Kabanata 60: Elizabeth Whites

2.7K 128 21
                                    

ALICE'S POV

Animo'y wala ako sa sariling naglalakad habang hila-hila ni Hara patungo sa kung saan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mukha ng ginoong aming nakasagupaan. Hindi ko batid subalit iba ang aking pakiramdam sa kaniya. Wari ba'y isa siyang mapagpanggap, isang mapagkunwari.

"Alice, ayos ka lamang ba? Bakit tila'y kanina ka pa wala sa iyong diwa? May problema ba?" Agad akong napatingin kay Hara na siyang tumigil mula sa paglalakad at kasalukuyang nakatitig sa akin na wari ba'y nag-aalala.

"H-Hara, kung iyong mararapatin ay may nais lamang akong itanong sa iyo subalit sana ay huwag mo itong mamasamain." Usal ko sa mahinang tinig na agad na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Oo naman, Alice. Ano bang katanungan ang bumabagabag sa iyong isipan?" Nagsasapantahang anas niya.

"Ang ginoong iyon, g-gaano mo siya kakilala?"

Dahil sa aking iminungkahi ay mas lalo lamang kumunot ang kaniyang noo.

"Sino ang iyong tinutukoy, Alice?"

"A-Ang ginoong iyon Hara, ang ginoong nagngangalang Caleb." Sambit ko na mabilis niyang ikinagitla. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tulayang nakapagsalita.

"Siya ang naging pinakamataalik kong kaibigan sa palasyong ito, Alice. Matagal na rin siyang namamalagi rito kung kaya't labis-labis siyang pinagkakatiwalaan nina Ama at Ina. Noong panahong ako'y isinilang ay naririto na siya bilang kanang kamay ni Ama, siya rin ang punong-kawal sa buong kaharian ng Aeros. At sa loob ng isang buwang pagkakakilala ko sa kaniya ay nasisiguro kong mabuti siyang tao, na mapagkakatiwalaan siya." Mahabang paliwanag niya habang naapaskil sa kaniyang maninipis na labi ang isang matamis na ngiti.

Ngunit naging dahilan lamang iyon upang ako'y mas lalong maguluhan hinggil sa pagkatao ng lalaking iyon.

"Nang gabing isinilang ka'y naririto na siya't naninilbihan sa kahariang ito?" Nagugulumintahang tanong ko na daglian niyang ikinatango.

"S-Subalit paano nangyari ang bagay na iyan, Hara? Gayong halos kasing-edad lamang natin siya?" Nalilitong tugon ko sa kaniya na ikinangiti lamang niya.

"Ang sabi niya sa akin ay dahil raw ito sa isa niyang kakilala na inihandugan siya ng isang handog, isang regalo na labis niyang ipinagpapasalamat, at ito ay ang hindi pagtatanda ng kaniyang wangis. Iyon lamang ang kadahilanan niyon Alice kung kaya't huwag mo na siyang pagdudahan pa sapagkat sa maniwala ka man o sa hindi, maging ako man noon ay pinagdudahan na ang kaniyang katauhan at hindi ko na hahangarin pang maulit ang bagay na iyon." Wika niya at mahinang napatawa dahilan upang ako ay mapabuntong-hininga. HIndi na ako nagsalita pa at wala sa sariling napatango na lamang sa kaniya.

"At dahil na sagot ko na ang iyong mga katanungan halika na't pupuntahan pa natin sina Ama't Ina, nasasabik na ako na ikaw ay kanilang makita't makilala." Aniya't dahan-dahang inilibot ang kaniyang mga mata sa aming paligid.

"Isa pa'y hindi ko nais na maging sentro ng atensyon ng lahat." Dagdag pa niya na siyang naging dahilan upang ako ay mahinang mapatawa.

Hindi ko siya masisisi sapagkat ang paningin ng halos lahat ay nananatiling nasa kaniya pa rin, lalong-lalo na ang mata ng mga kalalakihan.

"Tara na." Saad niya bago ako tuluyang hilahin patungo sa kinaroroonan ng Hari at Reyna na naging dahilan upang bumalik ang matinding kaba sa aking sistema.

Mahigit sampung segundo lamang ang iginugol namin sa paglalakad bago namin tuluuyang marating ang kinatatayuan ng Hari at Reyna na walang iba kung hindi ang Ama't Ina ni Hara. Kapwa sila nakatalikod mula sa amin at nakikipag-usap sa ibang mga panauhin.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon