Kabanata 48: Ang Kasaysayan

1.9K 142 9
                                    

ZAHARA'S POV

"Zahara, ako nga pala si Ryker. Nakilala mo na'ko since classmate naman tayong lahat dati pa, pero magpapakilala pa rin ulit ako. I can shapeshift, that's my power."

"Hi Zahara, I'm Blake. I can control things with my power, telekinesis."

"Ako naman si Elliot, 'yung kasabay na dumating nina Cedric at Vishna nung isang araw, at alam kong nakita mo na kung ano ang kakayahan ko. It's invisibility."

Matapos ang naging pagpupulong namin sa silid ng punongguro ay agad na kaming lumisang lahat upang magtungo sa aming silid-aralan. Hindi ko na rin nagawang makaangal pa sa naging desisyon niya na magmula sa raw na ito'y magiging tagapagprotekta ko na ang mga taong ito at nang sa gayon ay wala ng ni isa pa ang magtatangkang manakit sa akin at makakapaghatid ng panganib sa aking buhay.

Kasalukuyan na rin naming binabagtas ang mahabang pasilyo't kasalukuyan rin akong kinakausap ng mga kalalakihang ito upang magpakilala, bagamat tanging pagtango at pilit na ngiti lamang ang aking tinutugon sa kanila.

"And I'm Kiel. I have the power to make things flow in the air, the power of levitation."

Subalit dahil sa aking huling narinig ay daglian akong napatigil mula sa aking paglalakad at tinitigan sa mga mata ang lalaking nagsalita niyon dahilan upang maging sila'y mapahinto.

"Maaari mo bang ulitin ang iyong sinabi? Kung ano ang iyong kapangyarihan?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya na mabilis naman niyang sinagot.

"It's levitation. Kakayahang makapagpalutang ng mga bagay-bagay sa ere. W-Why? Is there something wrong?"

Agad na binalot ng katanungan ang aking isipan kung kaya't mabilis kong hinarap ang katabi kong si Thalia upang magtanong.

"Normal lamang ba na maging magkatulad ng kapangyarihan ang dalawang tao? Sapagkat sa aking pagkakatanda'y ganoon rin ang tinataglay na salamangka ni Alice, ang kapangyarihang palutangin ang sarili't maging ang mga bagay na nasa kaniyang paligid."

Unti-unti namang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi bago siya'y tuluyang magsalita.

"Oo Hara, normal lang 'yun. Kagaya nga ng ating tinalakay 'nun mula sa isang professor, ang lahat ng mamamayanan sa lupain ng Zahea ay maaaring magkatulad ng kapangyarihan. Kagaya na lamang ni Yzair at ni Stacy at ng iba pang estudyante na nanggaling sa kaharian ng Fyrus, pare-parehas silang tinataglay na kapangyarihan at ito ay ang apoy."

"Same goes with the other two Kingdoms, the Aquos and the Terros Kingdom. For example, the Aquos Kingdom. May mga taong nagmula 'dun na kayang kontrolin ang tubig, magpalabas ng yelo, at iba pang konektado sa elemento ng tubig, at lahat ng 'yun ay kayang gawin ni Kairus since he's the Prince and also the Keeper of it's element." Mahabang litanya ni Thalia na agarang dinugtungan niyong lalaking nagngangalang Kiel.

"And same with the Terros Kingdom, merong kayang magpatubo ng halaman gaya ni Thalia, meron rin na kayang magpalit-anyo sa mga hayop gaya nalang ni Ryker, meron ring kayang kontrolin at manipulahin ang lupa pati na rin ang mga bato. At katulad ni Kairus, ang lahat ng 'yun ay kayang gawin ni Levi since he's the Prince and at the same time the Keeper of the Earth element."

"Sadyang ikaw lang talaga ang naiiba because you, the Keeper and the Princess of Aeros Kingdom can only possessed the air element."

Saglit akong natahimik at pagkuwa'y napatango-tango na lamang sa kanilang mga isinatinig. Ngunit gayunpaman ay may kung ano pa rin sa aking sarili ang siyang naguguluhan dahil sa aking napagtanto. Hindi ko mawari kung ano ang bagay na ito subalit ito'y hindi maganda, wari ba'y ako ay nagsasapantaha.

"Binibini, ayos ka lang?"

Napatingala ako kay Levi at agad siyang ginawaran ng isang sapilitang ngiti bago tumango.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon