Kabanata 118: Bloody Island

398 30 5
                                    

ZAHARA'S POV

"Sa nalalapit na pulang buwan, madugong digmaan ay magaganap, dugo ay dadanak. Kasamaan ay maghahasik ng lagim, halimaw na siyang isinilang, pinakamakapangyarihang halimaw ay  magbabalik rin. Walang sino, walang ano, walang sinuman o anuman ang makakapagpigil sa kaniyang kumitil. Buhay ang kinuha, buhay ang kukunin. Sa nalalapit na pulang buwan, pinakamalakas na halimaw ay tuluyang magpapakilala!"

Habol-habol ang paghingang napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga.

Unang tumambad sa aking mga buliga'y kisameng gawa sa dayami. Dahil doon ay agad kong napagtanto na nasa loob ako ng isang kubo.

Agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid na aking kinapapalooban subalit bigo akong mahagilap ang aking mga kasamahan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad nang tumayo mula sa kamang aking kinauupuan at sinuri ang maliit na bulwagan.

Masikip at gawa sa purong yangib ang kubong ito.

Wala ring gaanong kagamitan ang makikita rito.

Hindi ko maiwasang isipin kung nasaan ako, kung ano ang ginagawa ko rito, kung ano ang nangyari sa mga kasama ko, sa mga kaibigan ko.

Isang buntong-hininga ang aking ginawa.

"Magiging maayos din ang lahat, Hara."

Ilang saglit pa'y agad akong nabalik sa aking wisyo nang mapako ang aking mga mata sa isang pintuang gawa sa manipis na kahoy. Walang pag-aalinlangan ko itong nilapitan at agarang binuksan dahilan upang humampas sa aking mukha ang napakalamig na simoy ng hangin. Bahagya pa akong napapikit ng mga sandaling iyon.

Nang imulat ko ang aking mga mata'y agad kong nasilayan ang napakalawak at napakatahimik na kapaligiran, tanging huni ng hangin, huni ng mga insekto't huni nang pagsasayawan ng mga punong-kahoy at huni nang paghampas ng tubig sa dalampasigan ang maririnig sa buong paligid. Madilim ma'y nagagawa ko ring mapagmasdan ang matatayog at naglilipanang mga puno sa kung saan at maging ang mga kubong nakatirik sa kahit na saan sa tulong nang maliwanag na buwan.

Subalit agad na nangunot ang aking noo nang wala akong makitang kahit na isang panauhin man lang.

"N-Nasaan ako?" utal na usal ko sa aking sarili. Subalit hindi ko inaasahan na may sasagot ng katanungan kong iyon na agaran kong ikinalingon.

"I'm glad that you're finally awake, welcome. Welcome to the land of vampires. . . welcome to the Bloody Island."

*****

Nagsasapantaha kong sinundan ang lalaking nasa aking unahan.

Nagpakilala siya bilang si Vlad at ang sabi niya'y alam niya kung saan naroroon ang aking mga kaibigan.

Nakasuot siya ng itim na kasuotan at lubos na nakakatakot ang pula niyang mga mata kung iyong pagmamasdan.

Ngunit iisang bagay ang siyang higit na nakaagaw ng aking pansin hinggil sa kaniyang kabuuan. Ang kaniyang rabaw, lubos na napakaputla ng kaniyang rabaw na tila ba'y hindi na normal. Napakaputi ng kaniyang balat na animo'y wala ng may maipaghahambingan pa.

Maliban doon ay ang kaniyang wangis, ang kaniyang wangis na lubos na nakakaakit-akit. Tila'y may kung anong salamangka ang siyang nakabalot sa kaniya dahilan upang ako'y lubos na mahumaling sa kaniyang dagap.

Mabilis kong pinigilan ang aking sarili't ginising ang aking diwa.

Huwag kang magpapadala sa kaniyang wangis, Hara. Huwag kang magpapalinlang sa kaniya.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindKde žijí příběhy. Začni objevovat