Kabanata 128: Katotohanan sa Katauhan

1K 41 0
                                    

ZAHARA'S POV

Tila'y tumigil ang pagtibok ng aking puso.

Ang dati kong inakalang ama ko'y ngayon ay hahatulan ako nang pagkakabilanggo't pagkakakulong sa isang lugar na siyang purong kadiliman. Hindi ko batid kung ano ang marapat kong maramdaman.

Natatakot ako.

Ayoko sa dilim.

Takot ako.

Takot na takot ako.

"Zachrys, higit na ang kaparusahang iyan. Ang Aerodeuz ay hindi isang pangkaraniwang bilangguan, batid mong lahat nang napupunta roon ay namamatay!"

"She deserves it!-"

"She was once our daughter!"

"She was never been our daughter! She was an impostor!"

"Hindi man natin siya tunay na anak ngunit minahal natin siya na parang tunay nating anak!" doon tuluyang natigilan si ama. Ang hari.

"Hindi lamang siya ang may kasalanan dito, Zahrys. Maging tayo rin. Unang-una sa lahat ay hindi niya kasalanan kung nagagawa niyang magpalabas ng hangin na siyang tanging si Aviara lamang ang makakapaggawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ito sa atin kung paano niya ito nagagawa. Subalit ang nais ko lamang sabihin, iyon lamang at tanging iyon ang ginawa nating basehan upang paniwalaan natin na siya na nga ang nawawala nating supling maliban sa kulay ng kaniyang buhok at mga buliga. Hindi rin niya kasalanan kung inakala niyang tayo ang tunay niyang mga magulang, natatandaan mo ba? Isinalaysay niya sa atin kung papaano siya napulot nina Victor at Midea sa kagubatan at kung paano siyang namuhay mag-isa sa loob ng bundok na iyon sa napakahabang panahon. Naiintindihan ko kung bakit ganito na lamang niya kung naisin na magkaroon ng isang pamilyang magmamahal sa kaniya. Pakiusap, Zachrys. Hayaan na lamang natin siya, hayaan na lamang natin si Zahara. Kahit alang-alang na lamang sa pagkakaibigan nila ni Aviara, ng tunay nating anak."

Hindi nakasagot ang hari at nag-aalinlangang tumitig sa aking mga busilig.

Ilang saglit pa ang naglaon ay isang tinig ang bumasag sa katahimikang nakabalot sa amin.

"Hayaan niyo na lamang si Hara, ama."

Napako kay Alice ang aking mga mata. Naroroon ang pagkalumbay at awang nakapaskil sa kulay itim niyang mga buliga.

Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin at ang sunod niyang ginawa ang siyang tuluyang nagpaigtad sa akin.

Ako'y kaniyang hinagkan.

Niyakap niya ako nang napakahigpit.

"Nasaktan mo man ako sa iyong ginawa'y naiintindihan kita, naiintindihan kita at iintindihin kita dahil mahal kita. Wala na si inay kung kaya't maliban sa totoo kong mga magulang," sandali niyang inilihis ang kaniyang mga mata sa kinaroroonan ng hari at reyna't marahan itong tinitigan bago muling ipinagpatuloy ang kaniyang inuusal.

"Ikaw na lamang ang mayroon ako, hindi lamang isang kaibigan ang turing ko sa iyo kung hindi bilang isang kapatid. Ikaw ang siyang lubos na pinakaimportanteng tao sa akin, Hara. Pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan natin, lubos ko itong pinakainiingat-ingatan at hinding-hindi ko kakayaning maging ikaw ay mawawala sa akin."

Mula sa gilid ng aking tenga ay narinig ko ang sunod-sunod niyang pagsinghot na siyang nagpakumpirma sa akin na tuluyan na siyang umiiyak.

"Pinapatawad na kita sa ginawa mong pagtatago sa katotohanang marapat kong malaman. At kagaya ng ginawa mong pagpoprotekta sa akin noon laban sa mga taong nananakit sa akin ay poprotektahan din kita, hinding-hindi ko hahayaang masaktan ka. Hinding-hindi, Hara."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon