Kabanata 30: Katotohanan

2.7K 206 17
                                    

THALIA'S POV

Lahat kami ay tulalang nakatanaw sa papalayong likuran ni Hara. Hindi makapaniwala sa lahat ng nakita.

"W-What is she?"

Agad kong naibaling ang paningin ko kay Ryker nang tanungin niya 'yon.

"Hindi ko alam. N-Ngayon ko lang nakitang nagkaganun si Hara."

"But she just control the a-air. D-Does is it mean that she's the-"

"Pero imposible, Kiel. Naalala mo ang kinwento sa'tin ni Professor Sam? Ang sabi niya ay wala na ang Prinsesa ng Kaharian ng Aeros dahil patay na'to. K-Kaya malabo, Kiel. Malabo."

"You think that it's impossible eventhough we witnessed what Zahara did? She just manipulate the air, Thalia. And we all know that the only person who can do that was the Princess of Aeros Kingdom."

Doon ako tuluyang hindi nakasagot. Tama siya, we all know that the person who possess the element of air was the long lost Princess of the Aeros Kingdom.

"Alphas! Help the students!"

Agad na nabalik ang katinuan namin nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Headmaster. Dahil 'dun ay hindi na kami nagsayang pa ng segundo at mabilis na nagsitakbuhan upang daluhan ang mga estudyanteng nasugatan at nasaktan mula sa mga nangyari.

"Maddison!"

Nakita ko ang pagbalatay ng pag-alala sa mukha ng mga kasamahan ko sa nakitang kalagayan ng kaibigan namin. Nakasalampak siya sa sahig at halos mawalan na ng ulirat.

"Blake, dalhin mo na siya sa infarmary." Saad ko kay Blake na agad naman niyang ikinatango bago tuluyang buhatin si Maddison. Nang makaaalis na sila ay muli kong iniikot ang paningin ko sa kabuuan ng silid at doon ko napansin sina Blaire at Amber. Kapwa mga kasamahan namin at kaibigan ni Maddison.

Mabilis akong tumakbo at tinulungan silang makatayo.

"Kaya niyo ba?" Nag-aalalang tanong ko pero mabilis lang nilang iwinaksi ang kamay ko bago ako singhalan.

"Let go!" Inis na anas sa'kin ni Amber.

"Your friend will surely pay for this!" Dagdag pa ni Blaire at sinamaan ako ng tingin bago nila ako tuluyang tinalikuran.

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga inasta nila at pagkuwa'y ibinaling ang aking atensyon sa buong paligid. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang napinsala sa loob ng silid na'to. Halos lahat ng mga kagamitan ay nagkandasira-sira, maging ang mga pader ay nagkandabitak-bitak.

Walang duda, napakalakas nga ni Hara.

"Bring all the wounded students in the clinic immediately!" Muli na namang naagaw ni Headmaster ang pansin ko kung kaya't agad akong napalingon sa kaniyang kinaroroonan. Kita kong akay-akay na niya ang walang malay na si Stacy. Putlang-putla na ang katawan nito't may iilang galos sa mukha.

Maging ang ilang mga kalalakihan ay halos hindi na makalakad mula sa mga natamo nilang sugat.

"T-Thalia." Nang marinig ko ang pamilyar na tinig ni Alice ay agad kong hinanap ang pinagmulan ng boses niya at hindi naman ako nabigo na makita siya.

"Alice!"

Daglian akong lumapit sa kaniya nang makita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa akin.

"Ayos ka lang ba? May sugat ka ba?" Sunod-sunod kong tanong na agaran niyang ikinailing.

"A-Ayos lamang ako, Thalia. S-Subalit si Hara, k-kinakailangan natin siyang sundan."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama bang sundan pa namin si Hara matapos ng mga nangyari ngayon. O mas tama bang hayaan nalang muna namin siyang mapag-isa.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now