Kabanata 127: Ang Parusa

391 31 3
                                    

ZAHARA'S POV

Wala sa sarili akong napaangat ng tingin sa kaniya at dahil sa ginawa kong iyon ay agad na nagkasalubong ang aming mga mata. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa kulay asul niyang mga mata at ang emosyong nakakubli roon na lubos na napakapamilyar sa akin.

Pagmamahal.

May kung anong kirot at saya ang gumuhit sa aking puso.

"Kairus." usal ko sa kaniyang pangalan at muli siyang hinagkan nang napakahigpit.

Agad kong dinama ang mga sandaling ito.

Kailangan na kailangan ko ito.

Isang yakap mula sa isang taong makakapagbigay sa akin ng lakas upang magpatuloy sa paglaban sa lahat ng aking ikinakaharap.

"S-Salamat, salamat sapagkat hindi mo ako pinababayaan. S-Salamat dahil nand'yan ka pa rin sa kabila ng lahat."

Naramdaman ko ang mariing paghigpit ng kaniyang yakap at ang pagbuga ng mainit niyang paghinga sa aking tenga.

"I know that all of this isn't easy for you. And i want you to know that i am always here for you, always. This battle is not just your battle, we're on this together, Zahara. If you're tired, it's okay to rest, just rest with me and then we continue to fight. And don't worry about what others say. You know what's right, you know what is true. I know and i believe that you are you, Zahara. You're not capable of hurting other people so don't be afraid of losing from that Lost Goddess. You are much stronger than her. She is nothing compare to you. I know that you will always choose what is right, because that's the Zahara i know and the Zahara that I fell in love with. The girl with the good will, the girl that will always choose what is good for all."

Dahil sa kaniyang mga iminungkahi ay agaran akong natigilan.

Naniniwala siya sa akin. Naniniwala siyang pipiliin ko kung ano ang tama, kung ano ang karapat-dapat.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad na sumagi sa aking isipan si Alice. Sumagi sa aking isipan ang katotohanang ipinagkakait ko sa kaniya maging sa aking mga magulang na siyang tunay niyang mga magulang.

Agad akong natauhan.

Dahil sa kanaisang makahanap ng isang pamilyang magmamahal sa akin nang lubusan ay nagawa kong maging makasarili't saktan ang aking kaibigan, nagawa kong nakawan siya ng kaniyang pagkakakilanlan.

Ngayon, hindi na ako magpapadala pa sa aking damdamin. Gagawin ko na kung ano ang tama. Gagawin ko na ang bagay na dapat ay matagal ko ng ginawa.

Sasabihin ko na sa kanila ang katotohanan na hindi ako ang tunay na prinsesa kung hindi ay si Alice, kahit na ang kapalit man nito ay ang pagkawala sa akin ng lahat. Lalong-lalo na ng isang pamilya na hindi naman sa akin. Gagawin ko.

Alang-alang sa aking kaibigan.

Mabilis kong binihag ang mga mata ng aking kaharap at agad na nagsalita.

"Salamat, dahil sa iyo ay napagbulay-bulay ko ang aking kamalian." sambit ko at agad na nagtangkang maglakad papalayo ngunit mabilis ding natigilan nang ako ay kaniyang hawakan.

"Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong niya na siyang bahagyang ikinangiti ko lamang.

"Itatama ang aking pagkakamali." iyon lamang ang tangi kong iminungkahi at muli nang ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad. Subalit hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo ay muli na naman akong napatigil at siya'y aking nilingon kasunod nang aking pagtakbo pabalik sa kaniya't siya'y bigyan ng isang mabilis na halik sa kaniyang labi na agaran niyang ikinagitla.

Tulala't nanlalaki ang asul niyang mga mata habang nakatitig sa akin na siyang ikinatawa ko lamang.

"Mahal din kita."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon