Kabanata 155: Ang Kalbaryo

402 17 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kasabay nang tuluyang pagkawala ni Clantania ay ang tuluyang pagkawasak ng kaharian ng Tenebris.

Yumanig ang buong kapaligiran kasabay nang pagguho nang buong lugar.

Umihip ang napakalakas na hangin dala nang napakabagsik na pagkumpas nang napakalakas na enerhiya.

At ang kaganapang iyon ay nagpapatunay lamang na si Clantania nga ang tunay at nag-iisang pinakamakapangyarihang diyosa ng buong sanlibutan.

Unti-unti nang binalot ng apoy ang buong lugar, unti-unti na nitong nilamon ang buong kapaligiran.

Datapwat naroroon pa rin si Zahara.

Nakaluhod sa lupa at walang tigil na humahagulgol sa kawalan, sinisigaw ang pangalan ng kaniyang tunay na ina na si Clantania.

Walang tigil siyang nakikiusap, nagmamakaawa't nagsusumamo.

Halos kumawala na ang kaniyang puso sa labis na sakit na kaniyang nadarama sa mga sandaling ito.

"I-Ina. . . p-patawad, patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya, hindi ko alam."

Ngunit kahit na anong pagluluksa't panaghoy ang gawin niya ay batid niya sa kaniyang sarili na tuluyan nang nawala ang kaniyang ina.

Na tuluyan nang naglaho ang kaniyang tunay na ina.

Labis-labis siyang nagsisisi.

Batid niya na ang lahat ng ito'y hindi mangyayari kung sana'y pinagkatiwalaan lamang niya ang lahat ng mga sinabi nito.

Ngayon niya lamang tuluyang napagtanto ang lahat ng mga pahiwatig na siyang nakikita niya ngunit binalewala lamang niya noon pa man.

Magmula sa pagkakaroon niya ng itim na salamangka hanggang sa pagpapalit-anyo niya sa isang halimaw.

Walang sumumpa sa kaniya, sapagkat nananalaytay na sa kaniyang dugo ang dugo ni Clantania. Ang dugo ng panginoon ng kadiliman.

Ngayon lamang niya tuluyang napagtalos na siya ang supling nito sa isinalaysay nitong kwento. Na siya ang naging bunga nang pagtataksil ng katipan nitong si Zephyrius.

At ang nilalaman nang libro ng nakaraan ay pawang kasinungalingan lamang, lahat ng iyon ay kasinungalingan maliban lamang sa iisang bagay at iyon ay ang mga larawan.

Ang imahe ni Seraphina na siyang nakahawak sa sanggol, doon niya tuluyang naaalala ang imaheng iyon. Ang imahe na walang iba kung hindi ay ang imahe nila ng kaniyang tunay na ina na si Clantania.

At sa sumunod na larawan doon ay ang imahe ni Seraphina, ang imahe ni Seraphina na nasa wangis ni Clantania na kaniyang ina.

Doon niya tuluyang napagbulay-bulay ang lahat.

Na tunay ngang inagaw ni Seraphina mula kay Clantania ang lahat-lahat. Magmula sa kapangyarihan nito hanggang sa pagkakakilanlan nito.

At halos sisihin na ng dalaga ang kaniyang sarili dahil sa mga bagay na ito.

Nagpakatanga siya.

Nagpauto siya kay Seraphina, ang nilalang na siyang tunay na masama. Ang babaeng huwad at mapagkunwari. Hindi lamang ang wangis, kapangyarihan at pagkakakilanlan ni Clantania ang kinuha nito kung hindi ay maging ang karapatang makasama't makilala niya ang kaniyang tunay na ina kahit sa loob lamang ng maikling panahon ay ipinagkait din nito.

Siya ang tunay na halimaw.

"P-Patawarin mo a-ako, p-patawad, i-ina. . ." namamaos na ang tinig na sambit nito sa kawalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now