Kabanata 100: Ang Marka ng Prinsesa

508 41 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Marahas na napaangat ng magkabilang kamay ang dalaga sa pasimano ng lababo dahilan upang tumambad ang mahahaba't matatalas nitong kulay itim na mga kuko na siyang nababalutan ng bahid ng mga dugo.

Dahan-dahan itong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at walang ano-ano'y tumingin sa sarili nitong repleksyon dahilan upang masilayan niya ang kaniyang wangis.

Pinasadahan ng matutulis niyang kuko ang bagay na nasa kaniyang ulo pababa sa kaniyang mukha't ito'y hindi makapaniwalang hinaplos. Sinuri nito ang kaniyang kabuuan, ang bago nitong katauhan.

Lumipas pa ang ilang saglit ay isang nakakahilakbot at nakakapanindig-balahibong halakhak ang kumawala sa kaniyang itim na mga labi na siyang pumailanlang sa buong lugar. Isang halakhak na siyang mas higit na nakakatakot sa lahat, higit na mas nakakatakot sa kahit na sinuman.

***

"Nasaan na siya? It's been an hour. Ang sabi ko sa inyo ay dalhin niyo siya rito, bantayan ninyo ng maigi subalit hindi niyo pa nagawa ng mabuti."

Agad na napayuko ang tatlong kawal sa punongguro nang sambitin nito ang mga katagang iyon.

"Paumanhin, punongguro. Hayaan po ninyo't hahanapin namin siya ngayon din."  Tumango lamang sa kanila ang huli gayundin ang iba pang mga guro't maging ang dalawang panauhin na tinugunan lamang nila ng muling pagyuko.

Akmang hahakbang na ang mga ito paalis ng silid na iyon nang bago pa man din nila tuluyang mabuksan ang pintuan ay kusa na itong bumukas at iniluwa niyon ang dalagang hinahanap nila.

Natuon sa babaeng iyon ang paningin ng lahat kasabay ng biglaang pag-iba ng temperatura sa loob nang nasabing silid na iyon.

Subalit mas lalo pa silang nakaramdam ng pagkagulantang at pagsasapantaha nang sila'y may mapansin mali sa katauhan nito.

"M-Mahal na Prinsesa." Utal na tawag ng mga kawal sa dalaga, ngunit hindi man lang sila nito pinagtuunan ng pansin at sa halip ay inilibot nito sa kabuuan ng silid ang walang emosyon nitong mga mata't walang ano-ano'y tumigil ang mga ito sa dalawang panauhin na ngayon ay nasa kaniyang harapan na.

"A-Aviara... anak."

ZAHARA'S POV

Nagmulat ako ng aking mga mata't namalayan ko na lamang na tinatahak ko na ang daan pabalik sa silid ng punong-guro.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

Ako'y labis na naguguluhan.

Ang tanging naaalala ko lamang ay ang paglulupasay ko sa silid-palikuran at ang walang tigil kong pagsigaw at paghiyaw dahil sa pagbabagong nagaganap sa aking katawan at ang tila ba'y paglamon sa akin ng kadiliman kasabay ng pagkawala ko sa aking sarili't katinuan.

Naalala ko rin ang nakakahindik-hindik na mga senaryong iyon bago pa ako tuluyang mawala sa aking diwa.

Dugo.

Maraming dugo.

Matatalas na mga kuko.

At higit sa lahat...

Higit sa lahat ay ang nakakapanindig balahibong wangis ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung sino siya, kung ano ang pakay niya. Kung ano ang kaniyang layunin sa akin. Datapwat nasisiguro kong may koneksyon ito sa mga kaganapang nangyayari sa akin maging sa mga pagbabagong nangyayari sa aking katawan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindKde žijí příběhy. Začni objevovat