Kabanata 135: Ang Madugong Digmaan

341 25 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Lahat ay gibalbal na napatingin sa pinagmulan nang nakakapanindig-balahibong tinig na iyon, at nang sandaling matagpuan nila ang nilalang na nagsambit ng mga katagang iyon ay agad silang napahakbang paatras kasabay nang pagbalot ng matinding takot sa kanilang sistema.

Isang babaeng may kahindik-hindik na wangis ang ngayon ay nasa harapan nila. Ang mga mata nito'y purong itim maging ang kulay ng labi nitong nakangising nakatingin sa buong panauhin. Ang balat nito'y tila'y kaliskis ng dragon na siyang nababahiran ng itim na mga ugat na siyang gumagapang patungo sa kaniyang dagap. Ang mga daliri naman nito'y mapilantik na gumagalaw dahilan upang masilayan ng lahat kung gaano katalas at kahaba ang mga kuko nito na wari ba'y kayang pumatay. Subalit ang higit na mas nakaagaw sa kanilang pansin ay ang nakatatakotbot nitong itim na mga sungay.

Hindi isang tao ang nasa harapan nila kung hindi ay isang halimaw.

Reyna ng mga halimaw.

Ang panginoon na siyang namumuno sa kasamaan.

Panginoon na siyang may kanaisang mag hasik ng kadiliman.

At mas nadagdagan pa ang takot na kanilang nadarama nang unti-unting lumitaw sa harapan nila ang libo-libong mga kalaban na kapwang nakasuot ng itim na kasuotan at labis na kumakawala sa kanilang katawan ang kanaisang pumaslang.

"Huli na ba kami para sa munting selebrasyon na inyong ipinagdiriwang?"

Muling nagsitindigan ang mga balahibo sa katawan ng buong sangkatauhan dahil sa tinig na narinig nila mula sa nilalang na nasa kanilang harapan habang may kakaibang ngiti sa mapaglaro nitong mga labi.

"A-Anong. . . anong ginagawa mo rito? A-Ayaw namin ng gulo, Clantania! Lumisan kana at isama mo ang iyong mga alagad!"

Tanging ang punongguro ang naglakas-loob na magsalita ng mga katagang iyon sa halimaw na nasa unahan nila. Hindi ito kumibo at pagkuwa'y napayuko lamang na wari ba'y nasaktan sa mga iminungkahi nito.

Datapwat ilang sandali pa ang nagdaan ay muli nitong iniangat ang kaniyang ulo at humalakhak na animo ba'y hinugot sa kailalim-laliman ng lupa ang kaniyang nakakakilabot na tinig.

"At sa tingin mo ba'y isang hamak na tulad mo ang makakapagpasindak sa akin?" saad nito bago dahan-dahang mapalis ang ngising nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Naging seryoso ang kaniyang itsura dahilan upang makaramdam ng kaba ang halos lahat sa kanila.

"Sino ka ba sa inaakala mo upang utusan ang tulad ko? Isa ka lamang hamak na guro, isang lapastangang walang silbi, isang nilalang na walang saysay ang buhay kung walang kapangyarihang itinataglay. . ."

Makaraan pa ng ilang saglit ay biglang umanhag ang itim nitong mga mata kasabay nang pagbitaw nito sa mga salitang lubos na nagpayanig sa lahat.

"Nandirito ako upang itupad ang aking banta. Nandirito ako upang maningil. Upang maghiganti. Upang maghasik ng lagim. Upang isakatuparan ang aking adhikain na sakupin ang buong Zahea maging ang buong sansinukob!"

Nawindang ang lahat dahil sa lakas at kapangyarihan na kumakawala sa nilalang na nasa harapan nila. Ramdam na ramdam nila ang nag-uumapaw nitong kapangyarihan. Napagtanto nila na tama nga sila, tuluyan nang naging makapangyarihan ang reyna ng kadiliman ng sandaling mapasakaniya nang muli ang alas nito na walang iba kung hindi ang makapangyarihang dragon.

Ang dragon na ngayon ay unti-unti nang lumilitaw sa unahan ng kanilang mga mata na siyang nagmula sa kung saan.

"At sisimulan ko na ang lahat ng iyon. . . ngayon!"

* * * * *

Sa kabilang banda, sa loob ng isang silid ay nakaratay ang isang dalagang walang malay. Naliligo ito sa sariling pawis na tila ba'y nasa loob ng isang masamang panaginip.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu