Kabanata 141: Bihag

416 27 2
                                    

ZAHARA'S POV

Binalot ng sunod-sunod na bulungan at pagkagimbal ang buong kapaligiran. Halos lahat ng nandirito'y gulat at hindi makapaniwala sa kanilang narinig at nasaksihan.

Bagay na maging ako ay hindi kayang maiwasan.

Wari ba'y nagising ako mula sa isang masamang bangungot.

Hindi ko na alintana ang aking sarili. Hindi ko na alintana pa kung halos ako'y hubo't hubad na.

Halos  hindi ko na rin magawang limiin ang lahat ng mga nangyari.

Lahat ng mga bagay na siyang naglalaro sa aking isipan ay agarang napalis at napalitan nang matinding katanungan.

Anak?

Ano ang kaniyang sinasabi?

Bakit niya ako tinawag na anak? Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan.

"Zahara, ikaw. . . ikaw ang aking anak."

Tuluyan nang namuo ang mga luha sa aking mga mata. Nanlalabo man ang mga buliga ay sinikap kong tumitig sa kaniya.

"A-Ano ang iyong sinasabi? H-Hindi ko maunawaan," pagak akong napatawa at pagkuwa'y pinakatitigan ang apat na mga kalalakihan na nasa kaniyang likuran.

"Wala na akong maintindihan." napapailing akong napahawak sa aking ulo't kasabay nang tuluyang pagbuhos ng aking mga luha.

"Gulong-gulo na ako. H-Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, hindi ko mapagbulay-bulay kung ano ang nangyayari sa aking buhay, kung ano ang nangyayari sa aking katauhan. Wala ako kahit na katiting na ideya kung ano ang dahilan kung bakit ako nagiging isang halimaw, wala ako kahit na katiting na kaalaman kung bakit nangyayari ito sa aking buhay. N-Noong una. . . noong una'y inakala kong nahanap ko na ang aking mga magulang, ang aking ama at ina na siyang hari't reyna ng Kahariang Aeros," lumuluhang sambit ko't marahang pinagmasdan ang mag-asawang kasalukuyang magkayakap habang pinapatahan ng hari ang reyna.

"Na ngayon ay napag-alaman kong hindi pala totoo, tila'y pinaglalaruan lamang ako ng kapalaran, wari ba'y ginawang laruan ang aking buhay na naging sanhi upang ako'y mapagbintantang huwad at magnanakaw ng buhay na siyang pagmamay-ari ng aking matalik na kaibigan na ngayon ay nasa kamay na ng mga kalaban. A-At ngayon, ngayon ay sasabihin mo sa akin na ako ang iyong anak at ikaw ang aking ina? Ang pinakamakapangyarihang diyosa sa lahat? Ang lumikha ng buong sansinukob? Ang pinakamalakas na nilalang hindi lamang sa mundong ito kung hindi maging sa mundong ibabaw?"

Sa ikalawang pagkakataon ay napailing ako.

"Hindi ko batid kung ikaw ay aking paniniwalaan, t-takot na akong umasa, umasang muli na natagpuan ko na ang aking tunay na pamilya't sa huli ay maiiwan na naman akong mag-isa, takot na akong masaktan, takot na ako sa mga posibilidad, sa mga posibilidad na maaaring muli na naman akong paglaruan ng tadhana. Takot na ako. . . p-pagod na'ko. . . pagod na pagod na ako."

Tuluyang bumagsak ang aking tuhod sa damuhan, tuluyan akong napasalampak sa lupa. Hindi ko na mawari pa kung ano ang aking iisipin.

Ako ay labis-labis nang nagsasapantaha, naggugulumihanan.

"Zahara. . ."

Dahan-dahan kong itiningalang muli ang aking mga mata at ito ay napako sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakayuko sa akin habang naglalaro ngayon ang laksa-laksang emosyon sa ginintuan niyang mga buliga.

"Ako ay humihingi ng kapatawaran kung kinailangan mong danasin ang lahat ng ito, hindi ko ninais na malayo at malaway sa iyo subalit nawalan ako nang pagpipilian." bahagya siyang huminto at pagkuwa'y dahan-dahang hinawakan ang aking balikat, at dahil doon ay agad akong nakaramdam ng kakaibang ginhawa sa aking katawan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now