Kabanata 85: Ang Alas

732 41 0
                                    

ZAHARA'S POV

Alam ko sa sarili kong si Yzair ang nilalaman ng aking puso at nakatitiyak ako sa bagay na iyon. Ngunit ngayong napagtalos ko na ang tunay na nadarama ng lalaking kasama ko kahapon ay nagsisimula ng magtalo ang aking puso't isipan sapagkat kapwa ang mga ito'y naguguluhan, hindi alam kung ano ang tunay na nararamdaman o mararamdaman.

Muli na namang sumagi sa aking isipan ang mga nangyari kahapon sa pagitan naming dalawa ni Kairus at hindi lamang tungkol roon kung hindi maging sa mga bagay na binanggit niya na naghatid sa akin ng matinding palaisipan.

"I love you... I truely do."

Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng manipis niyang labi sa aking mga labi at wala akong ibang nagawa kung hindi ang hayaan lamang siya.

Hindi ako kumibo.

Hindi ako nagsalita.

Hindi ako umangal.

Hindi ko mawari kung ano ang marapat kong gawin kung kaya't hinayaan ko lamang siyang siilin ng halik ang aking labi.

Ang sinasabi ng isip ko'y marapat ko siyang patigilin at itulak palayo subalit taliwas nito ang isinisigaw ng aking puso sapagkat hindi ko man nais na aminin, ako'y lubhang nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa aking dibdib.

Ito'y nakakasabik.

Ito'y nakakapangbuyo.

Ito'y nakakaibay-lango.

At inaamin ko sa aking sarili na ito'y aking nagugustuhan.

Unti-unti ko lamang naibalik ang aking diwa nang maramdaman ko ang bahagyang pagwalay ng aming mga labi na naging dahilan upang dahan-dahan kong maimulat ang aking mga mata na naging sanhi upang muli kong masilayan sa malapitan ang kulay asul niyang mga mata na siyang nababalutan ng laksa-laksang emosyon.

"I love you, Zahara. I really do. And I'm hoping that this is enough for you to know how much I am inlove with you." Nahimigan ko ang sinseridad sa kaniyang tinig dahilan upang mapagtanto kong nagsasabi siya ng totoo. Na ang lahat ng iyon ay totoo't hindi biro lamang.

"K-Kairus..." Utal na usal ko sa kaniyang pangalan. Hindi siya nagsalita't tanging pag-angat lamang ng kaniyang kanang kamay ang kaniyang ginawa't ito'y ipinalandas sa aking pisngi't marahang hinawakan.

"H-Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, h-hindi ko matarok kung ano ang aking nararamdaman."

Muli na namang sumilay sa mapula niyang labi ang isang munting ngiti.

"You don't have to say anything for now, Zahara. The important thing for now is that you already know that my love for you is real. That I'm serious about how I feel towards you... that I'm serious about you."

Agad kong naramdaman ang mas lalong pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Ito'y hindi na pangkaraniwan.

Nais ko mang matuwa sa ipinapakita niyang pag-uugali sa akin ay hindi ko magawa, nakakatuwang isipin na hinahayaan niya akong makita ang ganitong parte ng kaniyang pagkatao, ang totoo niyang pagkatao, kung ano talaga siya kumpara sa kung ano ang mga ipinapakita niya sa iba, bagamat nakakalungkot lamang sapagkat wala akong karapatan na masaksihan ang lahat ng ito dahil hindi pwede, hindi maaari.

"K-Kairus, p-paumanhin subalit tatapatin na kita. H-Hindi pa ako handa sa bagay na ito, wala pa sa aking isipan ang pumasok sa isang relasyon lalo na't sa mga nangyayari ngayon. Anumang oras ay maaaring lumusob uullit ang mga kalaban tanda ng banta ni Clantania at doon nakatuon ang aking atensyon." Mahinang saad ko habang nanatiling nakapako ang aking mga mata sa bughaw niyang mga busilig.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindOnde as histórias ganham vida. Descobre agora