Kabanata 45: Redferne

1.9K 152 20
                                    

ZAHARA'S POV

Sa ilalim ng dilaw na buwan at kadiliman. Sa gitna ng payapa't tahimik na gabi. Ako'y nakaupo sa upuan na siyang napapalibutan ng maliliwanag na alitaptap.

"Sino ka ba talaga?"

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang aking ginawa bago muling tumingala sa kalangitan kung saan kumikislap ang libo-libong bituin.

Gabi na't walang katao-tao sa labas maliban lamang sa akin. Tumakas lamang ako sa silid-pagamutan ng walang paalam matapos kong marinig ang mga bagay na iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang maisaisip at maanalisa ang kaniyang mga sinabi.

Naguguluhan ako.

Nalilito.

Ano ang ibig niyang sabihin sa kaniyang mga isinalaysay?

Aking kapatid.

Ano ang ibig niyang sabihin nang ako ay kaniyang itinawag bilang kaniyang kapatid?

Hindi ko na mawari kung ano ba ang marapat kong isipin, kung ano ba ang marapat kong gawin. Ako'y gulong-gulo na sa mga nangyayari sa aking buhay.

Napayuko na lamang ako sa aking paanan at hinayaang malunod sa kaiisip ang aking sarili.

"Are you okay?"

Isang malambing at maginoong tinig mula sa aking harapan ang siyang muling nakapagpatingala sa akin upang iyon ay tingnan. At nang sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay dumapo ang aking mga mata sa kulay pulang mga busilig ng taong iyon.

"Y-Yzair." Wala sa sariling sambit ko sa kaniyang pangalan. Hindi siya sumagot bagkus ay tumingala siya sa itaas na wari ba'y tinititigan ang napakagandang buwan. Dahil roon ay napatitig ako sa kaniyang mukha na siyang nakikita mula sa liwanag na binibigay ng buwan mula sa kalawakan.

Nagawa kong mapagmasdan ang napakaamo niyang mukha. Ang napakatangos niyang ilong, ang mapula't manipis niyang labi, ang mapupungay niyang mga mata, at higit sa lahat ay ang kaniyang panga na wari ba'y perpektong inukit ng isang mang-uukit.

"The moon is beautiful, isn't it?" Maya-maya pa'y sambit niya dahilan upang mapaiwas ako ng tingin sa kaniya't mapatingala rin sa buwan na kaniyang tinititigan.

"Tama ka, ang ganda." Sang-ayon ko sa kaniyang sinabi, subalit hindi na siya muling nagsalita pa at tanging pagbuntong-hininga na lamang ang kaniyang nagawa.

Nabalot kami ng katahimikan. Walang isa sa amin ang nagtangkang magsalita at sa halip ay parehas lamang kaming nakatingala sa ibabaw.

Subalit hindi kalauna'y agad akong napatigil nang bigla na lamang niyang ibinaba ang kaniyang paningin tungo sa akin.

"I went in the infarmary to visit you but you weren't there," Aniya habang nananatiling nakatitig sa aking mga mata.

Hindi ako nakasagot.

"It's a good thing that I've decided to walk around, it's good to see you here, to see you awake." Dagdag pa niya't maya-maya'y nagsimulang humakbang mas papalapit sa aking harapan.

"May I?" Ilang saglit pa'y anas niya habang nakaturo sa aking tabi, senyales na kung maaari ba siyang umupo. Agad naman akong napahinga ng maluwag dahil sa napagtanto, akala ko kung ano na.

Tanging isang marahan na pagtango lamang ang aking ginawa bilang sagot sa kaniyang sinabi. Mabilis naman siyang naupo sa aking tabi ngunit may sapat na distansya ang nasa pagitan naming dalawa upang ang aming mga rabaw ay hindi magkasagupaan.

"I'm sorry,"

Muli akong napatingin sa kniyang mga mata na tila ba'y naglalagablab sa apoy dahil sa kulay pula nitong mga buliga.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now