Kabanata 117: Apoy sa Dagat

320 25 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Walang tigil sa pagsigaw ang lahat sa pangalan ng dalagang si Zahara.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa mga nangyari.

Hindi nila mapagtalos kung bakit hindi nila magamit ang kanilang mga kapangyarihan, ang kanilang mga salamangka.

"Zahara! No!"

Matulin na nagsilapitan ang nga kalalakihan sa kanilang kaibigan at ito'y mariing pinigilan sa akmang pagtatalon nito sa karagatan.

"Stop it, Kairus!"

"No! Let go of me! I have to save her!"

"It's too dangerous!"

Natigil lamang sila sa kanilang pagtatalo nang sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang umuga ang sinasakyan nilang bangka. Subalit sa pagkakataong ito ay masyado na itong mas malakas.

"Without our power, we cannot win against them!" sigaw ni Stacy habang patuloy na nilalabanan ang mga sirena gamit ang kaniyang espada.

"Guys, do something!" dugtong pa nito nang mas lalo pang dumarami ang mga sirenang lumulutang mula sa ilalim ng karagatan at lumulusob sa kanila.

"This place prevents us from using our power, and now I know why." napako ang atensyon ng lahat kay Blake nang sambitin ya ang mga salitang iyon.

"Maledictus Aqua is not just the Dark Sea, it is also known as the Dead Sea. The sea where no one can use their powers or abilities against the creatures who lives in it."

Dahil doon at mas lalo pang nakaramdam ng takot ang lahat. Matinding kaba, takot at kilabot ang dagliang lumukob sa kanilang mga sistema.

"But we can still fight with our hands, this is the reason why we got trained. Now's the time to use what we trained for." napatahimik ang lahat sa mga katagang iyon ni Levi. Ilang saglit pa'y unti-unti silang natauhan sa mga sinabi nito at buong tapang na hinarap ang mga nilalang na nakapalibot sa kanila.

"Sugod!"

Ang iba sa kanila'y agad na tumulong sa pakikipaglaban at ang iba nama'y nakaagapay sa binatang patuloy pa rin sa pagtawag sa pangalan ng dalaga.

Subalit isang tunog na pagtalon pabagsak sa tubig ang siyang nakapagpatigil sa kanilang lahat. Nang sundan nila ng tingin ang pinagmulan niyon ay doon nila nakita si Cedric na kasalukuyan nang lumalangoy patungo sa ilalim ng tubig upang iligtas ang dalagang si Zahara.

"Cedric!"

"No!"

Dahil sa pangyayaring iyon ay agad-agad na nagsilanguyan pasunod sa binata ang mga sirena't agaran siyang pinagtulungan bago pa man din niya mailigtas ang dalagang tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

Sari-saring mga sugat ang kaniyang natamo mula sa mga sirena dahilan upang agad na maalerto ang kaniyang mga kasama. Nang mapagtanto nila ang nangyayari sa kanilang kalampi ay walang pagdadalawang-isip silang nagsitalunan patungo sa karagatan, hindi iniisip ang panganib na nag-aabang sa kanilang buhay.

"Cedric!"

"Zahara!"

Sunod-sunod na nagsipailalim ang mga ito at pilit na inaninag ang dalawa nilang kasamahan sa kabila ng kadiliman ng buong kapaligiran.

"Hara! Nasaan ka?!"

"Cedric!"

Paglaon pa ng ilang minuto'y isang katawan ang lumutang sa harapan ng lahat. Nang sandaling lapitan nila ito at tingnan ay doon nila napag-alaman na ito ay katawan ng kanilang kaibigan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now