THIRD PERSON'S POV
"Tama na!"
Agad na natuon ang paningin ng dalaga sa punongguro na ngayon ay nasa harap na niya.
"Tama na?"
Isang mahaba't nakakainsultong halakhak ang pinakawalan nito.
"Subalit hindi pa ako nagsisimula,"
Agad na nag-iba ang emosyong nakapaskil sa kaniyang mukha.
"Hayaan ninyong ipadama ko sa inyo ang bagsik ng aking galit."
Marahan nitong iniangat ang magkabila niyang kamay kasabay nang daglian niyang pagsakop sa distanya sa pagitan ng kaniyang kaharap.
Akmang gagawa na siya ng susunod niyang hakbang laban sa punongguro nang daglian siyang matigilan.
Mula sa may kalayuan ay kaniyang nasilayan ang sunod-sunod na pagsidatingan ng mga kawal. Subalit sa halip na siya'y kabahan ay isang nakakatwang ekspresyon ang dagliang gumuhit sa kaniyang mukha.
Tila'y isang walang kwentang kagamitan niyang ipinatalsik ang punongguro na nasa kaniyang unahan sa pamamagitan lamang nang pagkumpas ng kaniyang kamay at puno ng kasiyahan ang itim niyang mga mata na natuon ito sa mga kawal.
"And so, it begins."
* * * * *
Agad na nagsihawian ang buong sangkatauhan sa isang napakalakas na pwersa na dagliang tumama sa kanila.
Kasunod niyon ay ang mabagal na paghakbang ng dalagang si Zahara sa gitna nila.
Sa kaniyang harap ay naroroon na ang ngayon ay laksa-laksang mga kawal at kapwa nakahanda ang mga sandatang nakatutok sa kaniya.
Dahil sa kaniyang nakita ay muli siyang humalakhak na agad na ikinagitla't ikinanginig ng mga ito. Gayunpaman ay sinikap nilang kontrolin ang kanilang mga sarili't harapin ang halimaw na ngayon ay mapaglarong nakatitig sa kanila.
Gumegewang-gewang ang katawan nito habang naglalakad na wari ba'y isang ahas at ang ulo nito'y mapilantik na gumagalaw na animo'y labis na kinikilatis ang kanilang mga kaluluwa.
"Kayong mga lapastangang mga kawal ay labis kong ikinagagalak na muling masilayan."
Ilang saglit pa ang nagdaan at tuluyan nitong narating ang harapan ng mga kawal.
"Tatlong inosinteng buhay ang inyong kinitil, maging ang buhay ng isang batang paslit ay inyong kinuha." at nang matapos nitong sambitin ang mga katagang iyon ay agad na naglaho ang tuwa't kasiyahan sa kaniyang mga mata at agarang napalitan ng matinding poot at galit.
"Ngayon, ipapalasap ko sa inyo ang hagupit ng aking galit. Ipapakita ko sa inyo kung anong halimaw ang nilikha ninyo."
At sa isang iglap ay agad na lamang siyang lumutang sa ibabaw.
Agad na nagulantang ang buong sangkatauhan lalong-lalo na nang dagliang umanhag ang kulay itim niyang mga mata.
At ganoon na lamang ang agarang pagkumawala ng sunod-sunod na mga sigawan mula sa mga labi nila nang sandaling masaksihan nila ang sumunod na nangyari.
Bago pa man makagawa ng atake ay sunod-sunod nang nagsibagsakan ang mga sandatang hawak-hawak ng mga kawal kasunod ng kanilang pagsibagsakan sa kalupaan.
Sa hindi malamang dahilan ay agad na lamang silang napaluhod sa lupa't tila ba'y nahihirapan sa paghinga.
"Nais kong maramdaman ninyo ang pakiramdam nang dahan-dahang pinapatay, dahan-dahang namamatay, ang pakiramdam na ipinaramdam ninyo sa akin nang inyong patayin ang mga mahal ko sa buhay."
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...