay na kapangyarihan ng prinsesa ng Kahariang Aeros.

Ang kapangyarihan na siyang labis niyang inaasam-asam na makuha.

"Sino kayo upang sirain ang gabing ito?!"

Agad na nanlisik ang kulay abong mga mata ng dalaga sa direksyon ng dalawa. Subalit imbes na makaramdam ng kaba at takot ay napahalakhak lamang ang reyna ng mga kalaban na siyang mas lalong ikinagalit ng huli.

"Pinapahanga mo ako." Paunang sambit nito't walang ano-ano'y muling ngumisi.

"Labis-labis mo akong pinapahanga." Dugtong pa nito at hindi kalaunan ay muli itong nagsimulang humakbang. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa kinatatayuan ni Zahara.

Bawat hakbang nito'y naghahatid ng kakaibang takot para sa lahat. Ang mga bitak sa sahig maging sa mga pader ay mas lalong lumalawak.

Subalit hindi roon natuon ang atensyon ng lahat kung hindi sa itim na enerhiya na siyang unti-unti kumakawala mula kaniyang gawi sanhi upang tuluyang mabalisa ang lahat ng sangkatauhan lalong-lalo na ang mga mamamayanan.

Nag-umpisa itong kumalat, ito ay kumalat ng kumalat hanggang sa tuluyan ng sakupin ang kinaroroonan ng dalagang si Zahara at siya'y mapaloob rito kabilang na ang reynang si Clantania maging ang misteryosong ginoo.

"Hara!"

Sinubukan ng kaniyang kaibigang si Alice na humakbang papalapit sa kaniya subalit huli na sapagkat tuluyan na siyang nakulong sa itim na enerhiya na tila ba'y isang kakaibang enerhiya na gawa sa kung anong makapangyarihang kalasag na siyang nagiging balakid upang ito'y makapasok. Maging ang iba pa nitong mga kaibigan ay daglian ring ginawa ang ginawa nito bagamat wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay.

"Zahara!"

Walang ibang nagawa ang lahat kung hindi ang isigaw ang pangalan ng dalaga't ito'y balaan habang pilit na sinisira ang kalasag na nakapaloob sa tatlo sa pamamagitan ng pagkalampag nila rito ng makailang ulit at pag-atake gamit ng kani-kanilang mga kapangyarihan. Subalit ang kalasag na iyon ay hindi basta-basta, ito'y kakaiba't hindi pangkaraniwan bagay na ikabahala nila.

"Zahara! Get away from them!"

Tuluyan ng sumuko ang mga magkakaibigan mula sa pagsira sa nasabing kalasag at tulirong napasigaw na lamang habang may kaba't takot na nakatingin sa direksyon ng dalaga.

Kitang-kita nila mula sa kanilang kinaroroonan ang galit sa kabuuan ni Zahara, mula sa umaanhag nitong kulay abong mga mata hanggang sa magkabila nitong kamay na nakakuyom na wari ba'y handang-handa ng kumitil ng buhay ng isang kalaban.

"Maaaring hindi mo pa ako nakikila kung kaya't hayaan mo akong ipakilala ang aking sarili."

Tumigil ang reynang si Clantania sa harap ng dalaga na ilang dipa ang layo mula sa isa't isa at pagkuwa'y ngumiti na wari ba'y nang-uuyam.

"Ako si Clantania, ang nag-iisang Reyna ng Kahariang Tenebris at ang nag-iisang Reyna ng mga Tenebrians. Ang nag-iisang Reyna na siyang karapat-dapat sambahin at galangin."

Muli na namang sumilay sa kaniyang maninipis ngunit maitim na labi ang ngisi ng isang halimaw. Isang ngisi na siyang labis-labis na kinakikilabutan ng lahat.

Subalit daglian siyang natigilan at lubha niyang ikinagulat ang naging reaksyon ng kaniyang kaharap.

Naglaho ang galit sa mga mata nito't pagkuwa'y napalitan ng kakaibang emosyon. Ilang saglit pa'y ngumiti ito na animo'y natutuwa mula sa kaniyang mga isinatanig, datapwat hindi kalaunan ang kaniyang ngiti ay unti-unting napalitan ng isang ngisi.

Isang ngising mas nakakasindak. Ngising mas nakakahilakbot, ngising mas nakakakilabot.

"Marahil ay hindi mo rin ako nakikilala kung kaya't hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang aking sarili,"

Sa pagkakataong ito ay siya naman ang humakbang.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa mismong harapan ng reyna ng walang takot hanggang sa isang iglap na lamang ay tumigil siya kasabay ng dahan-dahang paglaho ng ngisi sa kaniyang mapupulang labi't iniusal ang mga katagang labis na naghatid ng takot at gimbal hindi lamang sa mga kalaban kung hindi maging sa lahat ng sangkatauhan sa loob niyong bulwagan.

"I am Princess Zahara Aviara Claine Worthwood..."

Panandalian siyang napapikit at sa sandaling pagmulat niya ng kaniyang mga mata'y batid na niya.

Sa mga sandaling iyon ay batid na niya na tuluyan na siyang nawala sa kaniyang sarili, na tuluyan na siyang nawala sa kaniyang diwa.

Na tuluyan na siyang sinakop ng kaniyang galit.

"And I will bow to no one."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindDonde viven las historias. Descúbrelo ahora