Kabanata 27: Muling Pagkikita

2.5K 173 20
                                    

ZAHARA'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang tumambad sa akin ay ang perpektong mukha ng isang lalaki.

Sinuri ko ang kaniyang mukha't ito'y aking pinakatitigan.

Matangos na ilong.

Mapupulang labi.

Mahahabang pilik-mata.

Makapal na kilay.

At

Maputing balat.

Sadyang napakaamo rin pagmasdan ng kaniyang mukha habang pikit ang kaniyang mga mata. Tila isang anghel na nagmula sa kalangitan.

Kung ganito lamang rin ang makikita ko sa aking paggising ay nanaisin ko na lamang na manatili sa kamang ito ng buong magdamag.

Napangiti ako sa tanawing iyon at muling napapikit ng aking mga mata.

Subalit nang tuluyang maproseso sa aking isipan ang aking nakita'y muli akong napadilat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya bago magpakawala ng isang napakalakas na sigaw dahilan upang maimulat rin niya ang kaniyang mga busilig at gulat na napatitig sa akin.

"What the hell!" Gulat at magkasalubong ang kilay na sigaw niya habang nakatingin sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin at napatakip lamang ako ng aking katawan.

"Lapastangan! Ano ang ginawa mo sa akin?! Bakit ka naririto sa aking silid?!" Galit na sigaw ko sa kaniya dahilan upang mas lalong sumalubong ang magkabila niyang kilay.

"Are you crazy?! This is my room! So I should be the one who's asking that. Who are you and what are you doing here inside my room?" Malamig ang tonong niya sa akin na siyang aking ikinatigil.

Unti-unti akong napatahimik bago ko dahan-dahang libutin ng aking paningin ang aking paligid.

Tila yata'y pinagsakluban ako ng langit at ng lupa nang mapagtanto ko ang aking kinaroroonan.

Hindi ito ang aking silid. Hindi ito ang aking kama.

Mali ang gusaling aking pinasukan.

Mabilis pa sa kidlat na ako'y napatayo mula sa kama't hindi makatangin ng diretso sa kaniyang mga mata.

Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.

Agad akong nakaramdam ng matinding pagkabahala sa aking nagawa. Mariin akong napapikit sa aking kinatatayuan bago alalahanin ang mga pangyayari kagabi.

Ang silid-kainan.

Ang boteng naglalaman ng pulang likido.

Ang pagpasok ko sa loob ng dormitoryo.

Ang iilang boses ng mga kalalakihan.

Napalunok ako sa aking kinatatayuan. Agad kong naramdaman ang unti-unting pamumula ng aking mukha sa sobrang pagkapahiya.

Mahigpit akong napakapit sa aking saya bago ko siya dahan-dahang tiningnan.

"P-Paumanhin!"

Iyon lamang ang mga katagang aking naisambit bago tuluyang kumaripas ng takbo papalabas ng silid na iyon.

Nang ako'y makalabas sa pinto ng dormitoryong iyon ay bumungad sa aking harapan ang napakaraming mga kalalakihan na kasalukuyang naglalakad. Agad silang napahinto't napatingin sa aking gawi sanhi upang ako'y mas lalong mabalisa.

Sari-saring bulungan ang pumuno sa buong pasilyo.

Dahil sa labis na kahihiyan ay hindi na ako nag-atubili pang umalis roon, nagsimula akong tumakbo ng matulin habang nakatakip ang aking kanang kamay sa aking mukha.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now