Kabanata 147: Perdita Dea

182 17 1
                                    

ZAHARA'S POV

Tila'y napako ako sa aking kinatatayuan, tulala't hindi makapaniwala. Labis na nagimbal at tuliro sa kaniyang mga iwinika.

Hindi ko lubos na maunawaan.

Nagkaroon siya ng supling? At ang supling niyang iyon ay pinatay ng aking ina?

Marahan akong napailing.

Hindi, hindi maaari. Hindi magagawa ng aking ina ang lahat ng kaniyang mga ipinaparatang.

"Sinungaling!" tuluyan kong sambit nang ako'y makabawi.

"At sa tingin mo ba'y paniniwalaan kita matapos ang lahat ng iyong ginawa? Nais mong paniwalaan kita na nagkaroon ka ng anak at siya'y pinatay ng aking inang si Seraphina?!"

Hindi siya nakapagsalita.

"Kung inaakala mo'y mapapaikot mo ako sa iyong mga palad ay nagkakamali ka sapagkat nabasa ko na ang libro ng  nakaraan! At lahat nang nakalathala roon ay akin nang napag-alaman. Ikaw, ikaw ang masama! Ikaw ang siyang naunang nanggulo! Ikaw ang may ganid at kanaisang makuha ako mula sa aking ina at mas lalong ikaw ang naging dahilan upang ako ay magkaroon ng itim na kapangyarihan! Ikaw ay siyang ganap ng halimaw kung kaya't huwag na 'wag mong ibabaling sa iba ang kasalanang iyong inilikha! At mas lalong huwag mong ididiin ang aking ina sa kasalanang hindi niya ginawa! Sapagkat sa inyong dalawa'y hindi hamak na siya ang paniniwalaan ko kaysa sa iyo, isa kang halimaw!"

Sa haba ng aking mga sinabi ay hindi siya nakapagsalita. Hindi siya gumalaw at tanging tumitig lamang sa aking mga busilig.

Ilang saglit pa'y bigla siyang tumawa. Marahan niyang iniangat ang kaniyang kanang kamay at mariing pinalis ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata't agarang napatingin sa kawalan.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko?"

Nag-umpisa siyang humakbang patungo sa akin.

"Paniniwalaan at paniniwalaan mo ang iyong ina, laban sa kaniyang mortal na kaaway."

Mabagal ang bawat hakbang na kaniyang ginagawa. At animo'y bawat hakbang na kaniyang gawin ay lubos na nakakabigat ng aking damdamin.

"Ang lahat ng nakalathala sa librong iyon ay pawang kasinungalingan. . . " panandalian siyang tumigil at tumingin kay Caleb na ngayon ay nanghihinang napasandal sa pader.

"Pawang kabaliktaran ng katotohanan."

Muli na naman ako nabalot nang matinding pagsasapantaha.

Muli na namang nabalot ng laksa-lakasang katanungan ang aking isipan.

"Kabaliktaran?"

Ilang metro na lamang ang kaniyang layo mula sa akin.

"Hindi ko dapat sinasabi sa iyo ang lahat ng ito sapagkat ikaw ay anak ng aking kaaway, datapwat oras na upang iyong malaman ang nakaraan, ang buong katotohanan. Oras na upang iyong mapagtanto na hindi ako ang tunay na masama, na hindi ako ang tunay na kalaban kung hindi ay ang iyong inang si Seraphina."

Agad na pumintig ang aking tenga.

"At sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko pa ang kahit na anong lumabas na mga salita mula sa iyong mga labi?"

"Nasa sa iyo na kung maniniwala ka sa akin o hindi."

"Matapos ng lahat ng kasamaang iyong ginawa? Hindi! Pinaslang mo ang aking mga kapanalig, kinitil mo ang buhay ng aking mga mamamayanan. Ipinagkaitan mo sila ng-"

"Ipinagkaitan?"

Agaran akong natigilan.

"Kailanman ay huwag na huwag mong gagamitin laban sa akin ang salitang iyan sapagkat wala kang alam. Wala kang alam sa lahat ng aking mga pinagdaanan. Wala kang alam kung anong pasakit ang kinailangan kong pagdaanan sa pagkawala ng aking anak. Sila ang nagkait sa akin, ang ina mo ang nagkait sa akin na makasama't makapiling ko ang aking anak."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now