Kabanata 101: Ang Misyon

464 33 1
                                    

ZAHARA'S POV

H-Hindi ko maunawaan. Kaya kong magpalabas at kontrolin ang elementong hangin. Ang elementong tanging ang prinsesa lamang ang nagtataglay. S-Subalit... subalit bakit hindi ako? Bakit hindi ako ang prinsesa?

"A-Aviara, anak."

Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong napatingin sa aking ina.

O dapat ko nga ba siyang tawaging ina gayong hindi naman ako ang tunay na anak nila?

"W-What's the problem, sweetie? Sh-Show us your mark. Just show us so that this will be all over-"

"Zachrys,"

Napahinto si ama mula sa kaniyang pagsasalita nang makahulugan siyang tinitigan ni ina.

"I-I..." Napabuntong-hininga si ama at walang ano-ano'y hinila ako sa isang panibagong yakap.

"Tahan na, Aviara. Tahan na anak ko."

Sa mga katagang iyon ay tuluyan na akong napahikbi. Tuluyan na akong napahagulgol.

Sana nga ako nalang.

Sana nga ako nalang si Aviara, ang tunay na prinsesa. Ang tunay ninyong anak.

"Forgive me and your mother, my princess. Hindi ko inisip ang maaari mong maramdaman sa mga ginagawa namin. Hindi ko alam kung anong kahibangan ang pumasok sa aking isip para pagdudahan ang iyong pagkatao. Hindi ko na dapat pang alamin kung ikaw nga ba ang tunay na anak namin sapagkat sa loob-loob ko ay alam ko, nakatitiyak ako na ikaw nga si Aviara, ang aming prinsesa."

Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang mapayakap na lamang sa mga bisig ng aking ama at lihim na humingi ng kapatawaran sa katotohanang aking ipinagkakait mula sa kanila ni ina.

Patawad. Patawad mahal na hari at reyna. Patawad subalit hindi ko na makakaya pang mawalan ulit ng pamilya. Kay tagal kong namuhay at nagdusang mag-isa, kay tagal kong nagdusa ng walang sinumang nakakasama. Sa loob ng napakahabang panahon ay nagluksa ako.

Ang tanging hangad ko lang naman ay magkaroon ng isang pamilya. Isang pamilyang magmamahal sa akin. Isang pamilyang matatakbuhan ko sa oras na kailangan ko nang masasandalan, sa oras na kailangan ko nang maiiyakan.

Isang ama.

Isang ina.

Isang tahanan.

Iyon lamang ang nais ko at wala ng iba pa.

Subalit bakit tila'y kay sama sa akin ng tadhana? Bakit tila'y hindi niya nais na ako'y lumigaya?

Bakit palagi kong kailangang magdusa at maiwang mag-isa?

Ang akala ko'y natagpuan ko na ang tunay kong pamilya, ang tunay kong tahanan... subalit ang lahat ng saya't kagalakang aking nadarama'y panandalian lamang pala't kapalit nito'y muling pag-iisa't walang katapusang pagdurusa.





THIRD PERSON'S POV

Nagdaan pa ang ilang oras bago tuluyang natapos ang makabagbag-damdaming pakikipag-usap ng hari at reyna sa dalagang si Zahara na ngayon ay namumula ang mga mata habang nakaupo sa harap ng mag-asawa't wari'y wala sa sarili.

"Your majesty, I do not question your plans but are you certain with your decisions?" Sambit ng punongguro na ngayon ay nakatingin na sa hari at reyna't palihim na pinagmamasdan ang dalaga.

Maawtoridad naman na tumango ang huli bago ibinaling ang kaniyang paningin sa anak at pagkuwa'y ibinalik sa kaharap ang atensyon.

"She's our daughter. I don't care wether she can control or manipulate the air, the dark magic or even the fire element. She's the princess, i considered those things as her special powers. Afterall she is Princess Aviara Claine, the most powerful being in the land of Zahea."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now