Kabanata 162: Masamang Balak

665 28 4
                                    

KAIRUS'S POV

"Dahil sa ginawa mong pagtatanggol sa babaeng 'yon ay tuluyan nang nawalan ng respeto sa 'yo ang mga tao, Kairus! You've been protecting that girl for so long, you have to stop."

I look at Vishna.

Nandito kami ngayon sa clinic at kasalukuyan niyang ginagamot ang pasa na nasa mukha ko dahil sa ginawang pagsuntok sa akin ng mga lalaking kasama ni Stacy.

She's right.

Isa ito sa mga nagbago sa loob ng tatlong buwang pagkawala ni Zahara.

Nawala ang respeto sa akin ng mga kapwa ko kamag-aral dahil sa pinili kong protektahan ang babaeng mahal ko.

Lahat kaming pumoprotekta at naniniwala sa kaniya.

"I don't care, Vishna. If this what it takes for me to protect her, I would gladly accept it."

Agad naman siyang napasinghal at magkasalubong ang dalawang kilay na nagsalita.

"Why are you defending her? Talaga bang naniniwala ka sa mga sinasabi niya? Can't you see it?! She's lying! She's a liar!"

"I love Zahara, Vishna." agad kong pagpigil sa kaniya.

"So yes, I believe her, I trust her. And no matter what happen, I will always be by her side, to defend her, to protect her at all cost."

Napapailing niyang binitawan ang bulak na nasa kamay niya't tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ko.

"I can't believe you."

Tumalikod siya at akmang hahakbang na paalis nang bigla akong magsalita ulit.

"Vishna, she needs us. . ."

Huminto siya sa paghakbang ngunit nanatili siyang nakatalikod sa 'kin.

"She needs you, your sister needs you."

Isang pagak na tawa ang ginawa niya bago sumagot.

"Wala akong kapatid na halimaw, at ang lahat ng nararanasan niya ngayon ay kulang na kulang pa sa dapat niyang maranasan."

Matapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang lumisan at ako ay iwan.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago napatingin sa labas ng bintana. Muli kong inalala ang nangyari kanina.

I saw how the pain and sadness plastered in her eyes as she looked at me.

The wounds where the blood drops came from.

Awang-awa na 'ko sa kaniya.

She doesn't deserve any of this.

All she wanted is to have a family but why does she get to be treated like this?

The world is really cruel to her.

To my Zahara.

Matapos ang nangyaring pagsuntukan sa pagitan namin ng mga kalalakihan kanina ay hindi ko na nakita pa si Zahara.

Alam kong dahil ito sa narinig niyang mga sinabi ni Stacy.

Sinubukan kong hanapin siya.

Sinubukan kong hagilapin siya dahil alam kong nasasaktan siya, nahihirapan siya, nagdudusa siya.

Pero hindi ko siya nagawang makita.

Isa na namang panibagong buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tingnan ang papadilim ng kapaligiran mula sa bintana.

"Don't worry, Zahara. Handa akong isuko ang lahat para sa 'yo."

Lumipas pa ang ilang minuto at hindi na ako tumagal pa sa clinic. Lumabas ako at napagdesisyonang hanapin ulit si Zahara.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon