Kabanata 120: Hangin, Apoy, Tubig at Lupa

926 45 4
                                    

ZAHARA'S POV

"Lazaros." usal niya sa kaniyang pangalan.

Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang itinuran. Nanatili lamang akong tulala't tila'y estatwang nakatitig sa kaniyang kabuuan. At sa ikalawang pagkakataon ay muli kong sinuri ang kaniyang angking kakisigan.

Mula sa makakapal niyang itim na kilay patungo sa mahahaba niyang pilik-mata't mga buliga niyang kulay barok na siya'y nakakatakot pagmasdan hanggang sa napakatangos niyang ilong pababa sa napakapula niyang mga labi na siyang nakakamarahuyong damhin at higit sa lahat ay ang rabaw niyang napakaputi na wari ba'y wala nang may maipaghahambingan.

Tunay ngang siya'y hindi pangkaraniwang bampira.

"Meet our prince, Lazaros Velmoros. The last heir of the royal vampires."

Dahan-dahan kong naibaling ang aking atensyon sa nagsalita niyon at doon ko nasilayan si Vlad na kasalukuyang naglalakad papalapit sa lalaking nasa aking harapan.

Ilang saglit pa'y tumigil ito sa tabi nito't mariin akong pinakatitigan bago muling magsalita.

"So, shall we begin?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Lubha akong nagsasapantaha sa mga nangyayari. Bagama agad kong naintindihan ang nangyayaring kaganapan nang bigla na lamang magsiatrasan ang mga bampirang nasa kaniyang likuran at magsitungo sa tabi't kami ay paikutan. Makaraan pa ang ilang segundo'y lumabas ang aking mga kasamahan mula sa kung saan at nag-aalala akong pinagmasdan.

"Defeat our prince, in order for us to grant your desire. Defeat him and we'll be your allies." matapos niyang sambitin ang mga salitang iyon ay unti-unti siyang umatras hanggang sa maiwan na lamang kaming dalawa ng lalaking nasa aking harapan.

"My apology, mi lady." nakangisi pa rin ang labing sambit nito bagay na nagpakunot sa aking noo.

"Para saan?"

Matapos kong isatinig ang salitang iyon ay agad na nagbago ang ekspresyong nakapaskil sa kaniyang mukha kasabay nang dagliang pag-anhag ng kulay pula niyang mga mata.

"For this."

Naramdaman ko na lamang ang isang napakalakas na pwersang tumama sa aking katawan sanhi upang ako'y humagis patungo sa kung saan.

Isang daing ang aking napakawalan nang ako'y bumagsak sa bato-batong lugar.

Datapwat hindi pa man din ako tuluyang nakakabawi ay agad na naman akong napadaing nang muli na namang tumama sa aking katawan ang panibago niyang atake bagay na siyang agaran kong ikinabigla.

Hindi inaasahan ang kaniyang ginawa.

Lubos niyang napakabilis.

"Hara!"

Agad na umalingawngaw ang sunod-sunod na sigawan ng aking mga kaibigan subalit hindi ko sila magawang tingnan sa labis na hapdi at kirot na aking nadarama sa aking katawan na siyang tinamaan.

Nang ako'y makatayo mula sa pagkakasalamapak sa maruming lupa'y agad kong ipinako sa kaniya ang aking mga mata at pagkuwa'y ikinumpas ang aking kanang kamay dahilan upang unti-unting mamuo roon ang isang mahabang sandata na gawa sa hangin.

Hindi ko inalis sa kaniya ang aking paningin. Pinag-aaralan ko ang bawat galaw niya, ang bawat kilos na gawin niya.

Ngunit tila'y isa siyang nilalang na walang kasing bilis. Naglalaho siya sa paligid sa sobrang bilis niya na wari ba'y sumasabay sa bawat kumpas ng hangin.

Ang hangin.

Dahil sa aking naisip ay agad akong nabuhayan ng loob.

Tumayo ako nang maayos at taimtim na ipinikit ang aking mga mata't pinakiramdaman ang ihip ng hangin. Pinakiramdaman ko ang kaniyang mga hakbang, ang kaniyang mga galaw.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon