Kabanata 61: Ang Panibagong Kaibigan

1.5K 102 10
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Kasabay ng pagkawala ng aming anak na si Aviara ay ang biglaang pagkawala ni Elizabeth." Mahina at malamyos na sambit ng Reyna habang nakatingin ng malungkot sa mga mata ng dalagang si Alice.

"A-Ang akala ko'y matatagpuan ko na siya nang sandaling malaman kong Elizabeth din ang pangalan ng iyong Ina subalit nagkamali ako," Anas nito at wala sa sariling napabuntong-hininga.

"Ibang Elizabeth ang nais kong matagpuan, ibang Elizabeth ang aking tinutukoy. Siya'y isang maninilbihan sa Kahariang ito, siya rin ang manlilingkod na nagpaanak at nagpasilang sa akin sa anak kong si Aviara." Dagdag nito at tumingin sa anak na walang iba kung hindi si Zahara.

Agad naman siyang inalalayan ng kabiyak nitong Hari.

"K-Kung hindi po ninyo mararapatin, mahal na Reyna, nais ko sanang malaman ang dahilan kung bakit nais ninyong mahanap ang tinutukoy ninyong Elizabeth." Walang ano-ano'y lakas-loob na tanong ng dalagang si Alice.

"Wala akong ibang hangarin kung hindi ay makausap siya, sapagkat siya ang nag-iisang kasa-kasama ng aking anak sa silid nito nang sandaling ito ay kunin ng kalaban. Nais ko lamang malaman kung ano ang tunay na nangyari, kung bakit at kung paano nakuha ng kalaban ang aking anak at kung papaano ito napadpad sa kamay ng tumayong mga magulang ng aking anak. Subalit paano ko pa malalaman ang kasagutang iyon kung halos mahigit labing-walang taon na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin siya natatagpuan, hindi pa rin namin siya natatagpuan." Tuluyan ng kumawala ang isang butil ng luha mula sa kanang mata nito.

Mabilis namang lumapit ang anak sa kaniya't siya'y hinagkan ng napakahigpit.

"Tahan na Ina, ang mahalaga'y nandirito na ako, nagbalik na ako, at kahit kailanman ay hinding-hindi na ako muling mawawalay pa sa inyo."

ZAHARA'S POV

"Maging ako ay naguguluhan na sa aking nakaraan, Alice. Hindi ko wari kung ano nga ba ang tunay na mga nangyari, hindi ko batid kung paano ako napunta kina Amang Victor at Inang Midea. Malabo rin na sila ang kumuha sa akin mula sa tunay kong pamilya sapagkat wala silang dahilan upang iyon ay gawin dahil sila mismo ay mayroong anak na walang iba kung hindi si-." Bago ko pa tuluyang matapos ang aking sinasabi ay mabilis ng naputol ni Alice ang aking pagsasalaysay.

"May ibang anak ang dati mong mga magulang?!" Gulat nitong tanong na siyang naging dahilan upang lihim akong mapatampal sa aking noo. Hindi na niya marapat pang malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

"K-Kalimutan mo na lamang ang aking isinalaysay, Alice. Basta't ang nais ko lamang sabihin ay maging ako ay naguguluhan na sa aking pinagmulan na sa puntong halos ayaw ko na lamang isipin pa ang mga nangyari. Nais ko na lamang mamuhay sa ngayon at kalimutan ang nakaraan."

"Subalit batid mo na walang kasalukuyan kung walang nakaraan, Hara." Daglian nitong tugon sa aking mga sinabi na siyang nagpahinto sa akin mula sa paglalakad.

Tama si Alice.

Walang kasalukuyan kung wala ang nakaraan.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago muling harapin ang aking kaibigan.

"Maaari bang kalimutan na lamang natin ang usaping ito, Alice? Hangad ko na lamang ay ang magpakasaya sa gabing ito, hindi ko na hinihiling pa na magpakalunod sa alon-along suliranin tungkol sa aking pagkatao sapagkat sa tanang buhay ko ay iyon na ang aking naging kalimpi." Mahabang salaysay ko na mabilis ikinabago ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Makikitaan ng pagkaintindi at pakikiramay ang emosyong nakabalatay sa kaniyang istura bago niya ako tuluyang ikulong sa magkabila niyang braso.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon