THIRD PERSON'S POV
"Sabihin mo sa inyong Reyna na nais ko siyang makita't makaharap. Ulatin mo sa kaniya na aasahan ko ang kaniyang paglusob, ang kaniyang pagdating. Hindi na ako makapaghintay pa na siya'y aking mapaslang."
Agad na nagsitindigan ang mga balahibo sa katawan ng lalaki nang dumagundong sa kaniyang magkabilang tenga ang mga salitang isinatinig ng dalaga sa kaniyang harapan. Ang mga mata nito'y umaanhag sa kulay itim na liwanag na maihahalintulad sa kadiliman na siyang nagpahatid sa kaniya ng walang-kapantay na takot. Dahil roon ay hindi na siya nakasagot at tanging pag-atras na lamang mula sa kaniyang kinatatayuan ang kaniyang nagawa.
"Aasahan kong ipaparating mo sa kaniya ang aking mensahe, munting ginoo." Unti-unting bumalatay ang nakakakilabot na ngisi sa mapupulang labi ng dalaga bagay na mas lalong ikinatakot ng huli. Hindi na siya nakapagsalita pa at tanging pagpikit na lamang ng kaniyang mga mata ang kaniyang nagawa. Kasabay niyon ay ang dahan-dahang pagpalibot sa kaniya ng itim na usok at ang biglaan niyang paglaho mula sa gitna ng daan-daan niyang kasamahan na wala ng buhay.
***
Mag-isa at nanghihinang napasulpot mula sa kawalan ang lalaking nakasuot ng itim na kasuotan. Nagsimula itong maglakad sa isang mahabang pasilyo. Ilang saglit pa ang nagdaan ay huminto siya sa harap ng dambuhalang pinto, ilang segundo lamang ang nakakalipas ay daglian itong bumukas dahilan upang tumambad sa kaniyang paningin ang isang napakalawak na silid.
Nag-umpisa siyang maglakad patungo sa loob niyon. Wala siyang ibang nakikita kung hindi itim na mga kagamitan, maging ang napakaraming mga kawal na nakatayo sa magkabila niyang gilid ay nakasuot ng itim na kasuotan.
Hindi nagtagal ay narating na niya ang dulo't sulok ng silid na iyon kung kaya't siya'y napahinto kasabay ng kaniyang dahan-dahang pagyuko.
"M-Mahal na Reyna." Sambit niya sa nanginginig na tinig.
Naglaon pa ang ilang minuto bago nagsalita ang babae sa kaniyang harapan na siyang higit na mas nagpadagdag ng takot sa kaniyang sistema.
"Nasaan siya?" Mahina't kalmado nitong saad subalit mababakas ang matinding kapangyarihang nakapaloob sa bawat salitang binibigkas nito.
"M-Mahal na R-Reyna, p-patawad...patawad subalit n-nabigo kaming siya'y makuha." Sagot ng lalaki't pagkuwa'y hinawakan ang kaniyang kanang kamay na nagsisimula ng manginig dala ng kalabisang pangamba't takot.
Hindi sumagot ang babae sa kaniyang harapan at sa halip siya'y pinakatitigan.
"M-Mahal na Reyna-"
"Nasaan ang iyong mga kasamahan?"
Dumagdag ang takot na kaniyang nararamdaman sa isinatinig ng kaniyang kamahalan.
"L-Lahat sila'y napaslang niya, M-Mahal na Reyna. P-Patawad subalit nagkamali tayo sa kaniyang katauhan, a-aking Reyna. M-Minaliit na'tin ang Prinsesa't tagapangalaga ng Elemento ng Hangin, n-nagkamali tayo sa pagkilala sa kaniya."
Nananatili lamang blangko at walang ekspresyon ang mukha ng babae habang isinasalaysay iyon ng lalaki.
"Lahat ng iyong mga kasamahan ay kaniyang napaslang?" Pag-uulit nito sa kaniyang sinabi bagay na agaran niyang ikinatango.
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...