Kabanata 14: Desisyon

3K 192 17
                                    

ZAHARA'S POV

"Sa wakas Inay, matutupad ko na ho ang pangarap natin ni Ama. Hanggang ngayon ho ay hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na isa ako sa mapalad na napili bilang maging isang mag-aaral ng Majika De Akademiya, ako'y labis-labis na nagagalak Inay." Masayang sambit ni Alice habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit.

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos naming matanggap ang liham mula sa Akademiya. Naririto kami ngayon sa silid ni Alice at kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit na dadalhin niya sa Akademiya kinabukasan.

"Masaya akong makita kang masaya, anak. Natitiyak ko ring masaya ang iyong Ama kung nasaan man siya naroroon ngayon. Isa pa, karapat-dapat kang mapili bilang maging estudyante ng Majika De Akademiya sapagkat pinatunayan mo ang iyong sarili, anak." Nakangiting sagot sa kaniya ni Aleng Beth. Huminto naman sa pagtutupi ng kaniyang mga damit si Alice bago muling magsalita.

"Ako'y lubhang nasasabik na Inay, hindi na ako makapaghintay pa sa mangyayari kinabukasan, hindi na ako makapaghintay na makapasok at makaapak sa paaralan ng Majika."

"Kung gayon ay ihanda mo na ang iyong sarili Alice, dahil nasisiguro kong ikaw ay matutuwa sa Akademiyang iyon. Marami kang matutunan at mararanasang kakaibang bagay roon na hindi mo pa kailanman naranasan rito, lagi mong tatandaan na maswerteng kang bata anak."

"Sa isipin palang na ikaw ang naging magulang ko'y napakaswerte ko na Inay, kung kaya't wala na akong may maihihiling pa."

Napangiti na lamang ako sa kawalan habang nananatili akong nakatingin sa kanilang dalawa. Ako ay natutuwa dahil sa nakikita kong senaryo sa aking harapan, sila'y sadyang nakakatuwang pagmasdan.

Subalit agad akong natigilan nang ibaling sa akin ni Alice ang kaniyang paningin.

"Ikaw Hara? Sigurado kana ba sa iyong pasya?"

Muli na namang nanumbalik sa aking isipan ang aming pinag-usapan sa nagdaang mga araw, ang pag-uusap namin hinggil sa pagsama ko sa kaniya sa pagpasok sa Akademiya o hindi. Ngunit kagaya ng kanilang inaasahan ay hindi ako pumayag.

Dahan-dahan akong umiling sa kaniyang isinatinig.

"Buo na ang aking pasya, Alice. Nawa'y maintindihan mo."

"Ngunit mas higit na magiging masaya ang pananatili ko roon kung ikaw ay aking kasama lalo na't wala ako roong kakilala." Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong-hininga bago siya sagutin.

"Alice, wala akong dahilan upang pumaroon sa Akademiya. Mas mabuti na lamang kung magpapaiwan ako rito kasama ni Aleng Beth."

"Hara, nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba ang ating pinag-usapan? Maaaring malaman mo sa pagpasok mo sa Akademiya ang iyong mga katanungan hinggil sa iyong tunay na pagkatao. Isa kang tagapangala Hara, tagapangalaga ng elemento ng hangin, kung kaya't nararapat lamang na ikaw ay pumaroon kasama ko sa pagpasok sa Majika De Akademiya."

Daglian akong nagitla mula sa aking kinauupuan dahil sa kaniyang mga sinabi.

Mayroon sa loob-loob ko na sumasang-ayon sa kaniya dahil maaari ngang totoo ang kaniyang mga sinabi. Ngunit kung susundin ko ang kaniyang nais ay parang pinalitan ko na rin sina Ama't Ina bilang mga magulang ko, na tinanggap ko na rin sa aking sarili na hindi nga sila ang aking tunay na mga magulang gayong ito'y pawang katotohanan naman.

"Hara, nawa'y isipin mong maigi ang aming mga sinabi sa iyo. Hindi mo man isatinig ay batid kong nais mong hanapin ang totoo mong katauhan, at maaari Hara, maaaring sa Akademiya mo lamang ito matatagpuan." Hindi ako nakasagot sa giniit ni Aleng Beth. Nanatili lamang tikom ang aking bibig.

Ilang saglit pa ang lumipas ay wala sa sarili akong napatayo. Agad na napatingala sa akin si Aleng Beth at maging si Alice habang nagtatanong ang mga mata.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon