Kabanata 151: Falsus Omnibus

870 31 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Naisakatuparan mo ang iyong mga plano." napatingin ang kaharap ng lalaki dahil sa kaniyang mga isinatinig.

"Batid ko." wika ng babae't pagkuwa'y bumalatay ang mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi.

"Ano na ang susunod nating hakbang sa ngayon?"

Naglakad papalayo sa kaniya ang babae at pinagmasdan ang madilim na kalangitan.

"Ang patuloy siyang manipulahin at paniwalain sa aking mga salita."

Pinakatitigan nang husto ng kaniyang kausap ang kaniyang likuran.

"Hanggang kailan?"

Dahan-dahang lumingon pabalik sa kaniyang direksyon ang babae at nasisiyahang nagsalita bilang tugon.

"Hanggang sa tuluyan ko na siyang mapaikot sa aking mga palad, hanggang sa tuluyan ko na siyang mapaniwala sa aking mga salita."

"Subalit nagagawa mo na ang bagay na iyan,"

"Hindi, hindi pa ito sapat. Ang nais ko ay mas higit pa, ang nais ko ay mas labis pa. Gusto ko ay wala na siyang pakikinggang iba kung hindi ay ako lamang. At upang maisakatuparan ang lahat ng iyon ay kailangang mawala sa kaniyang landas ang kung sinumang humaharang sa ating mga plano."

Hindi na nakapagsalita pang muli ang lalaki sa kaniyang mga isinatinig at bagkus ay tahimik lamang itong napatulala sa kawalan, iniisip ang nalalapit na katapusan.

* * * * *

Sa kabilang dako ng akademiya ay naroroon ang dalagang si Zahara. Kasalukuyan itong nakatayo habang tahimik na nakatingala sa madilim na kalangitan.

"Ganiyang-ganiyan ka rin kahit na ako ay nasa mundong ibabaw."

Dahan-dahang napalingon ang dalaga nang sandaling marinig niya ang pamilyar na makapangyarihan at mahihimigan ang labis na awtoridad sa tinig na iyon. At nang sandaling magtama ang kanilang mga mata ay ganoon na lamang ang dagliang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso.

"Ilang taon man akong wala at nawalay sa iyong tabi ay araw-araw naman akong nasa itaas at palihim na nagmamasid sa iyo."

Hindi nakagalaw ang dalaga at nanatiling tulala habang nakatitig kay Zephyrius, ang kaniyang ama.

"Alam kong hindi madali para sa iyo ang lahat ng mga pinagdaanan mo, hindi madali para sa iyo ang lahat ng mga nangyayari sa buhay mo."

Hindi pa rin siya kumibo.

"Nais ko lang na malaman mo na kahit hindi man ako nagpakaama sa iyo ay mahal kita sa paraang ako lang ang nakakaalam, mahal kita at gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ka, Zahara, mahal na mahal kita. . . aking anak."

Sa pagkakataong iyon ay napakurap-kurap ang mga mata ng dalaga't hindi kalaunan ay napasinghal bago tuluyang nakapagsalita.

"A-Anak?"

Mapait itong napatawa bago punasan ang luhang kumawala sa kaniyang kanang mata.

"K-Kung anak mo talaga ako ay bakit mo ako nagawang tiisin? B-Bakit ninyo ako nagawang tiisin ni ina? Sapagkat sa pagkakaalam ko'y walang mga magulang ang kayang tiisin ang kanilang anak, ngunit bakit nagawa ninyo akong tiisin? H-Hindi niyo alam kung anong hirap at pasakit ang pinagdaanan ko magmula nang mamatay ang mga taong nagsilbing mga magulang ko, wala akong mapuntahan, w-wala akong malapitan. N-Nasaan ka, nasaan kayo ng mga panahong kinailangan ko ng isang pamilya? Nasaan ka ng panahong kinailangan ko ng isang ama?"

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon