Kabanata 43: Kidlat, Apoy at Hangin

1.9K 125 9
                                    

ZAHARA'S POV

Agad naming naagaw ang atensyon ng mga estudyante dulot ng ginawang iyon ni Maddison.

"Go ahead, Maddie. Finish that bitch!" Masama kong tinitigan ang babaeng nagsalita niyon na walang iba kung hindi si Amber. Dahil roon ay hindi ko nagawang mamataan ang pagpapakawala ni Maddison ng kaniyang atake na naging sanhi upang ako ay matamaan at mapatalsik sa hindi kalayuan.

Narinig ko ang singhapan ng ilang mga estudyante. Ang iba sa kanila'y naging matulig, samantalang ang iba nama'y wari ba ay nasisiyahan pa sa kanilang mga nasasaksihan.

"You should wisely choose your enemy, Zahara. At nagkamali ka na kami ang napili mong maging kalaban."

Hindi ko pinansin ang kaniyang isinatinig bagkus ay tumayo ako't pinigilan ang panginginig ng aking mga tuhod sanhi ng kaniyang ginawa.

"I bet four is better than one, right? So here we are." Nakakalokong sambit pa nito na agad ko lamang sinagot ng nakakaasar na ngisi.

"Marahil ako ay hindi mo kaya kung ikaw ay nag-iisa kung kaya't nagdala ka ng iyong mga makakasama. Ganyan na ba kahina ang iyong tingin sa iyong sarili? Kung ganoon ay huwag kang mag-alala at ikaw ay hindi ko masisisi sapagkat iyan din ang aking tingin sa iyo."

Marahas na nagtagpo ang kaniyang dalawang kilay dahil sa aking mga sinabi. Tila yata ay nainsulto siya't hindi matanggap ang aking panunukso.

Nanggagalaiti at nagngingitngit ang mga ngipin siyang nagsalita na bahagya kong ikinatuwa.

"Umalis kayong tatlo," Masama ang tinging ipinupukol sa aking mga mata na sambit niya.

"What?"

"You heard me right, Blair. Go!"

"Shut up Maddison! Hindi mo kami utusan. At baka nakakalimutan mo, hindi lang siya sa'yo may atraso, sa'kin din!"

"You shut up Stacy! This wind mage is not gonna work on me, she's nothing against me! I'm the one who needs to punish her!" Desididong pahayag nito't nanlilisik ang mga matang ibinalik sa akin ang kaniyang atensyon.

"I will make you regret entering this Academy, Zahara. I'll make you pay! And I will do anything it takes until you, yourself, voluntarily leave this school premises, our school!" Mahihimigan ang pagkapoot sa boses na aniya't walang pagdadalawang-isip na iwinasiwas sa ere ang kaniyang magkabilang kamay.

Ilang saglit pa ang naglaon ay nagsimulang kumulimlim ang kalangitan. Nag-umpisang magsilitawan ang mga makakapal na ulap sa ibabaw at matakpan ang maliwanag na araw na naging dahilan upang unti-unting dumilim ang buong kapaligiran na sinabayan ng napakalakas na dagundong ng kulog sa kalawakan na siyang kinalabasan upang magsigawan ang lahat ng mag-aaral.

"Ipapakita ko sa'yo kung sino ang mas karapat-dapat na katakutan."

Unti-unting sumilay sa kaniyang labi ang isang nakakapangilabot na ngiti na kailanman ay hindi ko inaasahan na masasaksihan ko mula sa kaniya. Kasabay niyon ay ang dahan-dahan niyang paglutang sa aking harapan at ang pag-anhag ng kulay asul na liwanag sa kaniyang mga mata bilang simbolo ng kaniyang kapangyarihan.

"Now, feel my power!"

Isang nakakabinging dagundong ng kulog ang siyang bumalot sa buong kapaligiran kasabay ng pagguhit ng nakakasilaw na kidlat sa kalawakan na siyang naging dahilan upang magsigawan ang lahat ng mga estudyanteng naririto.

Bago pa man ako tuluyang makakilos sa aking kinatatayuan ay naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na pagbulusok ng kidlat sa aking kinaroroonan sanhi upang ako'y muling mapatalsik sa malayo.

Lihim akong napadaing nang maramdaman ko ang nanunuot na sakit at kirot sa aking kalamnan dulot ng pagtama sa akin ng kidlat. Ramdam ko rin ang kakaibang hapding hatid ng natamo kong paso sa aking tagiliran.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now