Kabanata 7: Patimpalak

3.2K 214 5
                                    

ZAHARA'S POV

"Hara, ayos ka lamang ba?" Agad akong napatingin kay Aleng Beth at pagkuwa'y inilibot ang paningin sa aking paligid dahilan para makita ko ang nagtatakang tingin ng ibang mga mamamayanan sa akin. Hindi ako sumagot bagkus ay gulat pa ring binalik ang atensyon sa punongguro, ngunit hindi na ito nakatingin sa akin.

"A-Ayos lamang ako Aleng Beth." Wika ko't nilingon ang ibang nananatiling nakatingin sa akin at bahagyang yumuko.

"Paumanhin sa inyo." Dugtong ko pa. Inalis naman agad ng iba ang kanilang paningin sa akin, ngunit gayun pa man ay may iba pa ring nananatiling nakatitig sa akin na wari mo'y kinikilatis ang aking kabuuan. Hindi ko nalang sila pinansin pa't binalik ang aking paningin sa entablado.

"Nailista na ba ang pangalan ng lahat ng mga manlalahok?" Tanong ng tagapagsalita na nilingon pa ang kinaroonan ng mga manlalahok na sa sobrang dami'y halos hindi ko na mabilang kasama na maging si Alice, tumango ang mga ito na siyang nag paggalak sa lahat.

Subalit mabilis kong nailihis papunta kay Aleng Beth ang aking atensyon nang siya'y magsalita.

"Hara, sigurado ka bang ayaw mong sumali sa patimpalak? Ito'y paminsanan lamang, sayang ang pagkakataong ito kung ito'y palalampasin mo lamang-" Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Aleng Beth at agad ng sumingit.

"Sigurado na ho ako, saka panoorin na lamang ho natin si Alice." Sagot ko na ikinatango na lamang niya.

Sabay naman kaming napatingalang dalawa sa ibabaw ng entablado nang muling mag-ingay ang tagapagsalita.

"Kung ganun ay hindi na natin ito patatagalin pa, simulan na natin ang patimpalak!"

Dahil sa kaniyang inanunsyo'y nag-ingay ang lahat ng mga manonood. Samu't saring sigawan at hiyawan ang bumalot sa buong paligid.

Hindi kalaunan ay pumunta siya sa isang may kaliitang mesa hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan at may kinuhang maliit na kahon na sa tingin ko'y nilalaman ng mga pangalan ng mga sasali sa patimpalak.

"Ang unang manlalahok ay walang iba kundi si..." Nilagay niya ang kaniyang kamay sa loob ng kahon at kinuha ang isang piraso ng papel kung saan nakalahad ang pangalan ng unang manlalahok.

"Binibining Mercedes Ignacio!"

Sa sinambit niyang yun ay muling nagpalakpakan ang ibang manonood. Mayroon ring naghihiyawan at sinisigaw ang pangalan nung tinawag.

Nakita ko naman ang pag-akyat sa entablado ng isang binibining may mahabang maalong kulay itim na buhok at base sa kaniyang mukha'y palaban siya't hindi basta-basta.

Sinulyapan ko si Alice at marahang nginitian nang makita ko ang pagkabahala sa kaniyang mukha na batid kong dala ng matinding kaba.

Muli kong binalik sa harap ang aking paningin. Napangiti ang tagapagsalita't iminuwestra ang gitna ng entablado sa papaakyat na binibini.

"Binibining Mercedes, maaari ka ng pumwesto sa gitna't ipakita sa lahat ang iyong natatanging kakayahan." Pahayag ng tagapagsalita sa kaniya, hindi ito sumagot bagkus ay walang imik lang itong nagtuloy-tuloy sa gitna't bahagyang tiningnan ang mga gurong nakapwesto sa aming unahan.

"Maaari ka ng magsimula." Seryosong sambit ng gurong sa pagkakarinig ko'y Professor Natasha ang pangalan.

Hindi kalauna'y pumwesto na nga ang binibini sa gitna ng entablado sa harap ng mga guro.

Yumuko ito sa kaniyang paanan, ilang saglit pa'y dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang kanang kamay, ganoon din ang ginawa niya sa kaliwa pa niyang kamay. Pagkaraan pa ng ilang segundo'y unti-unting namuo ang kakaibang liwanag sa kaniyang magkabilaang kamay na wari mo'y nag-ipon-ipon ang isang napakalakas na enerhiya.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now