Kabanata 62: Halik

1.5K 100 29
                                    

ZAHARA'S POV

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng pamilyar na tinig na iyon at nang sandaling dumapo ang aming paningin sa gawi niyon ay doon namin tuluyang namataan ang isang ginoong ngayon ay kasalukuyang nakatitig sa akin at nakangiti na animo'y labis-labis na nasisiyahan sanhi upang maging ako ay wala sa sariling mapangiti.

Sa likuran naman niya ay naroroon rin ang kaniyang mga kaibigan. Hindi rin nakawala mula sa aking buliga ang pigura ng aking kapatid na si Vishna na siyang dumagdag saya sa emosyon na aking nadarama.

"Cedric!" Masayang tawag ko sa kaniyang pangalan at hindi na nag-aksaya pa ng oras at ako na mismo ang siyang lumapit sa kanilang kinaroroonan na agarang sinundan ng aking mga kaibigan.

Nang sandaling marating ko ang kanilang kinatatayuan ay walang pag-aalinlangan kong ginulo ang buhok ng lalaking nasa aking harapan dahilan upang siya'y bahagyang mapanguso't hindi kalaunan ay mapatawa.

"I've missed you, Zaharang mahangin." Mahinang saad niya na siyang ikinalawak ng aking pagkakangiti.

"Maging ako rin ay nasasabik na muling masilayan ka, munting lobo." Masigasig kong sambit at walang pasabi-sabi siyang niyakap na siyang daglian niyang ikinasinghap. Naramdaman ko ang biglaang paninigas ng kaniyang katawan dulot ng aking ginawa bagay na mas lalo kong ikinatawa.

"Sinasabi ko na nga ba't ikaw ay may lihim na pagtingin sa akin." Bulong ko sa gilid ng kaniyang tenga at pagkuwa'y kumawala na mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"Tsk."

Agad kong naibaling sa kaniyang likuran ang aking atensyon nang walang ano-ano'y makarinig ako ng isang mahinang pagsinghal, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumapo iyon sa isang lalaking magkasalubong ang dalawang kilay at masama ang tingin sa akin.

Akmang magsasalita na sana ako nang bigla na lamang may kung sinong lapastangan ang siyang humila sa akin at ako ay yakapin ng napakahigpit na sa puntong ako'y halos hindi na makahinga.

"Hara!"

Napapailing na napangiti na lamang ako nang mapagtanto ko kung sino ang taong iyon. Si Thalia.

Tinugunan ko ang kaniyang pagyakap, kagaya ng ginawa niya'y hinagkan ko siya ng mahigpit.

"Thalia," Masayang usal ko sa kaniyang pangalan. Tumagal pa kami sa ganoong posisyon hanggang sa ako na mismo ang kusang pumutol ng aming pagyayakapan.

"H-Hara, na miss kita! It's been so long since umalis ka ng paaralan and now, look at you." Umatras siya ng tatlong hakbang at pagkuwa'y sinuri ang aking kabuuan nang may namamanghang emosyon sa kaniyang mukha.

"You're so gorgeous! Ibang-iba na ang itsura mo kumpara noon, mas lalo kang gumanda, nakakaakit ang ganda mo Hara!" Malakas niyang sambit dahilan upang bahagyang mamula ang aking mukha.

"Tama si Thalia,"

Mabilis naman akong napaangat ng aking paningin nang marinig ko ang boses ng aking kapatid na si Vishna. Malamig man ang kaniyang mga mata's ramdam kong natutuwa siya na ako'y kaniyang muling makita.

"V-Vishna." Tanging tugon ko sa kaniya. Nais ko man siyang tawagin bilang aking kapatid ay hindi maaari sapagkat ako'y nakakatiyak na magsasapantaha ang kaniyang mga kasamahan na walang iba kung hindi ang kaniyang mga kaibigan.

"Ang ganda mo. Sadyang nakakamarahuyo ang iyong wangis." Dugtong pa niya't humakbang papalapit sa aking harap dahilan upang ako'y hindi na makapagtimpi pa't siya'y yakapin na siyang ikinagulat ng iba.

Alam kong sa mga sandaling ito ay nagtataka na sila kung bakit ganito na lamang ang trato ko kay Vishna, sa aking kapatid. Kung bakit biglaang nag-iba ang turing namin sa isa't isa.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu