Kabanata 6: Mga Guro

3.4K 240 11
                                    

ZAHARA'S POV

Nagising ako nang makaramdam ako ng pagdampi ng palad sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata't tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aleng Beth.

"Hara, mabuti naman at ikaw ay gising na." Mababahiran ng matinding pagkabahala ang boses na sambit niya. Umupo naman ako sa uluhan ng kamang kinahihigaan ko't inilibot ang paningin sa silid na aking kinaroroonan.

"Ano ho ang nangyari kagabi't paano ako napunta sa silid na ito Aleng Beth? Saka si Alice ho nasaan?" Tanong ko na luminga-linga pa sa kaniyang likuran. Ngumiti naman siya ng matamlay at pagkuwa'y hinaplos ang aking buhok.

"Hindi ko mawari kung anong taglay mong mahika Hara, subalit isa lang ang nasisiguro ko, at iyon ay isa kang napakaespesyal na bata." Nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi na lamang ako nagsalita pa't nagpatuloy sa pakikinig sa kaniya.

"Mayroon sa kalooban mo ang hindi ko maipaliwanag na bagay, matapos kong tawagin ang elemento ng hangin ay hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganon bigla. Ang tanging alam ko lang ay may nakatagong misteryo sa pagkatao mo, Hara. Nais ko ring humingi ng patawad dahil ikaw ay nasaktan sa nangyari." Mahabang paliwanag niya.

"Kung ganun ho, isa kayong babaylan?" Namamanghang tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumango sa akin.

"Ang ibig ho bang sabihin niyon ay makapangyarihan kayo? Dahil nagawa niyong tawagin ang elemento ng hangin."

Napangiti naman si Aleng Beth sa akin at umiling-iling na tila'y mali ang aking sinabi.

"Hindi ibig sabihin na tinawag ko ang elemento ng hangin ay makapangyarihan na ako. Sadyang parte lamang ng pagiging babaylan ko ang kakayahang tawagin ang elementong hangin, ngunit hanggang doon lamang iyon. Kaya kong tawagin ang elementong iyon subalit hindi ko ito kayang kontrolin." Sagot niya na nagpatango sa akin.

"Pero Aleng Beth, hindi niyo pa ho nasasagot ang isa kong tanong, si Alice ho? Nasaan siya?" Bahagya namang bumagsak ang kaniyang magkabilang balikat sa aking tinanong.

"Siya'y mag-isang nagtungo sa bayan." Malungkot niyang sagot na siyang nagpakunot sa aking noo.

"Ho? Bakit ho hindi niyo siya sinamahan?"

"Hindi kita pwedeng iwan ritong mag-isa lalo na't nasisiguro kong hindi pa ayos ang iyong kalagayan."

Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil sa narinig. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi't walang pasabing bumangon mula sa kama.

"Hara, saan ka pupunta?" Nag-aalalang tawag sakin ni Aleng Beth.

"Kailangan ho nating puntahan si Alice, tiyak akong magtatampo iyon kapag hindi tayo makakapunta roon." Napatayo naman siya ng tuwid sa aking tinuran.

"Subalit hindi ka pa ayos, Hara. Baka kung ano ang mangyari sa iyo sa bayan." Napatigil naman ako't tumingin sa kaniya.

"Ayos na ho ako Aleng Beth, sa katunayan nga niyan ay wala na akong nararamdamang sakit sa aking katawan. Kaya't hali na ho kayo't maghahanda pa tayo." Sagot ko na siyang ikinailing niya lang at pagkuwa'y napangiti.

"Kung ganoon ay tara na." Sambit niya na naging dahilan ng aking pagngiti.

***

Kasalukuyan kami ngayon na naglalakad ni Aleng Beth patungo sa bayan. Halos ilang minuto na rin ang aming iginugol sa paglalakad.

Nauuna siyang maglakad sa akin at ako naman ay nakasunod lamang sa kaniyang likuran. Pinagmasdan ko ang kaniyang likod at tumigil ito sa manipis na telang nakatakip sa kaniyang ulo patungo sa buo niyang mukha na siyang ikinapagtaka ko.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now