Kabanata 66: Apoy

1.2K 83 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Animo'y napako sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng mamamayanan habang gulat na gulat na nakatitig sa galit na wangis ng dalagang si Zahara na ngayon ay madilim ang mga matang nakatitig sa reyna ng mga kalaban na walang iba kung hindi si Reyna Clantania.

Ilang saglit pa ang naglaon bago makabawi ang reyna't mapang-uyam na tumawa bagay na mas lalong ikinagalit ng huli.

"Magaling, lubhang napakagaling. Sadyang hindi ka nabibigo na ako'y pahangain. Hindi na ako makapaghintay pa na ikaw ay mapasaakin." Mapaglarong sambit nito't akmang hahawakan ang dalaga nang sa isang iglap na lamang ay agaran itong nagsalita.

"Iyan ay kung hahayaan kong mangyari ang bagay na iyan."

Matapos niyang bigkasin ang mga katagang iyon ay walang pag-alinlangan nitong iwinasiwas ang kaniyang kanang kamay dahilan upang kumawala roon ang isang bolang gawa sa hangin na siyang dagliang bumulusok patungo sa direksyon ng reyna.

Subalit ganoon na lamang ang pagkagulat na agarang bumalatay sa kaniyang mukha nang bago pa man din tuluyang dumapo sa gawi ng reyna ang atake niyang iyon ay wari ba'y isa itong bula na daglian na lamang naglaho't nawala.

Kahit na nagugulumihan ma'y hindi hinayaang manaig ng dalaga ang pagkagulat sa kaniyang sistema't ipinagpatuloy ang kaniyang pagpapakawala ng atake.

Sunod-sunod siyang bumuo ng bolang gawa sa hangin at marahas itong pinapakawalan papunta sa direksyon ng kalaban subalit kagaya ng nangyari ay naglaho lamang ito na parang bula.

Dahil roon ay nalunod sa malalim na pag-iisip ang dalagang si Zahara't kunot-noong napatingin sa kaniyang   kaharap na si Clantania. Hindi ito nagsalita bagkus ay nakangisi lamang itong nakatitig sa kaniya na wari ba'y inaasahan ang kaniyang ginawa.

"Tapos kana?"

Sa makailang ulit ay muli na namang naramdaman ng dalaga ang pagsitindigan ng kaniyang mga balahibo sa kaniyang katawan nang sandaling sambitin iyon ng kaniyang kaaway, ngunit ang sunod nitong iminungkahi ang siyang tuluyang nagpayanig ng husto sa kaniyang pagkatao.

"Ngayon, lalik ko naman upang ipakita sa iyo ang aking kapangyarihan."

Isang nakakahilakbot na tawa ang siyang bumalot sa buong bulwagan at kasabay nito ay ang dahan-dahang pagyanig ng buong kapaligiran.

Animo'y kasing bilis ng kidlat na gumalaw ang reyna't huli na nang mapagtanto ng dalaga na hawak-hawak na siya nito sa kaniyang leeg.

"Hara!"

Agad na nagsigawan ang lahat dahil sa biglaang nangyari.

Hindi na nakapagpigil pa ang mga Hari't Reyna, walang pagdadalawang-isip nilang binagtas ang daan patungo sa harap ng napakalawak na bilog na kalasag na siyang naging dahilan upang magsihawian ang lahat ng mga mamamayanan upang sila'y bigyan ng daan.

Ilang saglit pa'y narating na ng mga ito ang kinasasadlakan ng itim na kalasag na siyang kinapapalooban ng dalaga't makapangyarihang nilalang. Ilang segundo pa ang nagdaan ay walang pagdadalawang-isip nila itong  pinaunlakan ng kanilang mga kapangyarihan na siyang pinangungunahan ng Hari't Reyna ng Kahariang Aeros na walang iba kung hindi ang Ina't Ama ng dalagang si Zahara.

Isang napakalakas na bugso ng hangin na nagmula sa kung saan ang siyang gumulantang sa lahat. Dahil sa pangyayaring iyon ay naagaw ang atensyon ng reynang si Clantania. Nalihis mula sa dalaga ang atensyon nito na ngayon ay nakataas na ang magkabilang talampakan mula sa sahig at pilit na lumalanghap ng hangin na animo'y kinakapos na sa paghinga at nakangising ibinaling ang pansin sa taong may kagagawan ng kaganapang iyon na walang iba kung hindi si Reyn Eliora.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now