Kabanata 109: Ang Bundok Morti

399 26 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hindi makapaniwala ang lahat habang nakatingin kay Zahara.

Nanlalaki ang mga mata nila na tila ba'y gulat na gulat. Datapat hindi sila pinansin ng huli at sa halip ay agad nitong pinuntahan ang kaibigang si Alice na ngayon ay tulirong nakatitig sa kawalan.

"Alice, a-ayos ka lamang ba?" Aliligang tanong nito sa kaibigan na dahan-dahan namang tumitig sa kaniya.

"H-Hara,"

Napakurap-kurap ito ng kaniyang mga mata bago tuluyang sumagot.

"O-Oo, ayos lamang ako. S-Salamat sa ginawa mong pagliligtas sa akin ng makailang ulit."

Hindi naman tumugon si Zahara at bagkus ay mabilis lamang siya nitong hinila para sa isang mahigpit na yakap.

Nang makabawi ang iba pa nilang kasamahan ay agad naman itong nagsilapitan sa kanila at pagkuwa'y nagsalita na siyang pinangungunahan ng kaibigan nilang si Mercedes.

"A-Alice, b-bakit tila'y ikaw ang kaniyang nais?" Paunang sambit nito dahilan upang dahan-dahang mapatingin sa kaniya ang dalawa.

"Bakit tila'y ikaw ang kaniyang puntirya?" Dagdag pa nito na siyang agarang sinang-ayunan ng iba pa.

"Tama si Mercedes, pansin ko rin na ikaw ang pinupuntirya ng halimaw, Alice." Segunda ni Thalia.

"I also witnessed how that creature attacked you like it needs something from you." Napatingin ang lahat kay Yzair nang sambitin niya ang mga salitang iyon.

"Something that's important." Dugtong pa nito at marahang ibinaling ang paningin sa wala ng buhay na halimaw.

"Very very very important."

Napalunok na lamang ang dalaga dahil aa kaniyang mga narinig. Napansin din iyon ng kaniyang katabi kung kaya't agaran niya itong hinawakan sa kamay nito't mariin iyong pinisil.

"Maybe it just want to harm Alice. Let's just stop making theories, it won't help us solving this mission."

"Blake's right." Napukol ang tingin ng lahat sa nagmamay-ari ng baritong boses na iyon.

"As long as we're all safe, let's just stop making theories. It will help us nothing so let's just focus on our mission." Aniya at itinuon ang atensyon kay Mildred na kasalukuyang nakatayo.

"Mildred, please use your power to heal Ryker's wounds." May awtoridad pa rin sa tinig na pahayag nito na daglian namang ikinatango ng huli.

"M-Masusunod, Kairus." Saad nito bago tuluyang dayuhan ang kasamang nanatiling inaalalayan ng iba pang mga kalalakihan.

"Don't worry, Alice. If that and others creature really want something from you, we're here to protect you." Seryoso nitong sambit na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ni Alice.

"S-Salamat, Kairus."

Hindi na nagsalita pang muli ang binata at bagkus ay tumango na lamang dito bago ibaling ang paningin sa katabi nitong si Zahara't titigan ng husto sa mga mata.

Nanatili silang nagkatitigan ng halos ilang segundo. Naudlot lamang iyon nang kusang bawiin ng binata ang kaniyang paningin at walang ano-ano'y napapikit at mahinang napamura nang tila'y may kung anong naalala.

"Kairus? Is there something wrong?" Tanong ni Levi na marahang lumapit sa kaniya.

"The map. I think I've lost the map." Sagot nito dahilan upang mabigla ang lahat.

"What?!"

"Ano?!"

"You can't be serious right now!"

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now