Kabanata 58: Princess Aviara Claine

1.7K 110 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pagsapit pa lamang ng bukang-liwayway ay abala na ang lahat ng mga tagapagsilbi't tagapaglingkod ng Kahariang Aeros sa paparating na malaking okasyon sa palasyong kanilang pinagsisilbihan.

Sila'y labis na nasisiyahan sapagkat sa loob ng napakaraming taon ay muli na namang magbubukas ang tarangkahan ng nasabing kaharian, subalit sa pagkakataong ito'y dahil na sa pagbabalik ng kanilang minamahal na Prinsesa. Ang Prinsesang nagngangalang Aviara na walang iba kung hindi si Zahara.

"Magmadali!" Tinig ng punong tagapagsilbi na si Celia na agaran namang ikinatulin ng kilos ng iba pa niyang mga kasama. Sila'y pumaparoon at pumaparito, labis na inaasam na gawin ng pinakamahusay ang kani-kanilang mga trabaho.

Ilang saglit pa ang nagdaan ay masigasig nilang inilibot ang kanilang paningin sa buong kapaligiran at hindi nila maiwasan ang matuwa sa kanilang mga nakita.

Isang napakamagarbo't napakagandang bulwagan ang kanilang nasilayan. Masaya nilang pinagmasdan ang buong kapaligiran na may ngiti sa kanilang mga labi.

Sa kabilang banda naman, sa isang malawak na silid ay naroroon ang isang dalaga. Nakaharap ito sa kaniyang malaking salamin at tahimik na minamasdan ang sariling repleksyon. Sa loob ng isang buwan ay halos hindi na niya makilala ang kaniyang sarili. Sadyang napakalaki na ng kaniyang ipinagbago. Ibang-iba na ang kaniyang wangis kumpara noon.

"Aviara, aking anak."

Marahan siyang napatingin sa kaniyang Ina sa pamamagitan ng salamin.

Nasilayan niya ang pagbalatay ng munting ngiti sa mapupula nitong mga labi kung kaya't siya'y nagsalita.

"Bakit po Ina?"

Humakbang naman papalapit sa kaniyang likuran ang Inang reyna't siya'y hinawakan sa kaniyang kanang balikat at hindi naglaon ay sumagot.

"M-Masaya lang ako, natutuwa ako na makikilala kana ng lahat bilang anak namin. Bilang Prinsesa ng Kaharian natin." Nasisiyahan nitong tugon na ikinangiti lamang ng huli.

"Maging ako rin Ina ay natutuwa, subalit hindi ko lamang maiwasan na hindi makaramdam ng kaba't pagkabahala."

"Bakit naman anak? Kung ang ikinababahala mo ay ang mga kalaban, huwag kang mag-alala sapagkat dinoble na ng iyong Ama ang siguridad ng buong palasyo para na rin sa kaligtasan ng lahat lalo na't dadalo ang buong mamamayanan sa lupain ng Zahea."

"Kung ganoon po ba'y dadating rin maging ang Hari't Reyna ng ibang Kaharian? Maging ang kani-kanilang mga anak?"

Ngumiti naman ng mas malawak ang Reyna't dagliang nagsalita.

"Oo naman, anak. Dadating sila, silang lahat." Ani nito't ngumiti ng makahulugan.

"Bakit? Nasasabik kana ba na muli silang makita?" May himig ng panunukso ang tinig na sambit nito bagay na agarang ikinatawa ng dalaga.

"I-Ina," Naiilang na saway nito sa reyna at hindi kalaunan ay nahinto mula sa kaniyang pagtawa.

"Inaamin ko po na ako'y nasasabik, nasasabik na makita sila subalit hindi lamang sila kung hindi maging ang aking mga kaibigan kabilang na si Alice, naisalaysay ko na po siya sa inyo ni Ama. Lubha po akong nasasabik na siya'y muli kong makita't makasama lalong-lalo na si Aleng Beth na kaniyang Ina na siyang nagturing rin sa akin bilang isang kapamilya." Mahabang wika nito na dagliang ikinakunot ng noo ng kaniyang Ina kasabay ng panandalian nitong pagkagitla.

"B-Beth? I-Iyon ba ang tunay na pangalan ng Ina ng iyong kaibigang si Alice, a-anak?" Makabuluhang saad nito na siyang dahan-dahang ikinailing ni Zahara.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now