Kabanata 24: Apat na Elemento

2.5K 197 13
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ang lahat ay natigilan nang masaksihan nila ang pagbalatay ng kakaibang galit sa mga mata ng dalaga. Tila nanlamig sila sa paraan ng pagtitig nito.

"Kung maaari ay huwag ninyong diktahan at kwestyunin ang aking kakayahan sapagkat hindi ako ang naglagay ng aking sarili sa silid na ito kung hindi ang punongguro, at kung ako man din ang papipiliin ng aking magiging silid ay hinding-hindi ko nanaising mapunta rito, kaya kung talagang nais ninyong malaman ang kasagutang inyong hinahangad ay magtungo kayo sa kaniyang silid at siya'y inyong tanungin," Seryosong sambit nito na ikinalunok nila. Hindi dahil sa lamig ng tinig nito kung hindi ay dahil sa kapangyarihan ng boses nito.

Dahan-dahan niyang nilingon ang kinatatayuan ng guro at saka ito tinitigan ng mariin na siyang nagpagitla sa huli.

"Kung wala na kayong maitatanong pa'y natitiyak kong marapat na akong magtungo sa aking magiging upuan." Dagdag niya na dagliang ikinatango ng guro.

"O-Oo naman, maaari ka ng maupo-"

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na pinatapos ng dalaga ang pagsasalaysay ng guro at walang pasabi-sabing nagsimulang humakbang papunta sa dulong bahagi ng silid. Sinubukan pa siyang tawagin ng kaibigang si Thalia ngunit hindi na niya ito pinansin pa at tuloy-tuloy na umupo sa bakanteng upuan sa likuran.

Matapos mahimasmasan sa pangyayaring iyon ay wala sa sariling napatikhim ang guro sa unahan upang agawin ang atensyon ng lahat.

"L-Let's get back to our topic," Paunang wika nito't bahagyang inayos ang salamin sa mga mata bago tuluyang humarap sa lahat.

"Kagaya ng aking sinasabi, ang Zahea ay mayroong apat na kaharian. Ang Kahariang ito ay ang Terros, Fyros, Aquaros, at higit sa lahat ay ang Aeros." Huminto siya at nagsimulang maglakad sa gitna.

"Ang unang tatalakayin natin ay ang tungkol sa Kaharian ng Terros. Alam naman nating lahat na ang Terros ang siyang Kaharian sa Zahea kung saan matatagpuan sa Silangang bahagi ng Zahea. Dito rin naninirahan ang mga nilalang na may taglay ng kakaibang kapangyarihan. Ang iba sa kanila ay kayang kontrolin ang lupa, magpatubo ng iba't-ibang uri ng halaman, manipulahin ang mga bato, magpalit-anyo sa mga hayop, kontrolin ang mga puno at marami pang iba na tanging mamamayanan lamang ng Kahariang Terros ang siyang may kakayahang gawin, ngunit ang higit na mas pinakamalakas sa kanilang lahat at ang may kakayahang gawin ang lahat ng binanggit ko ay ang nag-iisang anak ng Hari't Reyna, ang Prinsipe ng Kahariang Terros, ang siyang may hawak ng Elemento ng Lupa. Ang sumunod naman ay ang Kaharian ng Fyros. Matatagpuan ito sa Kanlurang bahagi ng lupain ng Zahea. Dito naninirahan ang mga taong may kakayahang magpalabas ng apoy at manipulahin ito sa pamamagitan ng kanilang mga palad. Dito rin nagmumula ang mga nilalang na may natatanging katapangan at may tinatagalay na hindi ordinaryong lakas. At kagaya ng Kahariang Terros, ang siyang pinakamalakas roon ay ang Prinsipe ng Kahariang Fyros at siyang nagmamay-ari ng Elemento ng Apoy." Mahabang paliwanag nito at saglit na huminto bago ilibot sa lahat ang paningin.

"Ang ikatlong Kaharian naman ay ang Kaharian ng Aquaros. Matatagpuan sa Timog bahagi ng lupain ng Zahea. Dito naninirahan ang mga nilalang na may kakayahang kontrolin at manipulahin ang tubig. Dito rin nagmumula ang mga taong may kakayahang magpalabas ng yelo, kontrolin ang ulan, at manipulahin ang kahit anumang kaanyuan ng tubig na siyang tanging mamamayanan lamang ng Kahariang Aquaros ang maaaring makagawa. At dito rin sa Kahariang ito mismo nagmumula ang Prinsipeng humahawak at nagmamay-ari sa Elemento ng Tubig."

Pagkatapos iyon sambitin ng guro ay muli siyang huminto't inilihis ang paningin patungo sa kaniyang mga estudyante ngunit agad itong huminto sa dalagang tahimik na nakaupo at walang emosyon na nakatitig sa kaniya.

"At ang ikaapat at ang huling Kaharian sa Zahea, ang Kaharian ng Aeros. Ang Kahariang ito ay makikita sa Hilagang parte ng Zahea, ito ang Kahariang bukod tangi sa lahat ng Kaharian sa buong lupain ng Zahea."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now