ZAHARA'S POV
"Apat na gabi at limang araw, ganyan akong naging palaboy-laboy sa gitna ng kagubatang iyon, nakakasalamuha ako ng iba't ibang klaseng mababangis na mga hayop at wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo para sa kaligtasan ko, para sa buhay ko. I did everything that I can do inorder to survive, and I did."
Napatingin ako kay Vishna nang sambitin niya ang mga salitang iyon.
Kapwa kaming nakaupo ngayon sa damuhan. Isinasalaysay niya sa'kin ang lahat ng mga pangyayari sa kaniyang nakaraan, at wala akong ibang magawa kung hindi ang damayan at pakinggan siya.
"Until one day, napadpad ako sa ibaba ng bundok at 'dun ko nakita ang bayan. Ang bayan ng Zahea na inakala kong magiging bagong tahanan ko, ang tahanang tatanggap sa'kin at hindi ako pababayaan hindi gaya ng ginawa sa'kin ng tunay kong mga magulang."
Hindi ako nakasagot sa kaniyang tinuran.
Tumingin rin siya sa'king mga mata dahilan upang magtama ang aming mga buliga.
"And guess what?"
Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lamang kung ano ang susunod niyang sasabihin.
"I was wrong, dahil mas masahol pa ang naging buhay ko sa bayang iyon. Dinakip ako ng mga bandido pati na rin ng mga tulisan nang makita nila akong palaboy-laboy 'dun. Hinuli nila ako at kinulong sa lugar na kanilang pinagtataguan, hindi nila ako pinapakain, hindi nila ako hinayaang makatakas. H-Hara sinaktan nila ako."
Nasilayan ko na naman kung paanong lumamlam ang kaniyang namamagang mga mata. Muling nangilid ang kaniyang luha. Hinahayaan niyang ipakita sa'kin ang totoo niyang nararamdaman, malayong-malayo sa una naming pagtatagpo.
"And something happened."
Dahan-dahang bumagsak ang kaniyang paningin sa magkabila niyang palad na nananatiling nakabalot sa kulay itim na mga guwantes.
"I-I screamed...I screamed in so much pain, agony and anger and with that, both of my palms glow in so much darkness. Dark energy started to embraced both of my hands, Hara. Until I... u-until I accidentally touch one of them. B-Bigla nalang siyang humandusay sa sahig at nanuyot na tila'y walang kabuhay-buhay. N-Namatay siya Hara, napatay ko siya."
Nasaksihan ko kung paanong manginig ang kaniyang mga kamay habang isinasalaysay niya ang mga pangyayaring iyon.
"I was just a kid back then, Hara. Takot na takot ako 'nun."
"M-Mabuti nalang at nakatakas ako mula sa pagkakabitag sa'kin ng mga bandido at ng mga tulisan. Kinuha ko ang pagkakataong 'yun para makalayo sa lugar na 'yun hanggang sa mapunta ako sa isang lugar kung saan ko natagpuan ang tunay kong tahanan."
Bahagya akong naguluhan sa kaniyang sinabi.
"Ang lugar na tinatawag na Kapital. Dito nagtitipon-tipon ang Hari at Reyna ng apat na Kaharian sa buong lupain ng Zahea. Sa Kapital rin namamalagi ang karamihan sa mga mandirigma at mga kawal ng Zahea dahil ito na ang itinuturing nilang tahanan,"
Naalala ko ang mga sinabi sa akin noon ni Alice noong kami ay nasa bayan. Minsan na niyang naibahagi sa akin ang tungkol sa isang lugar kung saang tinatawag ng lahat na Kapital. Maaaring iyon rin ang itinutukoy ng aking kapatid.
Bagamat agad akong nagitla sa sumunod niyang binitawang mga salita.
"At higit sa lahat, iyon ang tahanan ng aking Ama."
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na siya ay tanungin. Agad akong nagsalita dahilan upang siya'y mapatingin sa akin.
"A-Ama? Ano ang iyong ibig sabihin?" Kunot-noong sambit ko sa kaniya. Agad naman siyang napatango at marahang napangiti sa aking itinanong.
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...