THIRD PERSON'S POV
Natahimik ang lahat.
Tanging ang pag-ihip ng hangin lamang ang maririnig sa buong kapaligiran.
Lahat ay tahimik habang gulat na nakatitig sa lalaking kilala nila bilang punong tagapamahala ng mga kawal at bilang kanang kamay ng hari ng kahariang Aeros. Hindi nila lubos na akalaing isa itong huwad, na isa itong mapagkunwaring traidor.
"B-Bakit mo nagawa sa akin ito, K-Kuya Caleb?"
Sa ikalawang pagkakataon ay agad na nadurog ang puso ng karamihan sa kanila nang marinig ang hinaing iyon ng dalagang si Zahara.
"P-Pinagkatiwalaan kita, i-itinuring kitang bilang tunay kong kapatid. P-Pinagkatiwalaan kita, Kuya. P-Pawang mga kabutihan ang ipinakita mo sa akin, a-ang akala ko'y. . . ang akala ko ay iba ka sa kanila. Ang akala ko ay kakampi kita subalit ako ay nagkamali, niloko mo lamang ako, p-pinaikot mo lamang ako sa iyong mga palad." tuloy-tuloy nitong bigkas habang tuloy-tuloy ding bumabagsak ang mga luha sa kaniyang magkabilang pisngi.
"K-Kaya pala ganoon na lamang ang takot ni Alice sa iyo noon pa man, sapagkat ikaw ang nagtatangka sa kaniyang buhay, i-isa kang kalaban, isa kang halimaw."
Isang napakahabang katahimikan ang nanaig sa buong kapaligiran.
Datapwat hindi kalauna'y isa na namang panibagong halakhak ang kumawala sa labi ng lalaki.
"Hindi naging mahirap para sa akin na ikaw ay paikutin, Hara. Sa taglay na kabutihan ng iyong puso'y hindi ka madaling linlangin. Malakas at makapangyarihan ka nga subalit taliwas naman nito ang iyong damdamin, sapagkat mahina ka, Hara. Napakahina mo. Ang dali-dali mong linlangin, ang dali-dali mong paikutin, iyang puso mo. . . iyan ang maghahatid sa iyo ng iyong kamatayan."
Hindi nakapagsalita si Zahara.
Nasasaktan ma'y mas pinili niyang ikubli ang kirot at pighati sa kaniyang mga mata sa pamamagitan nang pagpunas niya sa mga luhang kumakawala rito't hinarap ang binatilyo ng may seryoso't awtoridad sa kaniyang mga busilig.
"Maaaring tama ka, hindi ko kayang saktan ka, Kuya Caleb. Hindi ako tulad mo na walang puso, hindi ako katulad mo na hahayaan na lamang basta-bastang itapon kung ano ang mga pinagsamahan natin. Sapagkat sa loob ng maikling panahon na iyon ay pinahahalagahan ko ang bawat segundo, minuto, at oras ng ating pagsasama."
Nagsimulang humakbang ang huli papalapit sa kaniya dahilan upang maging alerto ang ilan sa kanila. Ngunit agad na iniangat ng dalaga ang kaniyang kanang kamay senyales na huwag silang mangamba.
"Sa totoo lang ay hindi aabot sa ganito ang lahat, sadyang malas ka lang talaga na inakala naming ikaw ang prinsesa, ngunit ngayon na napagtanto na namin kung sino at ano talaga ang tunay mong pagkatao, na ikaw ang anak ni Seraphina, ay mas lalo mo lamang pinadali ang aming mga plano.
Kung kaya't napagbulay-bulay ng aking panginoon ang mga susunod naming hakbang.""Ano ang ibig mong sabihin?"
"Buhay ng prinsesa, kapalit ng iyong buhay."
Agad na natigilan si Zahara maging ang iba pa.
"Don't you ever dare!" isang espada na gawa sa tubig ang bumulusok sa direksyon ng kalaban subalit hindi naging mahirap sa kaniya na ito ay iwasan at ngingisi-ngising sumulyap sa pinagmulan ng atakeng iyon na walang iba kung hindi kay Kairus.
"Bakit niyo ba ginagawa ang lahat ng ito?!" hindi na nakapagpigil pang sigaw ni Zahara sa kaharap.
"Bakit mo ba kailangang gawin 'to?!"
"Simple lang, hindi maikukumpara ng kapangyarihan ng kaibigan mo kung ano ang kapangyarihang itinataglay mo. At kung hindi ka man namin magiging kakampi ay sapilitang kukunin ng aking panginoon ang kapangyarihang nakapaloob sa iyo at nang sa gayon ay maisakatuparan na niya ang kaniyang adhikaing pagbayarin ang kaniyang mga kalaban at sakupin ang buong sansinukob at maghari sa buong sanlibutan. . . magpakailanman!"
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...