Kabanata 133: Pagpapakilala

368 18 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa ilalim ng maliwanag na bilog na buwan ay isang maingay at masayang gabi ang ngayon ay dinadaos sa paaralan.

Sa malawak at malapad na damuhan ay nagaganap ang isang pagdiriwang.

Naglipana ang mga estudyante't maging mga taong-bayan suot-suot ang kaniya-kaniya nilang magaganda't magagarbong damit na nababalot ng kulay ginto't pilak na mga palamuti. Lahat sila'y nakasuot ng kulay puti at tanging kulay puti lamang.

Maaliwas ang gabi't matiwasay ang buong kapaligiran. Lahat ay nagsisiyahan at nagsasayawan sa tugtugang umaalingawngaw sa tahimik na gabi.

Makikitaan nang labis na pagkatuwa't pagkagalak ang mga mag-aaral na kahit nagtataka man sa piging na kinasasakdalan nila'y labis pa ring nasisiyahan sa kaganapang kinaroroonan nila.

Sa kabilang banda naman ay naroroon sa isang tabi ang pangkat ng magkakaibigan. Maging sina Matt, Mercedes at Mildred ay kasa-kasama nila't masinop na pinagmamasdan ang kapaligiran.

"Malalim na ang gabi at halos lahat ng mga estudyante't mamamayanan ay nagsisiyahan na, subalit ang hindi ko batid ay ang dahilan ng lahat ng ito'y bakit hindi pa rin pinapaalam sa ating lahat." tinig ni Mercedes ang bumasag sa katahimikang nakabalot sa kanilang grupo.

Agad namang napatingin sa kaniya ang iba pa't nagsalita bilang tugon.

"Just wait a little bit longer, Mercedes. Hayaan na muna nating magsaya ang lahat, sa totoo n'yan ay sang-ayon ako sa naging pasya ng punongguro at ng nga nakakataas na magdiwang. Nasa gitna tayo ng digmaan at sa tingin ko ay isa itong paraan o daan para makapagpahinga tayo sa banta sa buhay nating lahat."

Napatango naman ang ilan sa kanila dahil sa sinabi ni Levi.

"Ngunit hindi ko pa rin talaga maisip kung ano ang tunay na rason sa lahat ng ito. Kung totoo man ang mga hinala ni Thalia, ano na ang mangyayari kay Hara? Ano na ang mangyayari sa aking kapatid?" malamig na sambit ni Vishna habang wala sa sariling nakatitig sa nagsasayahang mga tauhan.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi mo, Thalia. Sadyang mahirap paniwalaan ang lahat. Ang tungkol sa tunay niyang katauhan, tungkol sa itim na diyosa at tungkol sa katotohanang iginigiit mo na hindi siya si Aviara. Hindi ko nabalam kung ano ang iisipin ko, ang tanging alam ko lang ay nag-aalala ako para kay Hara. N-Naaawa ako kay Hara." segunda naman ni Ryker at muling bumuntong-hininga.

"C'mon, guys! This night is supposed to be fun, we should enjoy ourselves." singit naman ni Maddison na ikinatingin ng lahat sa kaniya.

"I'm not saying that we should just forget about Zahara's situation, I'm just saying that we should take a break from all of what's happening. Kahit ngayon lang ay kalimutan muna natin ang mga problema natin." dagdag pa nito.

"My dear friend is right," sabat ni Stacy na kadarating lang mula sa kung saan. Napatingin sa kaniya ang dalaga mula ulo hanggang paa at pagkuwa'y iniikot ang mga matang tumingin sa malayo.

"We should have fun, come on. Look around us, all of those lowly creatures are having fun, so why can't we, right?" mapang-uyam nitong saad na agad na ikinaigting ng panga ng kaniyang mga kasamahan.

"And also, don't worry about Zahara. I checked her at the clinic and she's doing just fine. I must admit, she's still pretty eventhough when she's in a deep slumber. What a beautiful monster she is, right?"

Bago pa man din siya tuluyang masampal ni Maddison ay agad nang nalihis mula sa kaniya patungo sa gitna ng mga nagkukumpulang mga estudyante ang kanilang atensyon nang biglang magsalita ang punongguro na ngayon ay nakatayo sa entabladong naroroon sa parteng gitna.

"A pleasant evening, everyone! Ladies and gentlemen, Zaheians of Zahea, I personally want to thank every single one of you for being here tonight, your presence means so much to this very special night. Eventhough we are in the midst of the war, you did not let that as an hindrance. So everyone, thank you, thank you so much!"

Agad namang nabalot ng palakpakan ang buong kapaligiran. Makikita sa lahat ng mga naroroon ang labis-labis na kasiyahan at kagalakan.

"Ngunit hindi ko na ito patatagalin pa, nais ko nang sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit tayo ngayon nandirito't nagdiriwang."

Ilang sandali pa ang nagdaan at biglang nagsidatingan ang napakaraming mga kawal at agad nagmartsa't hilera sa unahan ng entablado at pagkuwa'y sabay-sabay na nagsiangatan ng kanilang mga sandata sa ere dahilan upang ang lahat ay magsihawian habang gulat na nakatitig sa kanila.

"Mga mamamayanan ng Zahea at mag-aaral ng Majika De Akademiya, nais kong ipakilala sa inyong lahat ang kaisa-isang prinsesa at tagapangalaga ng elementong hangin ng Kahariang Aeros. Ang tunay at nag-iisang prinsesa, walang iba kung hindi ang tunay na Prinsesa Aviara!"

Dagliang nabalot ng matinding gulat at pagkalito ang mukha ng lahat dahil sa mga salitang binitawan ng punongguro, agad na bumalatay ang paggugulumihanan sa kanilang mga sistema, hindi inaasahan ang nangyayaring nasasaksihan nila.

Maging ang magkakaibigan ay hindi rin maiwasan ang lubos na pagkagulantang kahit na batid na nila na maaaring tama nga ang huna-huna ng kanilang kaibigang si Thalia na maaaring hindi ang kaibigan nilang si Zahara ang totoong prinsesa.

Subalit sa mga sandaling ito ay napatunayan na nila na tama ito.

Hindi nga si Zahara si Aviara.

Hindi si Zahara ang tunay na prinsesa.

Dahil ngayon ay kitang-kita nila ang babaeng unti-unting lumitaw sa kanilang harapan na ngayon ay napapagitnaan ng Hari't Reyna ng Kahariang Aeros na walang iba kung hindi ang kaniyang ama't ina dahilan upang mas lalong umawang ang mga labi nila't tulalang napatitig sa dalagang iyon. At ang babaeng iyon ay kilala nila.

Kilalang-kilala.

Ito ay walang iba kung hindi ang dalagang minsan ng nakasama nila.

Ito ay walang iba kung hindi si Alice.

* * * * *

Agad na umugong ang napakalakas na bulungan sa buong kapaligiran.

Samo't saring reaksyon ang maririnig kahit saan.

Lahat ay gulat.

Lahat ay hindi makapaniwala.

Lahat ay hindi matingkala kung ano ang kanilang nakikita.

Patuloy nilang pinagmasdan ang dalagang nakapaloob sa isang kulay puti at magarang kasuotan na siyang nababalot ng ginto't laksa-laksang mga pilak. Ang dating kulay itim nitong buhok ay naging kulay pilak na't nakabuhaghag, maging ang kulay ng mga mata nito ay naging kulay abo na. Tila'y nagkapalit sila ng anyo ng dalagang nagngangalang Zahara. Ang dalagang inakala ng lahat ay si Aviara, na walang iba kung hindi ang totoo at ang kaisa-isang prinsesa.

Subalit nagkamali sila.

Dahil ang dalagang kasalukuyang nasa harapan nila ay ang totoong Aviara. Ang pinakamakapangyarihan at ang nag-iisang prinsesa sa buong lupain ng Zahea.






Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now