Kabanata 52: Ang Muli't Huling Pagkikita

1.9K 141 6
                                    

ZAHARA'S POV

"Zahara..."

Dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata nang marinig ko ang isang napakapamilyar na tinig na matagal ko ng inaasam na aking muling marinig.

"Zahara..."

Nang tuluyan kong maimulat ang aking mga mata'y bumungad sa aking mga busilig ang nakakasilaw na paligid. Ilang saglit pa ang naglaon bago ko tuluyang maaninag ang lugar na aking kinaroroonan, at ganoon na lamang ang paghanga na siyang aking naramdaman nang masilayan ko ang walang kasinggandang paraisong lugar sa harap ng aking kinatatayuan.

Nagsasayawang mga ramilyete ng mga makukulay na bulaklak, nagliliparang mga paru-paro, nag-aawitang mga ibon sa himpapawid, at mapayapang tunog ng pag-agos ng tubig na siyang nanggagaling sa talon na animo'y kakaibang uri ng diyamante sa sobrang linaw nito. Iilan lamang iyan sa mga naggagandahang mga tanawin na siyang aking makikita sa aking kapaligiran.

Wari ba'y nakapatong kami sa ibabaw ng ulap na siyang mas nagbigay ng kakaibang kahiwagaan sa aking sistema.

Ang paligid ay nababalot ng iba't-ibang kulay, ngunit ang siyang humigit sa lahat ng kulay ay ang kulay puti. Wari ba'y payapa't walang gulong nangyayari sa lugar na ito.

Hindi ko lubos mabatid kung nasaan ako, subalit gayunpaman ay parang ang gaan-gaan ng loob ko rito. Animo'y may hinahanap-hanap ako na dito ko lamang matatagpuan.

At hindi nga ako nagkakamali...

"Zahara, aking anak."

Ganoon na lamang ang paglukob ng samo't-saring emosyon sa aking damdamin.

Kaba, lungkot, pagsamo, at higit sa lahat ay pangungulila.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinagmulan ng malamyos na tinig na iyon at nang tuluyan kong maitapat sa taong iyon ang aking mga busilig ay ganoon na lamang ang pangingilid ng aking mga luha kasabay ng pagbalatay ng pagkasabik sa aking mukha.

"I-Ina?" Naramdaman ko ang unti-unting pagdaloy ng luha sa aking pisngi hanggang sa ito'y naging sunod-sunod na.

Kagaya ng huli kong kita sa kaniya'y nakaladlad pa rin ang kaniyang mahabang itim na buhok at maging ang ngiti sa mapupula niyang labi ay naroroon pa rin. Lubhang napakaganda rin niyang tingnan sa kulay puting kasuotan na kaniyang suot-suot.

"Ina! I-Ikaw nga!"

Hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo at mabilis ng tumakbo patungo sa kaniya at walang pag-aalinlangan siyang hinagkan ng napakahigpit. Nais kong maramdamang muli ang yakap niya, ang yakap niyang kay tagal ko ng inaasam-asam na muling maramdaman, ang yakap niyang nababalot ng pagmamahal.

"Ina... aking Ina."

Ang mga luhang nagmumula sa aking mga mata'y naglipana sa aking mukha sa labis na emosyong aking nadarama sa aking sistema.

Nananatili lamang akong nakayakap kay Ina't hindi nagtagal ay naramdaman ko rin ang dahan-dahang paghagkan ng kaniyang mga kamay sa aking likuran na siyang naging dahilan upang mas lalong bumuhos ang mga masasaganang luha sa aking mga mata.

"Ina, huwag mo na ulit akong iiwan. P-Pakiusap Ina, huwag mo na ulit akong iiwan." Umiiling-iling kong pakiusap habang patuloy sa pagyakap sa kaniyang kabuuan.

Napapikit na lamang ako sa sitwasyong iyon habang lihim na ipinapanalangin na sana'y hindi na matapos pa ang pangyayaring ito, na sana'y ang lahat ng ito ay hindi panaghinip at totoo.

"Zahara,"

Muli kong naidilat ang aking mga mata ng tawagin ni Ina ang aking pangalan. Unti-unti siyang humiwalay sa aking pagkakayakap dahi
ilan upang muli kong masilayan ang kaniyang mukha na matagal ko ng hindi nakikita.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now