Kabanata 125: Huling Mensahe

517 27 6
                                    

ALICE'S POV

Tulala akong nakatitig sa malawak na kapaligiran.

Tinatangay nang bugso't ihip ng hangin ang mahaba kong ngayon ay may bahid na ng kulay abong buhok subalit hindi ko iyon pinansin at sa halip ay lumuluhang iniusal ang pangalan ng aking inay.

Kasalukuyan akong nakatayo sa isang burol kung saan inilibing ang kaniyang bangkay.

Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang siya'y mawala mula sa akin. Tatlong araw na ang naglaon magmula nang siya'y kinuha nang biglaan mula sa akin.

Hindi ko man lang nagawang makapagpaalam sa kaniya nang maayos.

Hindi ko man lang nagawang masabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Hindi ko man lang nagawang sabihin sa kaniya kung gaano ako kaswerte na siya ang naging aking ina.

Kung batid ko lang na iyon na ang kahuli-hulihang beses na siya ay aking makikita't mahahagkan, sana ay nanatili na lamang ako roon. Sana'y hindi na lamang ako lumisan, sana'y hindi ko na lamang siya iniwan.

"I-Inay. . . a-ang aking inay."

Nabalot na nang matinding dalamhati ang aking puso't isipan. Binalot na nang poot at galit ang aking kasing-kasing.

"S-Sinisiguro ko sa iyo, Inay. H-Hahanapin ko ang gumawa nito sa iyo, i-isinusumpa ko sa iyong hukay, sisingilin ko siya. Dugo kapalit ng dugo. Puso kapalit ng puso. . ."

"Buhay kapalit ng buhay!"

Tuluyan na akong napahagulgol sa kawalan kasabay nang tuluyang pagkawasak ng aking puso.

Nais kong magwala.

Gustong-gusto kong magwala.

Kailangan ko nang masasandalan, nang makakapitan.

Kailangan ko nang makukuhanan ng lakas ng loob.

Nais kong may yakipin nang mahigpit at sabihin sa kaniya ang lahat ng aking mga hinanakit.

Subalit wala ang taong siyang inaasahan kong dadamay sa akin sa oras ng aking paghihinagpis.

Si Zahara.

Lahat ng aming mga kaibigan at maging ang mga guro't punongguro ay nakiramay sa pagkamatay ni inay subalit ang taong higit kong inaasahan sa lahat ay hindi nagpakita't hindi nagpaalam kay inay.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan, kung bakit hindi siya nagpaalam kay inay na siyang batid kong napamahal na sa kaniya.

Dahil sa isiping iyon ay tila'y mas lalo lamang na bumigat ang aking kalooban. Mas lalo lamang na bumuhos ang mga luha kong sanhi nang pagdadalamhati't paghihinagpis.

*****

Tulala't wala sa sarili kong pinasadahan ng aking palad ang larawan ni inay.

Nandirito ako ngayon sa aming bahay sa gitna ng kagubatan, mag-isa't patuloy na nagdurusa. Lumuluha ang mga mata't maging ang puso kong durog na durog na.

"H-Hindi ko inaasahan na mawawala ka na sa akin nang tuluyan, Inay. L-Lubos na napakasama sa atin ng tadhana, k-kung kailan na nakapasok na ako sa akademiya at malapit ko nang makamit ang aking pangarap para sa ating dalawa, ngayon ka naman kinuha mula sa akin. A-Ang sakit, Inay. A-Ang sakit-sakit."

Bahagya akong napapikit nang masilayan ko ang dahan-dahang pagpatak ng aking mga luha sa kaniyang larawan.

Nang imulat ko ang aking mga buliga ay agad akong napatingin sa mesa kung saan naroroon ang isang liham na nagmula kay Ginoong Felipe.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon