Kabanata 134: Nagdurugong Buwan

355 30 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nanatiling tahimik at hindi makapaniwala ang lahat habang nakatingin sa dalagang ipinakilala bilang ang tunay na prinsesa.

Nakatayo ito sa entablado at walang emosyong nakatitig sa lahat. Samantalang ang hari't reyna sa tabi nito'y nanatili lamang sa kaniyang gilid at nakangiting pinagmamasdan ang buong sangkatauhan.

"Batid kong lahat kayo ay naguguluhan sa mga nangyayari. Alam kong ang inakala ninyong prinsesa ay si Zahara, maging ako at ang iba ay inakala ring siya ang tunay na anak ng hari at reyna subalit tayo ay nagkamali. Sapagkat ang totoo at ang nag-iisang prinsesa't tagapagmana ng Kahariang Aeros ay ang babaeng nasa harapan ninyo ngayon. Walang iba kung hindi si Alice. . . ang nag-iisang prinsesa sa lupain ng Zahea!"

Sa ikalawang pagkakataon ay muling umugong ang mga bulungan. Lahat ng mga tao'y may samo't saring pinapahayag, lahat sila'y gulong-gulo't nalilito. At hindi naiiba sa kanila ang magkakaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa dalaga na ngayon ay nakatingin na rin sa kanila.

Nais man nilang tanungin ito tungkol sa mga kaganapang nangyayari ay tila'y nawalan sila ng boses upang ito'y ipabatid sa huli.

Laksa-laksang mga katanungan ang siyang nais nilang itanong.

Papaano naging siya ang prinsesa gayong ang kapangyarihan ni Zahara ay ang elemento ng hangin na siyang tanging si Prinsesa Aviara lamang ang nagtataglay.

Papaano nangyaring siya at hindi si Zahara ang nasa harap nila ngayon.

Subalit ang higit na siyang nanaig na katanungan sa kanilang mga isipan ay ang tungkol sa dalagang si Zahara.

Ano na ang mangyayari sa kaniya?

Ngayong lumabas na ang katotohanang si Alice ang tunay na Aviara at hindi siya, ano na ang mangyayari sa kaniya. Ano na ang mangyayari sa buhay niya.

"People of Zahea, students of Majika De Akademiya, I know that all of you are full of questions to what is happening right now. This news may surprised you as it did to us but now that we found our long lost daughter, Princess Aviara Claine, the most powerful creature that can save all of us from the darkness ruler, Clantania. We don't have to worry anymore for she is here to save us all, she'll protect us for she is the strongest, the most powerful royalty in the land of Zahea. She is the real and true heirest of Aeros Kingdom, the real holder and keeper of the most powerful element, the air. So, we don't have to worry about the war because now that she's here, now that we found her, I know that her existence and also with the help of Keepers and Alphas, we will be able to defeat the darkness. We will be able to defeat Clantania!"

Matapos ang mahabang salaysay ng hari ay dahan-dahang nabuhay ang tahimik na paligid. Unti-unting umingay ang kanina'y payapang kapaligiran. Muling nabalot ng palakpakan, hiyawan at sigawan ang buong gabi.

"Mabuhay ang tunay na prinsesa!"

"Mabuhay!"

"Mabuhay ang kaisa-isang prinsesa!"

"Mabuhay!"

"Mabuhay ang tunay na Aviara!"

"Mabuhay!"

Hindi na napigilan pa ng dalagang si Alice ang mapaluha sa labis na tuwa't kagalakang lumukob sa kaniyang damdamin. Kung dati-rati'y hindi pinapansin ninuman ang kaniyang pagkakakilanlan, ngayon ang lahat ay nasa kaniya ang mga mata't labis na nagagalak sa kaniyang presensya. Labis na natutuwa sa kaniyang pagkatao. Labis siyang tinitingala't nirerespeto.

Ilang sandali pa ang nagdaan at iniakay siya ng kaniyang ama't ina na magtungo sa unahan, nakangiti ang mga ito habang nakatitig sa kaniyang dagap.

"At ngayon, upang mabigyang bisa ang pagiging isang dugong-bughaw at kaisa-isang anak ng hari't reyna, ang kaisa-isang prinsesa sa buong lupain ng Zahea, hayaan ninyong masaksihan ng inyong mga mata ang koronasyong magbabago sa buhay nating lahat. Ang koronasyong iniaalay para sa kaisa-isang anak ng hari at reyna ng Kahariang Aeros."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now