Kabanata 38: Ang Pagbabalik

2K 130 12
                                    

ZAHARA'S POV

"Vishna? Y-You're back?" Tulalang sambit ni Levi habang nakatitig sa babaeng malamig ang tinging ipinupukol sa aming direksyon.

Hindi pa man din ito tuluyang nakakasagot ay muli ng nagsalita ang aking katabi.

"Cedric..." Aniya't mariing tinitigan ang lalaking nasa likuran niyong babae. Dahil roon ay mabilis ko ring inilihis ang aking paningin patungo sa kaniya na siyang naging resulta upang ako'y mapagitla't mapatulala.

"Hi guys, we're back." Nakangiting sambit nito at nagsimulang humakbang papalapit sa aming kinaroroonan.

Ngunit ako'y nanatiling tahimik at hindi magawang makapagsalita.

Ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang kulay kayumangging mga mata ay lubhang napakapamilyar, wari ba ay matagal ko na itong nakita't napagmasdan. Maging ang kaniyang presensya'y labis na naghahatid sa akin ng kakaibang pamilyaridad na siyang aking ikinalunod sa labis na pag-iisip.

"Where's Elliot? Bakit hindi niyo siya kasama?" Ang tinig ni Yzair ang siyang sumakop sa aking magkabilang tenga, subalit hindi iyon naging sapat na kadahilanan upang ako'y mapabalik sa aking katinuan. Nananatili lamang na nasa lalaking nagngangalang Cedric ang aking mga busilig, sinusuri't pinag-aaralan ang kaniyang wangis, sinusubukang alalahanin ang una naming pagtatagpo. 

Ngunit bigo akong iyon ay dinggin.

"Kilala mo naman 'yon, malamang sa malamang ay ginamit na naman niya ang kapangyarihan niya. Isip bata 'yon eh, malay mo nandito na pala siya at-"

Hindi na nagawang maitapos pa ng ginoong si Cedric ang kaniyang isinasatinig nang sandaling ako'y mapahakbang paatras at mapaikot ng wala sa oras dala marahil ng aking malakas at matalas na pakiramdam.

Ramdam ko ang pag-igtad at pagsinghap ng kung sinumang lapastangang nilalang ang naroroon sa aking likuran. Kasabay niyon ay ang biglaang paglakas ng ihip ng hangin sa aming kinaroroonan at ang pagbalot nito sa aking kabuuan na siyang naging dahilan upang mapaatras ang lahat mula sa aking kinatatayuan. Matapos niyon ay namalayan ko na lamang na mayroon na akong hawak-hawak na isang espada na gawa sa hangin at nakatutok sa iisang direksyon na walang katao-tao na siyang labis na ikinabigla ng lahat ng naroroon.

"Hara!"

Mula sa malayo ay narinig ko ang malakas na pagsigaw nina Alice at Matt subalit hindi ko na iyon pinansin pa't sa halip ay malamig kong pinakatitigan ang aking harap.

"Ipakita mo ang iyong sarili." Anas ko't mas diniinan pa ang pagkakatutok sa kaniyang kinaroroonan ng aking sandata.

At hindi pa man din lubusang nakakalipas ang mahigit tatlong segundo'y sunod-sunod na singhapan na ang bumalot sa buong kapaligiran nang sa isang iglap lamang ay unti-unting lumitaw sa aking harap ang isang pigura ng isang ginoong tulala't nanlalaki ang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatitig sa aking mga busilig. Ilang saglit pa ang nagdaan ay dahan-dahang lumihis patungo sa dulo ng aking espada ang kaniyang mga mata kung saan makikita sa harap ng kaniyang leeg na siyang labis niyang ikinamutla.

"Elliot!"

Narinig ko ang gulantang na pagsigaw ng aking mga kaklase sa aking likuran at ang mabilis nilang pagtakbo patungo sa aming kinaroroonan.

"Hara, hindi siya kalaban." Sambit ni Thalia.

Dahil sa kanilang mga ipinapakitang reaksyon ay nakumbinsi ko ang aking sarili na tama ang kanilang mga sinasabi.

Hindi siya kaaway.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon at agad na ibinaba ang aking sandata't pagkuwa'y pinalaho ito na parang bula.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now