Kabanata 142: Basbas sa Paglusob

420 27 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Isang linggo na ang nakalilipas matapos ang nangyaring digmaan sa pagitan ng dalawang panig.

Isang linggo na rin ang nagdaan magmula nang malaman ni dalagang si Zahara ang tungkol sa kaniyang tunay na katauhan at ang tunay niyang pinagmulan. Na siya ang nag-iisang anak ng pinakamakapangyarihan at pinakamalakas na nilalang sa buong sansinukob na walang iba kung hindi si Seraphina.

Isang linggo na rin ang naglaon magmula nang makuha ng mga kalaban ang kaibigan nitong si Alice at gawin itong bihag.

"Anak, hindi mo kailangang gawin ito." agad na napatigil ang dalaga mula sa ginagawa nito nang sambitin iyon ng kaniyang ina.

Kasalukuyan silang nakapaloob sa isang silid sa loob ng kahariang Aeros at nag-uusap tungkol sa planong paglusob ni Zahara sa lupain ng Tenebris, ang lupain kung saan matatagpuan ang kaharian ni Clantania. 

"Ina, kaibigan ko ang kinuha nila. Kaibigan ko ang binihag nila, hindi ko na maaatim pa na manatili lamang rito at hintayin kung kailan siya babalik sapagkat batid nating lahat kung ano ang kayang gawin ni Clantania, hindi ko kayang isipin na nasasaktan ang aking kaurali. Isang kapatid na ang turing ko kay Alice, Ina. Siya at si Aleng Beth ang tanging naging sandigan ko sa mga oras na ako ay nag-iisa,  kung kaya't hindi ko na hihintaying pang masaktan siya, ayokong maghintay na lamang rito. Lulusob ako sa kaharian ni Clantania at ako mismo ang magliligtas sa aking kaibigan. Sinisigurado ko sa iyo Ina, babalik akong buo at ligtas dito. At si Clantania? Humanda siya sapagkat pagbabayarin ko siya,  siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay, siya ang rason kung bakit ako nawalay sa iyo. Ito na ang tamang panahon para singilin siya sa lahat-lahat ng mga kalapastangang ginawa niya, papatayin ko siya."

Hindi na muling nakapagsalita pa si Seraphina at tanging binihag na lamang sa isang mahigpit na yakap ang kaniyang anak na si Zahara.

"Huwag kang mag-alala Ina, sapagkat hinding-hindi na tayo muling magkakahiwalay pa. Hindi na tayo muling mawawalay sa isa't isa, sinisigurado ko ang bagay na iyan sa iyo."

"Ngunit anak, laban namin ito ni Clantania. Hindi mo kailangang ipahamak pa ang iyong sarili, ako at ang aking mga kasamahan ang nakakabatid kung ano ang dapat na gawin sa kaniya bilang kaparusahan."

Tumayo mula sa pagkakaupo ang dalaga at marahang hinawakan sa magkabilang kamay ang kaniyang ina.

"Subalit sa pagkakataong ito ay nadamay na ako, hayaan mong ako ang magpataw sa kaniya ng kaparusahang nararapat sa kaniya, Ina. Hayaan mong ako ang gumawa ng kaparusahang karapat-dapat sa isang katulad niya. Ang parusang kamatayan. . ."

Dahan-dahan namang gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa labi ni Seraphina.

"Kung iyan ang iyong nais, aking anak. Ang tanging hiling ko lamang ay bumalik kang ligtas kasama ang iyong matalik na kaibigan. At bilang kasiguraduhan sa iyong paglalakbay ay binabasbasan ko ang iyong kaligtasan, tutungo ka sa kaharian ng kadiliman na may proteksyon ng liwanag sa iyong kabuuan."

Bahagya namang napukunot ang noo ni Zahara sa mga isinatinig nito.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Hindi sumagot ang huli at bagkus ay ngumiti't ikinumpas lamang nito ang dalawang kamay bilang tugon.

Sa pagkumpas niya ng kaniyang magkabilang kamay ay isang nakakasilaw na liwanag ang nabuo sa pagitan niyon at walang ano-ano'y lumutang patungo sa katawan ng dalaga't daglian itong bumalot sa kaniya.

Napangiti na lamang ito dahil sa kaniyang nasaksihan at nasisiyahang niyakap muli ang kaniyang inang si Seraphina.

"Maraming salamat, Ina! Ngunit hindi ninyo na kailangan pang gawin ang bagay na ito, hindi lang naman po ako ang tutungong mag-isa roon, kasama ko rin ang panig ng mga bampira sa pangunguna ng kanilang prinsipe na si Lazaros, ngunit gayunpaman ay nagpapasalamat ako sa inyong basbas. Huwag po kayong mag-alala sapagkat itinitiyak ko sa inyo na magiging tagumpay ang misyon kong ito. Magbabayad siya, magbabayad si Clantania."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon