Kabanata 93: Manipulasyon

501 36 1
                                    

ZAHARA'S POV

Kinaumagahan ay nagising ako nang wala na ang mga kasama ko sa aming silid. Hindi ko nakita si Thalia maging ang aking kapatid na si Vishna. Sinubukan ko silang hagilapin sa buong dormotoryo subalit bigo ako na sila'y makita.

Marahil ay nauna na silang pumasok.

Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ang isiping iyon at agad nang naghanda sa aking pagpasok.

Lumipas lamang ang mahigit dalawampung minuto ay natapos ko na ang mga dapat kong gawin at handa nang pumasok.

Palabas na ako ng aming gusali nang mapansin kong umuulan sa labas, nang tumingala ako'y nakita ko ang makulimlim at madilim na kalangitan, at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang muling pagragasa sa aking isipan ng alaala tungkol sa nangyari kay Seraphina at sa kaniyang namayapang anak na siyang kagagawan ni Clantania. Nang sandaling iyon ay muli kong naramdaman ang matinding pagkamuhi na siyang namumuo sa aking sistema, datapwat daglian ko iyong iwinakli sa aking isipan at agad nang humakbang pasulong sa aking daraanan.

Kasalukuyan ko nang binabaybay ang mahaba at malawak na pasilyo patungo sa aming silid. Subalit pansin ko na sa aking paglalakad ay ganoon din ang tinging ipunupukol sa akin ng halos lahat ng estudyanteng aking nadadaanan at nalalampasan. Bagamat hindi na ako nagtataka o nagulat pa, sigurado ako na dahil na naman ito sa mga nangyari kahapon. Hindi ko naman sila masisisi, isa akong Prinsesa at tagapangalaga ng elemento ng hangin subalit may kakayahan akong magpalabas ng itim na salamangka mula sa aking katawan na tanging Tenebrian lamang ang may kakayahan.

Kung kaya't kahit na naiilang ma'y ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad papunta sa aming silid-aralan at hindi pinapansin ang mga tinging nakasunod sa aking likuran.

Malapit na ako sa aming silid, ilang sentimetro na lamang ang layo ko mula sa pintuan ng aming-silid aralan nang makarinig ako ng sunod-sunod na sigawan.

"That bitch! Just make sure na hindi siya papasok ngayong araw, or else! I will surely stab her chest with an ice spike!"

"Just try, one wrong move and I'll touch you until you beg me to stop torturing you to the point that you will choose to die the fast way." Rinig kong sagot ni Vishna sa babaeng nagsalita niyon na may babanta sa tinig.

"Are you threathening us, Vishna?"

"I'm not. I'm just warning the both of you."

"Oh please," Sunod kong narinig ay ang pamilyar na boses ni Blaire, isa sa mga kaibigan ni Maddison at isa rin sa mga Alphas.

Pagak itong tumawa na tila ba'y nang-aasar.

"Stop acting like a good sister to that girl, Vishna. We all know that she's not your real sister, inampon lang naman siya ng totoo mong mga magulang matapos ka ring ampunin ng ama-amahan mong si Heneral Aegeus. Pity you, you will be nothing without your foster father-"

*PAAAK!*

Hindi na niya nagawang matapos pa ang kaniyang sinasabi nang marinig ko ang tila'y paglapat ng palad sa kaniyang pisngi na hula ko'y kagagawan ni Vishna.

Dahil roon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumakbo papasok sa aming silid at lubos akong nagulantang sa seneryong aking naabutan.

"Huwag na 'wag kang magkakamaling isali sina Ama at Ina sa ating away, dahil sa susunod na maulit pa 'to ay hinding-hindi na ako magdadalawang-isip pa na tapusin ka ngayon din."

Halos mangilabot ako nang marinig kong sambitin iyon ni Vishna sa napakalamig na tinig habang nakatingin kay Blaire na ngayon ay nakasalampak na sa sahig at nanlilisik ang mga matang nakatingala sa kaniya.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now